to get her

3.2K 78 5
                                    

LISA's POV.

Buo na ang desisyon kong sabihin kay jennie na gusto ko si kai habang pinapatagal ko to alam kong mas binibigyan ko ng pagkakataon si kai na halatang halata ang pagkagusto kay jennie, kahit gustuhin ko mang bantayan lagi si jennie di ko yun magagawa dahil sa part time job ko .

Papasok na sana ako ng skwelahan ng makita ko si jennie na may kausap sa cellphone niya ,nilapitan ko siya .

"Dad sinabi ko na sainyo ,ayoko sa idea niyo , wag niyo nako pilitin dahil buhay ko to!!" --rinig kong sabi niya sa kausap niya at bigla niya itong pinatayan , nakita niya naman akong nakatingin sakanya ,agad din siyang lumapit sakin at niyakap ako ,niyakap ko din siya at ramdam ko ang pag iyak niya sa balikat ko .

"Lisa kailangan kita kahit ngayon lang" --tumango naman ako at hinawakan ang kamay niya .

Ngayon ko lang gagawin to, ang di pumasok sa skwelahan . Kailangan ako ni jennie at di ko kayang pabayaan siya .

Dinala ko siya sa lugar na alam kong pwde niyang makalimutan ang problema niya ,ayoko munang mag tanong ,gusto ko lang makita siyang masaya .

"Lisa anong gagawin natin dito ?"

"Maglalaro at magsasaya "---hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at pumasok na kami sa perya .

Naglaro kami at sumakay sa mga rides dito ,kitang kita ko ang saya sa mukha niya . .

May mga napanalunan din kami sa pag lalaro gaya ng stuffed toys na nakuha namin nagpalit kami ng napanalunan remembrance namin sa isa't isa .

Nasa loob kami ngayon ng Ferris wheel , naisip kong baka pwedeng sabihin ko na kay jennie ang nararamdaman ko.

"Nini, may gusto akong sabihin sayo" --tumingin naman siya sakin at ngumiti .

"Ano yun lili" -malambing na tanong niya .

"Wag ka sana saking lalayo kung sakali man, ayokong mawala ka sa buhay ko ,ano man ang malaman mo ngayon, at maging desisyon ,sana pagkatapos ng araw na to ,ay hindi pagtatapos ng pagkakaibigan natin ."

"Hindi lili, kahit kailan man hindi ko kayang tapusin ang kung ano mang meron tayo."

Huminga ako ng malalim at nag ipon ng lakas ng loob na sabihin sakanya .

"Salamat nini, gusto ko lang malaman mong matagal na kitang gusto ,wala lang talaga akong lakas ng loob na sabihin sayo ,pero satwing kasama mo si kai at nakikita kitang masaya ,nadudurog ang puso ko na siyang nag palakas ng loob ko para masabi sayong . . . . .

JENLISA - DEEP INSIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon