Patuloy parin ang shooting sa ospital, kada instructions ni Kai ay laging may punang natatanggap galing kay Renzo, wala naman syang magagawa kundi ang sumunod. Sa bawat oras na nagkakasama sila ni Renzo, may saya na nararamdaman ang puso ni Kai, minsan hindi nya sinasadyang maka sabay ito sa elevator at lagi syang napag sasabihan na huwag pagala gala sa ospital, kahit pakiramdam nya ay naiinis si Renzo sa kanya ay mas lalo syang natutuwa ibig sabihin napapansin sya nito.
"Kai" lumapit si Kaidie kay Kai at inabutan ito ng yakult
"ah salamat"
"Welcome" sumaludo pa si Kaidie kaya napa ngiti si Kai, lumapit naman si Kaidie kay Mina at inabutan din ito ng isang banana drink
"sino ba yun direk? Mukhang dalawa kayong gustong bingwitin nun" bulong ni Jinrie
"ano ka ba, madumi isip mo palinis mo yan, dun na nga tayo" natawa naman si JinrieHabang nirereplay ni Kai ang nirecord nila nakita nya sa peripheral vision nya si Renzo kaya naman napatingin sya dito. Kausap nito si Ara
"Direk" tawag sa kanyang atensyon ng kasama nilang camera man
"aah ano, yung naunang part icut natin yung hindi naman na kailangan para hindi naman paulit ulit" tumango yung camera man, binalik ni Kai ang tingin kay Renzo at Ara pero nagulat sya ng si Renzo na lang ang nanduon at naka tingin ito sa direksyon nya, naghuhurimintado ang buong sistema nya kaya nag iwas sya ng tingin
"ayos ka lang direk?"
"ah oo! mag another take ulit tayo" inayos na nila ang dapat ayusin. Napa buntong hininga naman si Kai
"Please Kai relax" bulong nya sa sarili
"Direk gusto daw kayong maka usap ni Dok renzo" pagkasabi nun ni Gelo ay napatingin si Kai kay Renzo, tumango si Kai at lumapit kay Renzo. Huminga ng malalim si Kai bago kausapin ito
"ano po yun Doctor Kang?"
"Hows the shoot?" boses palang nito natatakot na si Kai kaya napa lunok sya bago nag salita
"o.okay naman, nagpapasalamat ako sa cooperation ng ibang mga doktor"
"okay. and by the way, may problema ka ba sa pag hinga?" Naka kunot ang mga kilay nito na lalong nagpa kaba kay Kai
"Huh?" tumikhim si Renzo at tumingin sa ibang direksyon
"nevermind, just do your thing" saka ito umalis at naiwan syang nagtataka
"okay naman ang paghinga ko, yung puso ko ang hindi" bulong ni Kai sa sarili habang nakatingin sa likod ni Renzo. Nagulat na lang si Kai ng sumulpot sa gilid nya si Heri na masama ang tingin sa kanya
"may gusto ka sa kanya?!"
"a.ano ba?" napa hawak sya sa dibdib nya
"Hi, napansin ko kasing iba ang tingin mo kay Renzo alam mo na.. Alam ko ang mga tingin na ganyan" Naka ngiti si Heri pero alam ni Kai na pilit lang ito dahil may halong inis sa mga sinabi nito
"aah. Hindi. Nagkaka mali ka, aaaaah sige..duon lang ako" agad na umalis si Kai
"Mabuti" finlip ni Heri ang buhok nya saka umalis
"ang weird nyang doktor" napa iling iling na lang si Kai saka bumalik sa ginagawa. Nagbibigay sya ng instructions sa mga nurses, mahirap para sa kanya dahil totoong mga nurse ang mga ito at hindi mga artista na uutos utusan nya lang
"Cut!" natapos sila sa shoot kaya naman inayos na nila ang mga gamit dahil tapos na sila sa araw na ito, may schedule at oras ang shoot na sinusunod kasama sa conditions ng ospital.
"Sasabay po kayo direk?" Tanong ni Jinrie na nasa pinto na ng Van
"aah hindi na. Magkikita kasi kami ng kapatid ko jan sa cafe na malapit" sabi ni Kai habang nag titipa ng txt sa cellphone
"Okay po. Una na kami"
"Bye. Ingat kayo"
"opo direk!" Umandar na ang van at umalis na sila, nag simulang mag lakad si Kai
"Direk!" Napa lingon si Kai at nakita si Minang tumakbo palapit sa kanya
"oh? Akala ko sumabay ka sa kanila?"
"si.. Dok Kaidie.. Nag usap lang kami" medyo nahihiya pang explain ni Mina. Tumikhim naman si Kai
"okay. sumama ka na sakin para mapag usapan natin ang shoot sa film festival"
"okay po"Kangs medical hospital
"First day mo as intern dito. I'm proud of you" tinapik ni Kai ang balikat ni Carlo
"Ako din, proud ako sa sarili ko" ngumisi si Carlo, Napa iling na lang si Kai
"magkikita pa naman tayo dito. Good luck!"
"Halika na Carlo! Tawag na tayo ni Prof" tawag ng kaklase nya na dito din mag iintern kaya nagpa alam na sya kay Kai.
Napa ngiti si Kai habang naka tingin sa kapatid habang papuntang second floor. Masaya sya dahil unti unting matutupad na ang pangarap ni Carlo at ng pamilya nila
"ang aga mo" napa lingon si Kai
"Hi Doctor Reu" bati ni Kai ng naka ngiti, good mood sya ngayon dahil sa nandito na ang kapatid nya
"sinamahan ko yung kapatid ko. bagong intern"
"ganyan din si mama dati, hindi mawala yung ngiti"
"Syempre naman" hindi alam ni Kai kung kailan sila naging close parang naging komportable silang mag usap. Tumikhim sya para mawala yung ngiti nya
"sige dok, sa kabilang building yung filming, alis na ako, see you"
"okay" paalis na sana si Kai pero may naalala sya
"Doctor Reu!"
"Bakit?"
"may time ka pa ba? Pwede kayong maka usap?"
YOU ARE READING
Behind The Scenes of my Story Series 1: I'll be Yours
RandomA.N. (edited: 2022) a story written on year 2016, not published at nasa laptop lang all this years lmao, inedit ko na because I believe that a story is a living thing, nagbabago sa paglipas ng panahon. All the characters in this story have no existe...