encounter again

7 0 0
                                    


Third person's POV

"Oi Renzo, congrats ah, manlibre ka naman, gusto mo mag dinner?" Sumandal si Heri sa mesa ni Renzo
"ikaw na lang marami akong gagawin" nakaharap si Renzo sa computer nya, sanay na syang laging naka buntot si Heri sa kanya, college pa lang sila may gusto na sa kanya ito, kaibigan din ng parents nya ang parents ni Heri kaya hinahayaan nya lang ito kahit inis na inis na sya dito minsan, pero kaibigan pa rin ang tingin ni Renzo sa kanya kahit ang kulit kulit nya
"Haiiissh lagi mo na lang sinasabi yan" pagmamaktol ni Heri
"Bakit mo pa ako niyayaya kung alam mo naman ang sagot ko" malamig pa sa aircon ang boses nito, napa pikit si Heri sa ugaling pinapakita ni Renzo. Binasa naman nya ang mga nasa folder sa mesa nya
"Nagbabakasakali lang, sana pala hindi na lang umalis si Ara, baka sakaling maka sabay pa kitang kumain, kasi nung umalis sya hindi ka na----" binagsak ni Renzo ang folder na hawak nya sa mesa, nagulat naman si Heri
"shut up!" Seryosong sabi ni Renzo, nag pout naman si Heri
"pwede ba.. lumabas ka na lang" balik ulit si Renzo sa pagbabasa at pinipigilan ang galit nya
"okay! Lagi na lang eh" tumayo ng maayos si Heri
"Buti na lang nga wala na sya eh, wala akong kaagaw sayo!" Nagmadaling lumabas si Heri baka kasi pagalitan nanaman sya ni Renzo, minsan kahit galit na si Renzo mas lalo syang kinukulit ni Heri, may pagka isip bata kasi ito. Kinuha ni Renzo ang isang picture frame sa drawer nya, picture nila ni Ara noon, tinitigan lang ito ni Renzo saka ibinalik sa drawer. Si Ara ang first girlfriend nya, wala naman talaga syang romantic side, naging close lang talaga sila ni Ara noong college dahil kagaya ni Heri may gusto din ito sa kanya, tinuring nyang bestfriend si Ara dahil nagkaka sundo sila sa maraming bagay at parehas din ang mga hilig nila. Walang proper proposal, basta alam na lang nila pareho, na sila na. Nang umalis si Ara nang bansa, kinalimutan na nya ito, ayaw na nyang ma attached ulit sa iba at sa nakaraan, para sa kanya its a waste of time thinking other people who chose to leave

f.f.

Kai's side

nag aayos ang mga tao para sa change ng set, naka tayo lang si Kai sa may stand ng ilaw na may mga katabing bakal, kausap nya yung writer ng pelikula pati na rin si Mina, napansin ni Mina na may mahuhulog na bakal sa may kinatatayuan ni Kai kaya nayulak nya ito. Sa bilis ng mga pangyayari nakita na lang ni Kai na naipit na ng mga bakal ang kanang kamay ni Mina

"Mina!"

f.f.

Hospital

"Alam kong masakit yan, sana maging maayos ka kaagad" naka tayo si Kai sa gilid ng kama ni Mina
"huwag po kayong mag alala direk malayo sa bituka to, hindi naman malala eh" naka ngiting sabi ni Mina habang naka upo sa kama. Habang kausap ni Kai si Mina dumaan sila Renzo at ibang mga doktor, nurses at interns para tignan ang buong ward at pasyente

"kung may nangyari sayo ano na lang ang gagawin ko?" Pag aalala no Kai
"Hindi po talaga, okay lang ako. Teka dire, kailangan nyo na pong bumalik sa set"

"Nandito tayo ngayon sa section c, kung makikita nyo kompleto na yan sa gamit, Hindi mahihirapan ang pasyente, kagaya nito"
paliwanag nang doctor at huminto sa may kama ni Mina
"Anong nangyari dito?"
"nagkaroon ng fracture ang left arm ng pasyente professor, ginawa namin ang ct scan para malaman kung may iba pang affected, pero okay na po sya"

kinabahan si Kai nang makita si Renzo, parang sasabog ang puso nya sa tuwing gagalaw ito, pati pag hinga ni Renzo ay nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sA kanya.

'Oa ba tong nararamdaman ko ? Kasi hindi KO naman sya masyadong nakikita pero every time na magkikita kami ganito nararamdaman ko, inlove ba ako o infatuation lang to?' (kausap ni Kai ang sarili nya)

"Oh ikaw yung p.a ni Terrence diba?" napansin si Kai ni heri
paalis na ang mga doctor pero may pahabol si heri
"ikamusta mo ako kay Terrence ah!" nag wave pa ito bago sumunod sa mga kasama
"tinawag ka nyang p.a ni Terrence? Hindi ba say nanunuod nang TV?"
"Hindi naman kasi ako pansinin sa tv. Sige Mina, papupuntahin ko si jinrie dito, babalik akong set."
"sige po direk, ingat!"
"mmh sige"

F.f.

Pagpasok ni Kai sa public library dumiretso na sya sa favorite spot nya, nasa pinaka dulo para malapit sa glass wall. Naupo sya dito at binuksan ang laptop nya.
Kakapasok lang ni Renzo sa library ay binati agad sya nang nagbabantay duon at nginitian sya, sanay naman na sya kaya medyo ngumiti sya dito. Dumiretso sya sa mga shelf at nag hanap nang librong related sa medicine.
Tumayo si Kai at pumunta sa mga shelf para mag hanap nang mga references, nang makita nya ito ay agad nyang inabot pero nasa taas ito kaya hindi nya makuha. Pinilit nya parin pero may kumuha nang iba
"nakita ko kasi na hindi mo maabot he hehe, here" iniabot nya kay kai ang libro
"Thank you"
"Aaahm nasa Hospital ka the other day diba?"
"ammh oo? parang nakita din kita"
"yeah, Kaidie Hyun, neurologist, Kaidie na lang" iniabot ni kaidie ang kamay nya para makipag shake hands Kay Kai, ngumiti naman si Kai at nakipag shake hands
"ah hi, Kailene Kim"
"Kailene" inulit ni Kaidie
"Parang nakita ko na name mo somewhere"
"madaming Kailene Kim sa mundo"
"pero ikaw ang pinaka cute" nagulat si Kai pero natawa sya
"bolero" pabulong na sabi ni Kai
"can I join you Kailene?"
"Kai, Kai na lang. Ammh sige, malaki naman yung table"

Naupo sila at nagkwentuhan nang kaunti, nalaman ni Kai na 25 palang si Kaidie, at 2 years resident doctor palang ito, nalaman din ni Kaidie na director si kai

"Madalas ka ba dito?" Tanong ni Kai die
"aah oo, kapag free time ko"
"first time ko dito eh"
"talaga? Bat naisipan mong pumunta dito?"
"aah nalaman ko kasi na madalas dito yung kasama ko sa department, sya ang head namin"
"aaah may gusto ka sa kanya?" inosenteng tanong ni Kai, na tawa naman si Kai die
"Hindi noh, gusto kong maging kagaya nya, kaya nakikipag close ako pero masyado syang mailap, isa lang kaibigan nya sa hospital, ang sungit kasi nun" natawa naman si kai
"aah okay" bumalik si Kai sa pagbabasa
"nandito sya" napatingin si Kai kay kaidie at tinignan ang tinitignan nito. Kinabahan si Kai nang makita si renzo na naupo sa harap nila (tatlong mesa ang pagitan kaya hindi sila napansin ni renzo)
"sya?" Tanong ni Kai
"Oo, teka lang lapitan ko" tumayo si kaidie at pumunta sa mesa ni renzo. Napa isip si Kai
"pati pala lalaki humahanga sa kanya, ganu pa kaya ako na hindi sya masyadong kilala pero humahanga din sa kanya, haaaay"
naka ramdam si Kai nang pagka hilo kaya tumayo na sya para umalis, dumaan sya sa side nila Renzo
"Kai! aalis ka na?"
"aah oo, may.. may pupuntahan pa pala ako"
"sige ingat"
Ngumiti si Kai at umalis na. Hindi pa sya nakaka labas nakaramdam ulit sya nang pagka hilo pero may humawak sa braso nya para pigilan ang pagka tumba nya, akala nya si kaidie pero paglingon nya si Renzo pala, walang emosyong naka tingin sa kanya.

Behind The Scenes of my Story Series 1: I'll be YoursWhere stories live. Discover now