Ezhy's POV"Syxx anong ginawa mo dun sa dressing room ng nga babae? Don't tell me.."
"Gaga, tiningnan ko lang..loob saka bat ako maninilip dun? Duhhh!" aniya
"Malay mo, may masilip ka"
"Gaga ka talaga! Bakla ako, B-A-K-L-A, kaya babae na rin ako...saka magkakaroon din ako nyan balang araw" aniya
"Nag pipills ka?! Gago ka ba?!"
"Di ako gago dapat gaga....babae ako remember??"
"Ewan ko sayo mas sira pa ata utak mo kesa sakin eh" pagtatapos ko na usapan namin
Nakapasok na kami sa loob ng reception. Grabe ang ganda promise. Paano kaya nila nagawa to sa konting araw lang? Pursigido talaga sila para sa kasal na to ahh.
"Hi mommy! Hi daddy!" bati ko sakanila sabay halik sa pisnge.
"Hi po mom and dad" bati rin ni Syxx. Angganda talaga ng boses ni Syxx na panlalaki. Parang pang playboy.
"Ohh andito na pala kayo. Umpisahan na natin" sambit ni Daddy kaya naman pumunta sila sa itaas para mag announce.
So kami na lang talaga ang iniintay?
"Nakakahiya ka Syxx! Tayo na lang pala ang hinihintay! Inutusan mo pa ako!"
"Palibhasa kase ang kupad kupad mo!"
"Shhh! Ang ingay mo may nagsasalita sa unahan oh? Can't you see???walang manners tsk" pagtatapos ko
"......so can I call the two lovers infront?" ayan di ko tuloy napakinggan speech ni daddy.
Umakyat na kami sa taas pero dahil medyo mataas ang heels ng high heels ko.
Kaya nga high heels diba?
Basta! Gusto ko pahabain nasa isip ko ehh. Pero dahil mataas high heels ko at medyo nahihirapan akong humakbng dahil isa pa sa sabagal yung gown ko na pinalit kanina. Inalalayan na ako ni Syxx. Kaya umalingawngaw nanaman yung mga bubuyog este tao.
Pagkatapos nung maarteng tawag tawag samin ni Daddy sa unahan pinagsayaw nya kami ng slow dance sa gitna. At ito namang si Syxx pamali mali ng sayaw naaapakan ko tuloy sya.
"Mag aral ka nga magsayaw! Baka mamaga pa itong paa ko mamaya..." sabi ni Syxx sabay upo dun sa table namin.
Medyo naninibago pa ako kay Syxx kase ngayong gabi yung panglalaki nyang boses ang gamit ngayon. Yun kaya yung normal nyang boses? Para kasing may kung anong gumugulo sakin or curiosity lang talaga?
"Syxx..."
"Ano?"
"Playboy ka ba noon? Para kasing angganda talaga ng boses mo. Napapanood ko yan sa kdrama eh minsan nagpapanggap lang yung lalaki kasi---"
"Shut up! Wag mong babanggitin yan!" sigaw nya saakin.
Ganun na ba kasama yung tanong ko? Oh baka natatakot si Syxx na baka magic spell ko yun? Kaya pala tinatawag nya akong bruha? Eh sya nga itong mangkukulam ehh!!! Grabe sya!! ;<
Syxx POV
Nakita ko namang nagluluha na yung mata nya kaya naalarma ako. Minsan talaga di ko rin mapigilan yung bibig ko.
"Hey, Look...I'm sorry" napipilitan kong sabi
"Bat mo kasi binabanggit yung mya magic spells mo sakin? Sakin mo ba yan itetesting? Baka mamaya pahalikin mo na ako sa palaka ahh?"
BINABASA MO ANG
Having A Gay Husband
Storie d'amore"Bakla?" "diba yun yung lalaki na babae?" "Nakakahiya naman" yun ang nakikinig natin sa mga tao ngayon laban sa mga bakla. Oo, bakla si Syxx, natatamaan sya pero may dahilan ng pagiging bakla nya. Hindi dahil gusto nya ng gamit babae kundi dahil sa...