Deja Vu

0 0 0
                                    

#TatakPL
#DejaVu
#PsychedelicApril
#April11

Sa karamiran ng pasahero,  nagpaagos ako papasok ng Train ng MRT. Dahil sa puno,  nakuntento ako sa pagsandal sa isang sulok. Apat na station lang naman. Wala pang bente minutos ay makakarating na ako sa pinagta-trabhuhan.

Habang nasa byahe,  napansin ko ang magkatabing nakaupo sa helera ko. Pareho sila ng sapatos na de-sintas kahit magkaiba ng kulay. Hm, uso ba 'yun ngayon? Sinilip ko ang hitsura nila at napakunot ng noo. Pareho kasing seryoso ang kanilang mga mukha at panay ang tinginan. Mga bading siguro. Wow,  couple shoes!

Naiiling akong nag-angat ng aking mga mata. Nasalubong ko ang titig sa akin ng isang lalaki sa kabilang helera. Umiwas ako ng tingin. Sa hitsura nito ay mukhang kanina pa niya ako pinagmamasdan.

Huminto ang train. Nagsimulang maglabasan ang karamihan sa lugar na ito na sentro ng siyudad. Kahit makulimlim sa labas ay mainit pa rin kaya nakadama ako ng kaginhawahan nang mabawasan ang dami ng nasa loob. Kumilos ako para makalapit ng kaunti sa bukana. Ayoko kasing mahirapan mamaya sa pagbaba. Nagsara at muling umandar ang tren. Hindi pa nakakabuwelo ng bilis ang sasakyan ay biglang itong huminto na tila may nabangga o nasagasaang bagay sa riles.

Sa lakas ng pagkakahinto, nakabitiw ako sa kinakapitang tubo at tumalsik mula sa aking puwesto. Namalayan ko na lang na nasalo ako ng lalaking nakamasid sa akin kanina.

"Okay ka lang ba?" tanong niya.

"O-oo... Ano'ng nangyari?" naguguluhan kong tanong habang umaayos ng upo.

"May tumalon sa riles."

Napatakip ako ng bibig sa narinig. Agad akong tumayo upang malisip kung may makikita sa sinabi ng lalaki. Kung totoo ba ito. Ang tanging nakita ko ay mga talsik ng dugo sa sahig ng riles at dalawang pirasong sapatos.  Napaatras ako sa gimbal.

Kilala ko yung mga sapatos. Isang brown at isang dark blue. 'Yung sapatos ng...

*****

5:30am

Dumilat ako nang may mabigat na mata. Parang hindi ako nakatulog. Ngalay at pagod ang katawan ko. Tinatamad akong tumayo, naligo at nag-ayos ng isusuot papasok ng trabaho.

Umaakyat na ako patungong train ay antok na antok pa rin ako. Parang napagod ako sa aking pagtulog sa hindi ko malamang dahilan.

Sa karamiran ng pasahero,  nagpaagos ako papasok ng train ng MRT. Dahil sa lagi namang puno,  nakuntento na ako sa pagsandal sa isang sulok. Apat na station lang; wala pang bente minutos ay makakarating na ako sa pinagta-trabhuhan ko.

Dahil may sumiksik,  napagilid ako ng puwesto. Napansin ko ang magkatabing nakaupo sa helera ko. Tahimik silang nakaupo at iisa ang hitsura mula sa T-shirt  at pantalon. Magkaiba lang ng kulay. Pareho rin sila ng sapatos na de-sintas. Naisip ko tuloy kung uso ba 'yun ngayon? Sa 'di malamang dahilan,  sinilip ko ang hitsura nila. Napakunot ako ng noo. Pareho kasing seryoso ang kanilang mga mukha at panay ang tinginan. Parang nag-uusap ang mga mata nila. Mga bading ba sila? Dapat ay tumatawa na ako sa sarili ko. Nagbibiro ng, 'wow,  couple shoes!' sa mga oras na ito.

Pero hindi ko magawang matawa. Parang may iba akong nararamdaman sa kanilang dalawa. Hindi ko lamang mawari kung ano iyon. Gusto ko nang alisin ang kakaiba kong pakiramdam kaya lumayo ako ng tingin. Pero sinalubong ako ng isang titig. Titig ng lalaking kanina pa yata nakamasid sa akin.

Nakaramdam ako ng kilabot. Nagsimulang umikot ang sikmura ko kahit wala namang dahilan.

Tumunog ang hudyat ng paghinto ng train. Nakaramdam ako ng panic. Pero bakit?

Nagsimulang maglabasan ang karamihan. Tumayo ang dalawang lalaking may parehong sapatos. Automatic na tumingin ang mata ko sa lalaking nakatitig sa akin. Nakatitig pa rin siya.

Bakit parang may kinakatakutan ako? Bakit parang nangyari na sa akin ito? Lumingon ako sa paligid. Sa bintana sa labas. Makulimlim. Tila nakita na ng mata ko ang madilim na kalangitan sa likod ng malaking condo building.

Muling tumunog ang train. Hudyat na pasara na ang pintuan. "Nakita ko na ito. Pamilyar ang pangyayari! Nakita ko sa bintana ang dalawang lalaki na mahigpit na naghawak ng kamay habang naglalakad patungo sa unahan ng train. Magsasara na ang pintuan nang bigla kong maisipang lumabas.

Sinundan ko ang magka-holding hands na mga lalaki. Sige lang ang lakad ng dalawa hanggang sa marating ang dulo ng platform at nagyakap. Masama ang kutob ko. Namutawi ang tunog ng sasakyan. Aandar na ito.

Nanlaki ang mga mata ko nang parang mayroong larawan ang lumabas sa isip ko. Mga sapatos na duguan. Muling bumalik ang mata ko sa magkasintahang lalaki sa dulo. Alam kong may masamang mangyayari. Kailangan kong-

Napahinto ako ng kilos. Ang dapat na lakad-takbo kong gagawin patungo sa dalawang lalaki at napigil ng isang mahigpit na hawak sa aking bisig. Nakilala ko ang lalaking may hawak sa kin,  ang lalaki g nakatitig.

"Hindi ka puwedeng makialam," wika nito. Mabilis na sinuri ko ito mula ulo hanggang paa. Naka-itim siya. Maging ang sumbrerong nasa ulonito ay itim.

"Bitiwan mo ako!" Lalaban pa saba ako nangisang matinig na tili ang namutawi sa buo ng station.

Ang tumili ay nasundan ng isa, at isa pa,  hanggang sa marami nang gumaya. Ang train na kaaandar lang ay huminto.  Wala na rin ang magkasintahang bakla. Ang tanging kita sa paningin ko ay ang mga sapatos nitong tumalsik patapos silang tumalon sa harap ng tren at magkaputol-putol.

And then I realized what happened.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Psychedelic AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon