Nasa isang cafe si Renzo at Ara, magkaharap sila ngayon at kanina pa sila pero walang nagsasalita, pero binasag na ni Ara ang katahimikan
"Kamusta ka?--"
"Anong ginagawa mo dito?" sinundan agad ng tanong ni Renzo ang tanong ni Ara, huminga naman ng malalim si Ara bago nagsalita
"Magtatrabaho na ako sa hospital nyo, Im a doctor now Renz"
"Wala na bang ibang hospital?" seryoso lang si Renzo sa bawat salitang binibigkas nya
"mmm wala akong matutuluyan, may alam ka bang ibang lugar?" iniba ni Ara ang usapan, alam nya kasing malapit ng magalit si Renzo at nagpipigil lang ito
"Hindi mo ba kayang maghanap?"
"Matagal akong nawala, noon pa man hindi ko makabisado ang mga lugar, kaya sana--"Tumayo si Renzo at kinuha ang maleta ni Ara at lumabas, napa ngiti naman si Ara saka sumunod kay Renzo. Nakarating sila sa isang apartment, binaba ni Renzo ang maleta ni Ara at saka aalis na dapat pero hinawakan ni Ara ang braso nya
"Sandali... mmmh salamat Renz, gusto ko pa sanang magka usap tayo ng matagal--"
"aalis na ako" inalis ni Renzo ang pagkakahawak ni Ara sa kanya, pumasok sya sa sasakyan ng hindi nililingon si Ara, pinaandar na nya ito saka umalisHabang nagmamaneho si Renzo, bumalik ang lahat ng alaala nya kay Ara, akala nya nakalimutan na nya ito pero tila ba may epekto parin sa kanya ang pagkikita nila
F.f.
Kai's side
Nanunuod lang si Kai ng tv sa sala, wala syang shooting ngayon at wala din ang mga kasama nya sa bahay.
"matagal na kitang mahal, pero bakit parang wala lang sayo ang lahat ng pinapakita ko, manhid ka ba o talagang wala kang interes--
"mahal din kita, sorry kung ngayon lang ako--"Linya ng pinapanuod ni Kai
"haiii sana all minamahal pabalik" sabi ni Kai, pinatay nya ang tv at pumasok sa kwarto nya
"makatulog nga muna, ang boring dito" kausap ni Kai ang sarili, humiga sya sa kama at binaling ang tingin sa cellphone nyang kanina pa umiilaw, alam nyang si Kayla yun at alam nya ding may balak itong iset up nanaman sya para makipag date, hindi nya alam sa sarili pero simula ng makita nya ulit si Renzo ay tinamad na syang makipag meet sa mga ka blind date nya Pakiramdam nya tuloy ang loyal nya kay Renzo kahit walang sila.
may natanggap syang text mula kay Kayla kaya binasa nya ito
"wow ini isnob ako ng bruha, ganda ka te? huwag mong sabihing iinjanin mo yung blind date mo? naku! Ako nanaman ang haharap sa kanya" natawa naman si Kai sa txt ni Kyla, tama naman si Kyla, hindi naman sya maganda para mag inarte pero hindi nya talaga feel. Pinikit na lang ni Kai ang mga mata at nakatulog naRenzo's side
Si Renzo ay nasa condo nya at nagbibihis para pumunta sa Ospital, tumunog ang cellphone nya at sinagot ito
"mom"
"Bakit Kailangan mo akong suwayin Renzo?"
"what do you mean?"
"Bakit kasama mo ang babaeng yon kahapon?!" alam ni Renzo na si Ara ang tinutukoy nito
"Wala yon, humingi lang sya ng pabor" alam nyang nakarating na sa mama nya ang pagpasok ni Ara sa Ospital
"talaga lang.. Sana Nagkakaintindihan pa tayo" pinatay na ng mama nya ang tawag.
Huminga naman ng malalim si Renzo, noon pa man ayaw na ng mama nya kay Ara, dahil hindi sila pareho ng mundong ginagalawan, yun ang alam ni Renzo na rason ng mama nya, sya lang kasi ang nag iisang anak na lalake ng ika apat na henerasyon sa pamilya nila, kaya mahigpit ang mama nya sa kanya, pero kahit ganun alam nyang mahal sya nitoF.f.
Kai's side
Hindi alam ni Kai ang gagawin ng tawagan sya ng driver na nag susundo sa kanya na hindi ito Makakapunta dahil may iba itong pinuntahan, kaya wala syang choice kundi ang mag bus, o taxi, kanina pa sya palakad lakad pero hindi sya hinihintuan ng mga pinaparang taxi, minsan nauunhan sya. Kaya balak nyang mag bus na lang
Nakatayo si Kai sa harap ng pedestrian lane at hinihintay na mag go signal para makatawid, nag green light na hindi parin sya tumatawid, nagsimulang mag lakad ang mga tao pero hindi parin sya gumagalaw, nakayuko lang ang ulo nya at hindi makatingin sa harap.
Dahan dahang ini angat nya ang ulo, ng makita ang pedestrian lane naalala nya ang nangyari noon
YOU ARE READING
Behind The Scenes of my Story Series 1: I'll be Yours
AcakA.N. (edited: 2022) a story written on year 2016, not published at nasa laptop lang all this years lmao, inedit ko na because I believe that a story is a living thing, nagbabago sa paglipas ng panahon. All the characters in this story have no existe...