CHAPTER 1

14.3K 172 2
                                    


“SHE’S going home.”

“Really?”

Pinaikot ni Enad ang kinauupuan niyang swivel chair habang nakadikit sa tainga niya ang kanyang celphone.

“Yep. According to the information her travel agent gave me, nasa Pilipinas na siya ng mga—“ He looked at his wristwatch. “—around two fifteen P.M on Wednesday.”

Hindi niya napigilang mapangiti nang marinig ang impit na sigaw nito sa kabilang linya.

Hindi niya ito masisisi. Lance had been waiting for that one girl to come back. Maraming nangyari sa mga ito walong taon na ang nakakaraan at alam niyang naghirap ng husto ang kaibigan niya. Saksi siya kung paano nito halos patayin ang sarili nang iwan ito ng babaeng mahal nito.

Isang mapait na ngiti ang gumuhit mga labi niya. He was no different from Lance. Naging maingat lang siya sa pagtatago ng nararamdaman niya para sa kaisa-isang babaeng minahal at patuloy na minamahal ng kaibigan niya.

Yes.

He fell deeply in-love with his bestfriend’s girl. Kahit noong maayos pa ang relasyon ng mga ito ay hindi niya mapigilang mainggit at masaktan sa tuwing nakikita niyang magkasama ang mga ito. Hindi lamang iilang beses niyang sinubukang mapalapit sa dalaga ngunit sa tuwina ay nauunahan siya ng takot at guilt.

Marahas na napabuntong-hininga siya.

Partly, alam niyang may kasalanan din siya sa paghihiwalay ng mga ito. Siya ang nagtulak kay Lance na gawin ang pustahang iyon noong college pa sila. Kahit pa sabihing alam niyang mahal talaga nito ang nobya ay hindi niya mapigilang ma-guilty.

Muli siyang humugot ng malalim na hininga. Mag-i-isang taon na siyang physician sa Tokyo Metropolis Private Hospital. Nang matapos niya ang kanyang residency may dalawang taon na ang nakararaan ay nagpasya siyang sa Japan mag-trabaho since doon naka-base ang pharmaceutical company ng kanilang pamilya.

“Dude, are you really sure? Sigurado ka bang reliable ang source mo?”

Napakurap-kurap siya nang muling marinig ang tinig ni Lance sa kabilang linya. He shook his head before he cleared his throat.

“Of course, I’m sure. Reliable at credible ang source ko.” Inilabas niya ang piraso ng papel kung saan nakasulat ang flight schedule at number nito. Dahil ako mismo ang kumuha nito. “Mapagkakatiwalaan iyon.”

“Thank you dude. You don’t know how much this means to me.” Anito sa kabilang linya.
He let out a dry laugh. “O, paano? You should prepare yourself. May mga pasyente pa ako.”

“Okay. Salamat uli, dude. You’re the best.”

“Drop it, Lancey Boy. Baka may makarinig sa iyo. Isipin nilang nababading ka na talaga.”

“Ulol!”

Humahalakhak na pinatay niya ang celphone. Halakhak na unti-unting huminto at napalitan ng matinding kahungkagan. Iginala niya ang paningin sa opisina niya.

All these years, he felt he was alone. Pakiramdam niya ay may isang malaking bahagi ng kanyang pagkatao ang nawawala. Sinulyapan uli niya ang kapirasong papel na hawak niya.

Alam niyang hindi dapat ngunit hindi niya mapigilang umasa. Pilit man kasi niyang itanggi sa sarili niya, alam niyang si Mina ang malaking dahilan kung bakit sa Japan niya piniling manatili sa halip na tanggapin ang offers ng mga kilalang ospital sa US.
Sa loob ng mahigit isang taon niyang pamamalagi roon ay hindi ilang beses niyang sinubukang puntahan si Mina. He had always been secretly watching her from afar. Sa tuwing sasalakayin naman siya ng guilt ay sinasabi na lang niya sa sariling binabantayan niya lang ito para kay Lance.
Pabagsak na isinandal niya ang sarili sa swivel chair.

He knew he had to do something about his feelings for Mina. Dahil, aminin man niya o hindi, alam niyang hindi man sadya ay tinatraidor niya si Lance. He was his bestfriend—almost his brother. Hindi pwedeng mahalin nilang pareho ang isang babaeng alam naman niyang sa simula pa lang ay ito na ang mahal.

