Home

2.4K 63 0
                                    

LISA's POV.

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman ngayong nakauwi na kami ,madami na ang nagbago sa loob ng limang taon, bumalik lang ako para harapin ang totoo kong pagkatao, pero ibang tao ang naaalala ko, aixt ano ba to , matagal na yun , masaya na siya , at may ibang buhay narin ako .



"Lisa, gusto mo bang mag joyride ??" -tanong sakin ni rosie na ngayon ay humiga sa tabi ko .




"Pagkain lang hahanapin mo eh ,pagod pa ako " --sagot ko sabay talikod sakanya .




"Boring mo naman isang buwan lang bakasyon natin pagkatapos ipapasok na tayo sa kompanya ,sulitin naman natin to oh!"--paghila niya sakin . Umupo naman ako at tinignan siya .



"Kailan daw ba gagawin ni lolo ang party?" --tanong ko sakanya ,kinakabahan parin akong ipapakilala na nila ako sa maraming tao bilang kapamilya nila.



"Next week inaasikaso pa ni lolo ang lahat, wag mo na yung isipin gala na muna tayo"




"Hay nako , sige na nga di mo rin naman ako tatantanan " --tumayo na ako ,at nagbihis , dinala ko din ang camera ko .


Ako na ang nag drive halos isang oras din kaming nagpaikot ikot , gaya ng dati enjoy na enjoy kami sa ganito ,yung sasayaw at kakanta nalang kami sabay sa tugtog habang nasa byahe . Huminto ako sa isang restaurant para makakain kami , alam kong gutomin tong kasama ko .




"Yiee , nakakamiss naman yung mga pagkain dito " --kinikilig siya habang kumakain .




"Sige kain ka lang ,baka pumayak ka mawala yang cheeks mo !" --kurot ko sa pisngi niya .




"Aray!!,papatayin talaga kita lisa !, pasalamat ka kumakain tayo!" --galit na sabi nito .



"Haha cute mo magalit mukha ka na talagang chipmunks , haha! Aray!" --sinipa ba naman ang paa ko  .



"Buti nga sayo"

Tumigil nako sa pangbbwesit sakanya, dahil pinagtitinginan narin kami ng mga tao dito , pagkatapos naming kumain , umikot ikot ulit kami sa kung saan saan.

Palubog na ang araw ng tumambay kami sa isang park madami ang nakatambay dito, mag papamilya ,mag jowa , mag asawa , magkakaibigan , at may mga mag isa na aso o pusa ang kasama .

Kumukuha lang ako ng picture ng masasayang taong nandito .



"Lisa, dito ka lang naiihi ako " --paalam sakin ni rosie tumango lang ako at humiga ,ang ganda kuhanan ng ulap napakaaliwalas , kinuhanan ko ito at laking gulat ko ng may dumila sa lente ng camera ko .

JENLISA - DEEP INSIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon