Kangs medical center
Kinakabahang bumaba si Kai ng Van, kasama nya si Mina, Jinrie at tatlong camera man at apat pang kasama sa production. konti lang sila dahil nirequest ng hospital na konti lang para hindi maging crowded ang hospital lalo na at may mga pasyente at bisitang labas pasok
"Hello, sino sa inyo si Director Kai Kim?" may lumapit na lalaking naka black suit sa kanila
"aah hi, Im Direk Kai" sabay sabay pa silang nag bow sa lalaki
"ako si Gelo assistant ni Doctor Renzo, bago po tayo mag tungo sa opisina pwede po bang hintayin natin sya?"
"ah okay" napa kagat labi naman si Kai, bigla syang kinabahan kahit pangalan palang ni Renzo ang binanggit
ilang minutong naka upo sila kai bago nagsilapitan ang ibang doctors sa lobby para salubungin si Renzo, pagpasok palang ni Renzo titig na titig na si Kai na akala mo ngayon lang naka kita ng tao, huminga ng malalim si Kai at tumingin sa paligid, napa kunot noo sya
"kailan pa sila najan?" bulong ni Kai sa sarili ng makitang naka linya ang mga doctor para batiin si Renzo, naguguluhan man ay sumunod sya duon at nakilinya din, nasa likuran lang nya sina Mina
"good morning Sir" bati ng lahat kay Renzo
"sir? Teacher ba sya?" bulong ulit ni Kai, napatingin sa kanya ang isang matandang doctor na katabi nya
"sya ang bagong director ng hospital" bulong ng doctor kay Kai, napa tango tango naman si Kai at nginitian ang katabi ganun din ito sa kanya
"Proceed sa meeting room" seryosong sabi ni Renzo at agad namang umalis ang mga doctor, napa kurap kurap si Kai dahil nawala nalang bigla ang mga doktor
"Gelo " seryoso parin ang mukha nito
"yes doctor, nandito na po sila, Meet Director Kailene Kim" pagpapakilala ni Secretary Gelo Yan
"hello po doctor Kang" pag bati ni Kai medyo nag bow pa sya bilang pag galang, nahihiya syang makipag eye to eye dito dahil hindi naging maganda yung huli nilang pagkikita
"sa office ko" agad na umalis si Renzo at sinundan ng secretary nya, sumunod naman sila Kai, sumakay sila ng escalator papuntang second floor, at escalator ulit para sa third floor, sumakay na sila ng elevator papuntang 5th floor, ang building na ito para lang sa mga executives,kung saan ginaganap ang mga malaking meeting, at opisina ng mga matataas na opisyal ng KMG, katabi lang nito ang OspitalF.f.
Kai's POV
"I am the one who is incharge about this project, I want to see every activity you make, and im the one who will approve every thing you made"
kailan ba lalambot ang tingin nito? grabe ang seryoso parang wala syang oras ngumiti
"napag aralan ko na ang gusto nyong mangyari base na din sa ipinasang file ng Chairman, by department ang gusto kong unang kunan, yung mga ginagawa nila dito at last na rin yung mga professor kasama ka, ipapakita din sa short film yung history ng Kang's Medical Center kaya mag iinterview din kami ng mga matatagal na dito, tsaka hindi sa team namin mang gagaling ang kukuha sa inyo ng Pictures" paliwanag ko tumango naman sya pero ang seryoso parin katakot"I now giving you access to this hospital as long as it will not harm patients and the name of KMG"
akala ko tapos na pero tumayo sya para makipag shake hands, tinignan ko muna ang kamay nya bago ko hawakan.. This is heaven
"Thank you Doctor Kang" tumango lang sya.. Yun na yon? Palabas na kami ng amuyin ko ang kamay ko grabe ang bango, ang gaan pa ng kamay nya siguro kasi surgeon sya, ang manly ng kamay nya hindi gaanong malambot hindi rin naman magaspang, sakto lang, haaaay swerte ng mga patient nya, haiii ba't ko ba naisip yun
"Direk" nawala ako sa pag feel ng kamay ko ng tawagin ako ni Mina
"ano yun?"
"Aaah kanina ka pa po kasi tinatanong ni Arnold kung saan daw ba mag se set up?"
"ha?! nagsalita ka b?! sorry Arnold"
"kanina pa kayo malayo ang tingin, na intimidate ka siguro kay Doctor Renzo" sabi ni Jinrie na natatawa pa
"ako nga rin eh, ang seryoso ng mukha nya parang anytime mangangagat sya" napa hawak pa si mina sa mga braso nya napa iling na lang ako
"sa baba na tayo mag set up, konti lang naman, tulong tulong na tayo"
"okay! Everyone!" sigaw ni Jinrie kaya lumapit kami sa kanya at pinag patong patong ang mga palad namin
"fighting!" sabay sabay kami
"sssshhhh" may dumaang Doctor at sinaway kami napa yuko naman kami at dali daling umalis
YOU ARE READING
Behind The Scenes of my Story Series 1: I'll be Yours
AléatoireA.N. (edited: 2022) a story written on year 2016, not published at nasa laptop lang all this years lmao, inedit ko na because I believe that a story is a living thing, nagbabago sa paglipas ng panahon. All the characters in this story have no existe...