Meet Kai and the squad

6 0 0
                                    

"Ito lang yung gagawin mo, kapag tinawag ka ni Dylan, dahan dahan kang lilingon, titignan mo sya na para bang-- heto na this is it, excited pero malumanay ka parin, kasi yun ka diba, relax lang at in character ka na dapat"

napansin ni Kai na hindi nya pa nakikita si Terence na gumaganap bilang Dylan

"teka! yung lead actor nasan?! si Terence nasaan?!"
"Direk may problema po tayo... hindi daw po makakarating si Terence eh" may pag aalalang sabi ni Mina ang assistant ni Kai

napa kunot ng noo si Kai, maya maya dumating ang manager ni Terence

"Direk.. nasa ospital si Terence, napa away kasi kagabi"

hindi maka tingin kay Kai yung manager at medyo naka tungo lang, napa buntong hininga naman si Kai

"mukha bang joke to?" seryosong tanong ni Kai
"naging maaga ang lahat para ayusin ang set at abangan ang magandang sunset, so kapag wala sya iiskip tong scene, lalagpas sa time duration, anong gusto nya hindi na magpa hinga ang mga tao dito?"
"Kinausap ko na si Terence na huwag ng pumarty kasi maaga sya! Alam kong malaking issue to dahil marami ng tao ang nakakita sa kanya at nasa social media na rin yung nangyari kagabi. Haiiisssh malapit na akong mabaliw aa kanya" reklamo ng manager ni Terence
"oo tama.. malapit na rin akong mapuno sa kanya!"

f.f.

pumunta ng hospital si Kai at sa exit door sya dumaan dahil maraming press malapit sa entrance ng hospital, sumakay sya ng elevatorb at pinindot ang  sixth button

Kai's POV

Pagpasok ko sa elevator napa sandal ako, marami nanaman akong aasikasuhin dahil sa delay ng shooting, sa dami ng artista sya talaga yung napili haiiiss..
may pumasok na doctor at nurse sa elevator, adik ata tong dalawa dito pa talaga sa harap ko naglambingan, Im not being bitter.. basta ayoko ng masyadong pa sweet sweet.
Nung nasa third floor na kami bumukas ang elevator at may pumasok na dala..dalawang..doctor..si..si..

"Doctor Renzo" nag bow yung lalaking doctor kay Renzo

Si Renzo ang anak ng may ari ng Kang's medical group, isa syang surgeon. Napa lunok ako bigla, hindi ko ineexpect na makikita ko sya ulit sa laki ba naman nitong ospital as in nakaka lula

"Professor Jo" nag bow din si Renzo sa kanya bilang pag galang
"Sya nga pala renzo, may artistang patient sa 6th floor, alam mo ba fan nya ako!" sabi ng isang babaeng doctor na kasabay nyang pumasok dito
so close sila??😕
"mmh" tumango lang si Renzo bilang tugon
"nakakainis to" Pagpapa cute nya, kurutin ko kaya to😤

bumukas ang elevator at lumabas na ako kasabay ni Renzo at nung babaeng doctor na kasama nya

"sisilipin ko lang si Terence ah"
"Bahala ka"

nagpatuloy lang sa paglakad si Renzo at pumasok sa isang kwarto, puro VIP ang mga nag istay sa floor na to. Tumingin naman sakin yung babae nung pinihit ko yung door knob ng kwarto ni Terence

"papasok po kayo?" tanong ko
"Oo" binasa ko yung name tag nya na naka kabit sa lab gown nya, Heri Joong
Kumatok ako at binuksan na yung pinto

"Kai!" napa bangon si Terence at nagulat ng makita ako, nakita kong may pasa sya sa bibig

"aaah Kai, pasensya na hindi ko na uulitin!"
"ilang beses ko na ba yang narinig sayo"
"Hi Terence!"
napa tingin ako kay Dok Heri, fan talaga sya ng ugok na si Terence anlaki ng ngiti eh
"aah hello po dok, ammh sabi nung isang doktor ayos na ako at pwede ng ma discharge mamaya, kaya okay na--"
"hindi naman yun eh, alam mo bang fan mo ako! Kinakamusta lang kita"
"Aaah hehe" tumingin sakin si Terence na parang humihingi ng tulong, tsss bahala ka jan
"buti naman ayos ka na.. sino sya? PA mo?"
ano daw? pssshhh si Terence naman nagpipigil ng tawa
"ammmmmhhhh" aba nag iisip pa kutosan kaya kita
"Siguro nga, bakit pa ako nagtatanong, ammmh anyway pwede bang kunan mo kami ng picture ni Terence?"
iniabot nya sa akin yung cellphone nya, ano?ako? 😧 wala na akong nagawa kundi kunan sila ng picture, binalik ko rin agad yung cellphone nya
"Thanks ah! Aah Terence pagaling ka ah, susuportahan kita lagi! Good luck!"
nag bow lang si terence saka lumabas ng kwarto si Heri. Pagka labas at pagka labas nya tumawa si Terence, siguro kanina nya pa pinipigilan anlakas eh
"Nakakatawa ba?"
"sorry, pasensya na hahahahahaha"
"Pumunta lang ako dito para tignan kung tatawag na ba ako ng pare pero mukha namang ang ayos ayos mo, thank you din ha pinagod mo yung mga tao na nag aayos ng set"
"sorry na nga eh, huwag kang mag alala mang lilibre ako ng pagkain sa set"
"Talaga lang ha"
"salamat Kai" ngumiti sya ng pagka lapad lapad
"Ano ba kasing nangyari?" Hindi sya nagsalita
"okay parang alam ko na--"
"magka iba kami ng mundong ginagalawan alam mo naman yun diba, sana hindi na lang sya nakakainis na kasi"
"hindi mo dapat sinasabi yan--" kontra ko sa sinabi nya
"Hindi mo kasi alam, puro ka kasi trabaho--" pag kontra nya din sakin
"Alam ko yun, mahirap maging artista, pero hindi mo dapat sinasabing sana hindi na lang sya.. kasi aminin mo man o sa hindi, sya lang ang nakaka intindi sayo, sa mga panahong hindi ka kayang intindihin ng mundong ginagalawan mo, do you get my point? magpa salamat ka nga natitiis ka nun kahit ang tigas ng ulo mo"
"Hindi lang naman sya, ikaw din.. kahit na andami ko ng ginagawang kalokohan tinutulungan mo parin ako, kahit galit ka na mabait ka parin sakin, at higit sa lahag naniniwala ka sakin, daig mo pa nga minsan ang manager ko, salamat Kai, isa kang mabuting kaibigan" napa tawa pa sya hindi ko alam kung sincere ba yun sira ulo
"okay.. manlibre ka ah"
"oo na oo na"
"Sa susunod na maulit to.... babatukan kita sa harap nya, seryoso ako!"
"oo na, as if nambabatok ka" pang iinis nya
"Tsss aalis na ako" palabas na ako ng sumigaw si terence
"Kai! Sana magka boyfriend ka na!" ewan ko sayo, umalis na lang ako, adik.
Habang naglalakad ako papuntang elevator nakita ko si Renzo
Para sa akin sya ang best doctor, humanga talaga ako sa kanya noong una ko syang nakita. Isa syang magaling na cardiologist, neurologist at surgeon, nabasa ko yun noong ma feature sya sa news at magazine, at nakikita ko naman yun. Haaaaaaay
Biglang sumakit yung tyan ko, gutom ba ako? napa hawak ako aa tyan ko

Behind The Scenes of my Story Series 1: I'll be YoursWhere stories live. Discover now