“DUDE, have you seen her legs? Parang pipino! Ang puti!”
Iiling-iling na napangiti lang si Enad sa sinabi ni Judd. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila maintindihan kung bakit hindi ito maka-distinguish ng gulay.
“Baka labanos ang ibig mong sabihin.” Pagtatama ni Steven rito.
“Pareho lang iyon.” Depensa nito.
Sabay-sabay silang napahalakhak nang sapukin ito ni Kirk. They were all on their way to the university gymnasium para sa basketball practice nila. Malapit na ang regionals kaya naman puspusan ang pag-e-ensayo nila.
Patawid na sila ng connecting bridge ng Business and Accountancy at Admin building nang mapadako ang tingin niya sa piggery. Maliliit na kubo iyong gawa sa konkreto at napapalibutan ng mga bulaklak.
Umahon ang pamilyar na kirot sa puso niya nang matanawan ang paglalambingan ng dalawang taong espesyal sa buhay niya.
“Lance loves her.”
Lumipad ang tingin niya kay Kirk nang marinig ang tinig nito sa kanyang tabi. Nakasukbit ang rubber shoes nito sa balikat habang nakayuko rin kina Lance at Mina na naglalambingan sa piggery.
“I know.” Aniya.
Napakunot-noo siya nang pukulin siya ng makahulugang tingin ng mga kaibigan niya. “What?” tanong niya sa mga ito.
Sa halip na sagutin siya ay isa-isang tinapik lang siya sa balikat ng mga ito saka nagpatiuna nang magtungo sa gym. Nagtatakang tinitigan lang niya ang direksiyong tinahak ng mga ito. Nakakahalata na ba ang mga ito sa lihim niyang damdamin para kay Mina?
Muli siyang napalingon sa gawi ng piggery nang makitang tumayo na ang mga ito. His heart seemed to burst out of his chest nang kabigin ni Lance ang nobya at walang sabi-sabing siniil ng halik sa mga labi.
Pakiramdam niya ay ipinako siya sa kinatatayuan. He wanted to move away but his body wouldn’t allow him. It was as if his body was telling him to face reality already.
Wala pa sana siyang planong umalis mula sa tabi ng bintana kung hindi lang may biglang bumangga sa kanya mula sa likuran. His reflexes took over when he heard a faint gasp.
Mabilis na pumihit siya paharap sa nakabangga sa kanya. Awtomatikong nabitiwan niya ang sapatos niya nang pumulupot sa katawan nito ang mga braso niya.
“Aray…”
Dahan-dahan itong nag-angat ng tingin. Biglang may kumurot sa puso niya nang tuluyan na itong makapag-angat ng tingin. He didn’t know why but, all of a sudden, the pain in his heart were swept away and was replaced by an unknown, strange feeling as dizzy, dark brown eyes stared back at him.
“Are you alright?” tanong niya.
“O-Opo.” Anito bago dahan-dahang tumayo. Mabilis na inalalayan niya ito. “Pasensiya na. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan. May hinahanap kasi akong room number.”
Napayuko siya nang may mapansing kung ano sa paanan niya. It was a soft copy of a BA thesis.
“’This yours?” aniya nang i-abot iyon dito.
“Sa Kuya ko.” Sagot nito. “Ahm, tutal, tinulungan mo na rin lang ako, lubus-lubusin mo na. Saan ba rito itong Smith Hall four-o-seven?”
“You’re not from here?” Ipinakita nito ang visitor’s I.D na nakasabit sa damit nito. Napangiti siya saka itinuro ang mahabang hallway ng building. “Straight ahead. May hagdan sa dulo. Fourth floor, second door from the stairs.”
Dagling nagliwanag ang mukha nito nang ngumiti ito. “Thank you po.”
Sinundan niya ito ng tingin nang patakbong tinungo nito ang dulo ng hagdan. His smile turned into a grin nang pa-simpleng sulyapan siya nito. Kitang-kita pa niya nang mamula ang mukha nito bago nagmamadaling umakyat ng hagdan.
Napailing-iling siya saka muling napasulyap sa piggery. Naroon pa rin at naglalambingan sina Lance at Mina.
The funny thing was, wala na ang sakit na naramdaman niya kani-kanina lang. O kung mayroon pa man ay hindi na iyon kasing-tindi ng kanina.All that was left was that stupid smile on his face and amusingly light feeling in his heart..
BINABASA MO ANG
Cavalry's Knight (as published by PHR - COMPLETED)
RomanceCavri had always been insecure about herself. Pakiramdam niya ay minamaliit siya ng lahat dahil lang hindi siya nagsusuot ng uniporme at pumapasok sa opisina gaya ng mga ka-edad niya. Ang akala niya ay kuntento na siya sa pagtatago sa mundong ginawa...