Third person's POV
Nagtataka si Fara kung bakit ang tahimik ni Rein, nasa kusina sya at nagtitimpla ng gatas habang tinatanaw nya ito sa sofa, kumakain lang din si Rein ng apple habang nanunuod ng tv
"Oi Rein wala ka bang trabaho? Kanina ka pang umaga dito sa bahay hindi ka ba lalabas?"
"Wala" maikli nyang sagot habang nakatitig lang sa tv
"Naninibago ako sayo ah" kinuha ni Fara yung magazine sa side table saka binasa ito
"Andito na ako" pumasok si Kayla, didiretso na sana sya sa kwarto nya nang mapansing hindi sya sinagot ni Rein, tinignan nya yung tv kung saan nakatitig si Rein, napa kunot ang noo nya at nagkibit balikat na lang bago pumasok sa kwarto nya
Nagtataka naman si Fara dahil dati rati kahit anong kinukwento ni Rein, naninibago sya sa hindi nito pagkibo. Ibinaba nya yung magazine at tumingin ng mataray kay Rein
"Oi Rein Xiao!" kinuha nya ang remote at nilipat sa ibang channel
"Bakit ba?!" bulyaw ni Rein, ngumiti si Fara ng sarcastic
"May problema ka ba?" biglang tumawa si Rein
"Baliw" nasambit na lang ni Fara
"Nakaka tawa kasi itsura mo eh"
"sa ganda kong toh! Tsss. Oi Miss Xiao alam mo ba may nag apply sa cafe na super fan ni Joke I mean Juke, tinanggap ko para makatulong dun. Nalaman ko na.. May sakit pala si Juke. Alam mo ba?" hindi naka sagot si Rein, lumabas naman mula sa kwarto si Kyla
"Talaga? Anong sakit?" umupo ito sa tabi ni Rein
"Lovenat" pag jo joke nito. Umirap naman si Kyla sa sinabi ni fara at nilipat ang channel ng tv
"Si Juke oh. Mukhang okay naman sya" nagtinginan si Kyla at Fara na para bang nagka intindihan sila
"aaah Kyla samahan mo nga ako sa kwarto may ipapatulong ako" tumayo silang dalawa at naiwan si Rein sa sala
"lalabas ako!" pagpapa alam ni Rein
"Sige ingat!" sigaw ni Kyla. Tumayo si Rein at lumabas ng bahay
Naglalakad lakad sya at dumaan sa isang convenience store, papasok na sana sya nang may humarang sa kanyang lalaki, na naka hoodie jacket at cap na black
"si..sino ka?" inalis nung lalaki yung salamin nya at iniangat ng bahagya ang ulo para makita sya ni Rein
"Rein" nagulat si Rein nang napagtantong si Juke ito, luminga linga sya para makita kung may ibang tao. Binaling nya ang tingin nang makumpirmang walang ibang tao o kaya paparazzi
"Naliligaw ka yata"
"Ngayon lang ako nakatakas sa manager ko, ikaw talaga ang pinunta ko Rein"
"So? Tsss" nilagpasan ni Rein si juke pero hinawakan ni Juke ang braso ni Rein at hinarap ito
"We need to talk, please hear me out"F.f.
Pumunta sila sa likod ng isang building
"Simula nung nalaman ng manager ko yung tungkol satin, madami syang kinuhang magbabantay sakin para di makalapit sayo, hindi ako maka labas ng bahay, kahit kay Kai hindi ako makalapit dahil kay Manager" paliwanag nito
"So ano naman ngayon? wala akong pake, kaya pwede ba sinasayang mo oras ko" nalungkot si Juke sa sinabi ni Rein na parang wala itong pake alam talaga sa kanya
"Please Rein understand my situation, araw araw lagi kitang iniisip, mababaliw na ako sa bahay, kahit cellphone ko ang manager ko ang may hawak, mahigpit sila sakin.. Kaya Rein please understand me more"
"Edi huwag mong hayaang sila ang dumikta ng buhay mo! Anong intindi ba ang gusto mo? Lahat ginawa ko na para sayo, sinugal ko na lahat para sayo, kahit masama ang tingin sakin ng publiko dahil sa pakikipag date sayo ay Okay lang sakin, okay lang kahit ibash nila ako ng ibash. At isa pa... Wala na tayo, tatlong buwan kang hindi nagpa ramdam sakin, sinabi mo rin sa tv na girlfriend mo na si Hannah, sa tingin mo kailangan pa kitang intindihin sa mga ginawa mo? Iniwan mo ako sa ere Juke! Hindi ka tunay na lalaki! ni hindi mo ako kayang ipagtanggol!" nagulat si Rein ng mapansing umiiyak si Juke kaya medyo naawa sya dito. Gusto nyang paniwalaan ang mga sinasabi nito pero masyado syang nasaktan at yun ang nangingibabaw sa kanya. Inisip na lang nya na artista ito at madali lang ang umiyak
"aalis na ako, ayokong madamay pa sa buhay mo" hinawakan ni Juke ang kamay ni Rein at hinila palapit sa kanya
"mahal kita" sambit ni Juke, bago pa man makapag salita si Rein ay hinalikan sya ni Juke. Ramdam nya ang lungkot nito, pero ayaw nyang magpadala, natatakot sya na baka sa huli wala ng matira sa kanya, baka masaktan ulit sya kapag hinayaan nya ang sariling umasang kaya syang mahalin ni Juke, baka sa huli sya na lang ulit mag isa, maraming baka sa isip nya pero malinaw pa sa tubig na mineral water na mahal nya si Juke, pero natatakot syang sumugal ulit
YOU ARE READING
Behind The Scenes of my Story Series 1: I'll be Yours
NezařaditelnéA.N. (edited: 2022) a story written on year 2016, not published at nasa laptop lang all this years lmao, inedit ko na because I believe that a story is a living thing, nagbabago sa paglipas ng panahon. All the characters in this story have no existe...