Napabuntong-hininga siya. He was Enrico Adriel Sychang—28-year-old-doctor-extraordinaire and heir to his family’s vast medical fortune. He was supposed to be one of the hottest bachelors in Tokyo right now pero heto siya at ipinagluluksa ang patuloy na pagkabigo ng puso niya.

Tinitigan niya ang mga nakasulat na impormasyon sa papel na hawak niya. Maybe, it was really time for him to make things right for himself and his life.
He let out a deep breathe before he dialed Narita Airport’s VIP line.

“Hi. This is Enad Sychang of Polaris Med.”

“Hai, Enad-san, what can I do for you?”

Mabilis na tumayo siya saka inayos ang suot niyang hospital gown. “I’d like to book a flight for Wednesday.”

“Sure, Sir. Where to?”

Dinampot niya ang stethoscope sa mesa niya at isinukbit iyon sa leeg niya bago sinabi ang flight number ni Mina. “I’d like a flight earlier than that. Could you arrange that?” Sandaling tinitigan niya ang papel bago iyon ibinulsa. “I’d like to go to the Philippines.”

“ANO ka ba naman, Cavri? Bilis-bilisan mo namang gumalaw.”

Nakasimangot na isinuot ni Cavri ang sneakers niyang hindi na maaninag ang design sa sobrang kalumaan. Hindi sa wala siyang pambili. Masyado lang talaga siyang tamad pagdating sa mga bagay-bagay gaya ng pamimili.

“Cavalry!” sigaw ng kanyang ina.

“Nandiyan na ho!” ganting-sigaw niya nang sunud-sunod na bumusina ang kanyang ama.
Asar na asar siya dahil ginising siya nito ng napaka-aga. Sinulyapan niya ang suot na wristwatch. Mag-a-alas-nuwebe pa lang umaga. Napaka-aga pa para gisingin siya dahil alas-sais lang kanina nang matulog siya.

Kinailangan niyang tapusin ang naka-pending na nobela niya dahil deadline na niya kinabukasan. Kapag hindi niya iyon nai-submit bago mag-alas singko ng hapon bukas sa publication house kung saan siya nagta-trabaho bilang talent writer ay wala siyang sasahurin.

Sambakol ang mukha niya nang lumabas ng gate nila. Hayun at nangaka-sakay na sa Innova nila ang buong pamilya niya. And by buong pamilya, she meant her parents and her annoying older brothers.

“Ano ba naman iyang hitsura mo, Cavri?” sita ng nanay niya nang makasakay na siya sa gawing likuran nito. “Bakit mukha kang a-attend ng costume party?”

Napayuko siya saka sinipat ang sarili. She was wearing her favorite red shirt na may mukha ni Kerokerokeroppi, tinabas na maong na umabot lang sa ibabaw ng tuhod niya at tastas pa ang magkabilang hita at puting sneakers niya na nagpapanggap na itim.

Sinulyapan niya ang rearview mirror. Ni hindi na siya nag-abala pang suklayin ang hanggang balikat niyang buhok. Laylay ang eyebags niya sa magkabilang mata at walang kakulay-kulay ang mukha niya.

Kunot-noong hinarap niya ang mama niya. “What’s wrong with my look?”

Binato siya ng hairbrush ng mama niya. Napailing na lang ang kanyang ama bago ini-start ang sasakyan nang sabay-sabay na maghalakhakan ang mga Kuya niyang nagkumpol-kumpol sa pinakadulo ng sasakyan.

“’Ma, hayaan niyo na kasi si Cavri. Alam niyo namang sugo iyan ni Majin Buu sa mundo.” Anang Kuya Chev niya.

“Oo nga, ‘Ma. Sasakit lang ang ulo nating pare-pareho kapag nakialam tayo sa kakaibang trip niya.” dugtong ng Kuya Gerwin niya.

“At saka, malay niyo, ‘di ba? Isang araw, pwede nating ibenta si Cavri sa perya. I’m sure, pagkakaguluhan siya ng mga taong interesadong makakita ng real-life alien.” Panggagatong ng Kuya Prix niya.

Blangko ang mukhang nilingon niya ang mga ito. Sa unang tingin, walang maniniwalang mga bigating negosyante, engineer at abogado ang mga ito. Daig pa kasi ng mga ito ang mga surot sa buhay niya na bigla na lamang magsusulputan para asarin siya.

Sa edad niyang dalawampu’t-pito ay inakala nga niya ay mabubuhay na siya ng matiwasay ng isa-isang magka-trabaho ang mga ito sa Maynila. Pero talaga yatang hindi maku-kumpleto ang linggo ng mga ito nang hindi siya nakikita at naaasar.

Matamis na nginitian niya ang mga ito saka inilabas ang celphone niya. “Gusto ninyong tipunin ko uli ang mga alagad ko at maghasik ng lagim sa mga buhay-buhay ninyo?” iwinagayway pa niya ang celphone.

Napangisi siya nang magsi-tahimik ang mga ito. Ang tinutukoy kasi niyang mga “alagad” ay ang koleksiyon ng mga babaeng pinaiyak ng mga ito. Her brothers were certified playboys. Bagay na kinalakihan na niya kaya marahil wala ni isang miymebro ng male specie ang nakaka-attract sa kanya.
Muli siyang napangisi nang masulyapan ang mga ito sa rear view mirror. “Ah, I love this.” She smiled victoriously bago dinampot ang brush na ibinato sa kanya ng Mama niya kanina. “Saan ba kasi tayo pupunta?” tanong niya nang makitang tinatahak nila ang daan palabas ng Tarlac city proper.

“Hindi ba sinabi ko na sa iyo last week pa?” sagot ng mama niya mula sa passenger seat.

“Na?”

“Susunduin natin ang Tita Gammy mo.”

Napamulagat siya sa sinabi ng kanyang ama. “What? You mean, sa airport tayo pupunta?”

“Oo. ‘Di ba last week ko pa nga sinasabi sa iyo?”

Anak ng! “’Pa, itigil niyo. Bababa ako!” aniya nang makitang papaliko na sila sa Capas junction road. Akmang bubuksan niya ang pinto nang hatakin siya pabalik ng mga kuya niya sa kinauupuan niya. “May deadline ako bukas!”

Her mother just waved her hand dismissively. Bale-walang sinulyapan siya nito sa rearview mirror.

“Cavalry, apat na taon mo ng hindi nakikita ang Tita mo. Nangako tayong lahat na pagbalik niya rito sa Pilipinas ay susunduin at aasikasuhin natin siya. Ngayon, sinasabi mo bang pinalaki kitang sumisira sa pangako at walang utang-na-loob?” malumanay ngunit nandidilat na wika nito sa kanya. “Ikaw ang paborito niyang pamangkin.”

“Ako ang paborito niyang alipin!” nagpumiglas siya mula sa pagkakahawak ng mga Kuya niya ngunit likas na mas malakas ang mga ito. “’Pa, please? Baka hindi ako umabot sa deadline bukas.” Pakiusap niya sa kanyang ama nang makitang wala nang pag-asang pakinggan pa siya ng kanyang ina.

“I’m sorry, Cavri. Pero, tama ang mama mo. Nakapangako tayong lahat kay Gammy at kailangan nating tuparin iyon. Kilala mo naman ang Tita mo. Isa pa, wala ka namang napapala diyan sa pagsusulat mo.”

Itinikom na lang niya ang bibig nang marinig ang sinabi nito. Ayaw na niyang mabuksan pa uli ang topic na iyon tungkol sa kanyang trabaho.

Laglag ang mga balikat na napabalik siya sa pagkakaupo. Kilalang-kilala niya ang Tita Gamilda “Gammy” niya. Ito ang bruhang bunsong kapatid ng kanyang ama na siyang tumulong sa kanilang pamilya noong inoperahan sa puso ang Papa niya.

“Senile Brat”. Iyon ang bansag niya rito noong kolehiyo pa siya dahil sa sobrang ka-malditahan nito. Hindi nga niya alam kung bakit sa buong pamilya nila, sa kanya lang ito nagpapakita ng matinding disgusto samantalang giliw na giliw ito sa mga kuya niya.

Minsan ay pinagdududahan na nga niya kung type ba nito ang mga kapatid niya. Bigla siyang nangilabot sa naisip.

Nang bitiwan siya ng mga kapatid niya ay nanlulumong tumanaw na lang siya sa labas ng bintana. Mukhang kailangan na niyang ihanda ang sarili. Natitiyak niya, masesermunan na siya ng husto ng editor niya dahil malamang sa hindi, wala na siyang magagawa pa kapag sa kanila na talaga tumuloy ang topaking tiyahin niya.

Cavalry's Knight (as published by PHR - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon