Ezhy POVAng init init naman! Hirap talaga sa panahon ngayon! Wala na nga mahanapan ng trabaho ang init init pa! Well... sa bahay na ako magpapakilala kasi still ang init init pa saka tatawid pa ako sa kalsada. Baka mamaya nagpapakilala ako tapos may sasakyan na pala oh diba!
Tumawid na lang ako ng kalsada at dumiretso na lang sa katapat ng restaurant. Pumasok na ako sa loob at umupo sa may bandang pintuan kase pag aalis na ako mauuna sa mga iba pang lalabas hehe.
"Waiter!!" tawag ko. Tagal ko na kaya nakaupo dito like 20 seconds.
"What's your order maam?" Sabi nitong si Mister waiter. Gwapo, pero not my type.
"Uhmm... this, this, and this.. yan lahat. Ay wait ito pa saka ito" Nagulat naman si Mister waiter. Masama na ba kumain ng madami? Grabehan lang ha. Wala naman na syang nagawa kase ako naman ang kakain hindi sya.
Nung umalis na yung waiter sa gilid ko napansin ko ang isang mala anghel na lalaki sa tapat ko na may kausap pang isang lalaki.
"By the way im Syxx Park but you can call me Jinxx kase naman hinde bagay saking face ang Syxx so Jinxx na lang"
Napataas na lang ako ng kilay habang nakikinig sa pinagsasabi ni Mister Angel. So sya yung anak ng pinaka successful na kompanya dito. Aba't bakla ata ang nahuli ko ahh. Para naman hindi sya mapahiya gagawa na lang ako ng paraan. Kase pinagtitinginan na sya ng tao oh baka sabihin bakla sya tapos baka malaman pa ng parents nya.
Tumayo ako at lumabas ng restaurant. Kumuha ako ng make up at naglagay sa mukha ko tapos pumasok ulit sa restaurant. Pagkapasok ko nagkunyari akong masungit ang mukha.
Hehe... di ka na mapapahiya Mister Angel...
Dumiretso ako sa upuan nila at sinimulan nang um-acting.
"Syxx!! Kelan mo pa nagawa sakin to?! Akala ko ba hindi mo ako pagpapalit?! Alalahanin mo naman na may anak pa tayo! Wag mo naman sanang palakihin ang anak natin ng walang ama!! Kailangan ka namin! Syxxxxx" Nagsitinginan naman samin lahat ng tao sa sinabi ko.
"Sabi ko sainyo nagpapanggap lang na bakla yan ehh"
"Kaya nga, sa gwapo nyang yan! Kaso may asawa na"
Ayannn! Di na nila masasabing bakla si Mister Angel...
"What are you doing?! Hindi kita kilala okay?! Did you know na may kasama akong client!Saka anong anak?! Anak your face!" Luh.. sungit.. sige Mister Angel or Syxx matigas ka ahh.
"So ako pa ang ipapahiya mo?! Ganyan ka na ba talaga?! Akala ko ba mahal mo ako?! Pano mo ako nagawang sigawan?!" Dahil best actress naman ako char... pero magaling talaga ako noh. Umiyak ako ng fake pero syempre may luha yun. Galing ko noh.
"Wha---You know what. This sucks...look miss alam kong maganda ka pero mas maganda ako. Wag ka naman sanang masyadong assuming ha. Wala tayong anak okay? There was never an us. By the way Jake thanks sa time." Sabi nya dun sa sinasabi nyang client nya. Tumingin sya sakin saka sabay alis. Saktong gutom na ako kaya yubg natitira nyang pagkain dalidali kong kinain saka sumunod kay Syxx.
"Mister Angelllllll!!!!!"
Sabi ko habang nakasunod sa kanya. Mukhang di naman nya alam na sya yung tinatawag ko kaya tumakbo na ako ng mabilis papunta sakanya at sumakay sa likod nya.
"What the f*ck?!"
"Luh.. mister ko naman. Minumura mo na ako ha."
"Can you alis alis na sa likod ko?! Na sstress ako sayo pati na ang bones ko!!" Sungit naman ni Mister ko. Marami pa namang tao. Dapat ipagpatuloy ko ang pagpapanggap ko.
"Mister kooo....namiss kita ng sobraaaa" sabi ko sabay yakap sakanya habang nakasakay sa likod nya.
"Nako pre! Kung ako magkaka asawa ng ganyan di ko na papakawalan"
"Kaya nga pre! sweet!"
Nanatili akong nakayakap sakanya habang pinapakinggan yung mga good comments. Hehe... sabi na nga ba good match kami eh.
"Pasalamat ka we're in public! Kundi kanina ko pa kinalaskalas your buhok!"
Hindi ko na binigyan ng atensyon yung sinabi nya at yumakap lang sakanya. Wow... anglambot kaya... tapos angbango pa, ang manly ng pabango nya! Naku type ko sya!
Nang makarating na kami sa tapat ng kotse nya dito sa parking lot sa dulo. Yung parteng di masyado kita. Binaba nya ako at tiningnan ng masama.
"Pasalamat ka ulet at mabait ako at ihahatid pa kita pero kung hinde nako kang bruha ka! Baka hayaan kita dito sa kadiring daan maglakad" Ganito ba talaga sila magsalita? Angpanget naman.
"Dapat ikaw magpasalamat kase ikaw ang niligtas ko sa kahihiyan! Kung di ko yun ginawa baka nalaman na yun nina Mr and Mrs. Park" Sabi ko ng medyo nagtatampo
"Then fine! I owe you! Pero I swear hindi ko na makikita yang face mo!"
"Hmmpp"
Pagkasabi ko nun kinuha ko sa kamay nya yung susi ng kotse at binuksan yung kotse. Sumakay na ako sa sa pasengger seat at itinaas ang paa dun sa may unahan. Wala naman syang nagawa kaya pumasok na rin sya sa kotse. Pagkapasok nya inis syang tumingin sa paa kong nakataas.
"Ibaba mo nga yang paa mo! Kababaeng tao! Gross!" Anong gross dun? Ang bango bango kaya ng paa ko.
"Anong gross, baka nga mas mabango pa paa ko sa kilikili mo eh. Amuyin mo pa" itinaas ko yung paa ko at itatapat na sana sa ilong nya kaya lang ang likot. Mabango naman talaga.
"Baka naaalala mong nakapalda kang bruha ka!" Ay schockxx naka palda pala ako. Binaba ko naman agad yung paa ko.
"Basta mabango to!"
"San ba bahay mo?!" sigaw agad?
"Baket? Magpapaalam ka na ba kina mommy na papakasalan mo ako?" Hehe..umusok naman agad yung ilong nya like this "😤"
"Sige wag na kita ihatid"
"Joke lang!!! to naman di mabiro hahaha"
And then in-istart na nya yung engine then nag drive na. Gwapo sana. Sayang. Swerte siguro ng magiging asawa nito. Kahit bakla mababawi pa rin ang katotohanang yun dahil ang gwapo nyaaaa. Siguro nangyari rin sakanya nung highschool days yung hinahangaan sya ng mga babae.
"Aminin mo nga Syxx. School heart throb ka dati noh?" Well bagay naman talaga sakanya. Parang gangster pero gwapo waahhhh.
"What?" Kj naman nito
"Tapos naglalaro ka rin ng basketball noh"
"Give up young bruha tumigil ka dyan sa iniisip mo"
"Edi titigil! Saka wag mo nga akong tawaging bruha! Kung ako bruha ikaw mangkukulam!" Bahala sya dyan. Maigi na lang nakaisip agad ako ng pwede itawag sakanya.
"Shut up Bruha!"
Ayan na po yung pinagkakaabalahan ko. Kaya ko naman po pagsabayin yung Rival Love saka ito ehh don't worry po. Cuz I have my ways and I can manage hahaha
Don't forget to vomment❤
BINABASA MO ANG
Having A Gay Husband
Romance"Bakla?" "diba yun yung lalaki na babae?" "Nakakahiya naman" yun ang nakikinig natin sa mga tao ngayon laban sa mga bakla. Oo, bakla si Syxx, natatamaan sya pero may dahilan ng pagiging bakla nya. Hindi dahil gusto nya ng gamit babae kundi dahil sa...