CHAPTER 7

10.1K 173 2
                                    

THIS—is your way of introducing yourself?”

Mula sa nilalantakang pritong balat ng manok ay nilingon ni Cavri si Enad na nakatayo lamang sa tabi niya at pinanonood siya sa maganang pagkain niya ng street foods.

Kanina, nang hatakin niya ito sa pusod ng plaza at simulang ipakilala ang sarili niya ay wala siyang narinig ni isang reklamo mula rito. Mula sa pagsakay sa mga rides, pakikipagtawaran sa tiangge, pagbubulsa ng mga free-taste products, hanggang sa pagtingin-tingin sa kung anu-anong mga weird na accessories ay pinatulan nito.

All those times na nagpapaikut-ikot sila sa buong plaza ay hindi nito binitiwan ni minsan ang kamay niya.

Napangiti siya bago kumagat sa balat ng manok na hawak niya. “This is my favorite stall and my favorite food.” She offered him a piece. “Try it. Masarap.”

Nagdududang tiningnan muna nito iyon bago walang imik na hinawakan ang kamay niya at isinubo ang piraso ng manok. Hinintay niyang mag-react ito habang ngumunguya ito.

“Masarap, ‘di ba?” tanong niya nang hindi na siya makatiis.

Tumatangu-tangong nilingon nito ang nagtitinda na nakamasid lang din sa kanila. “It’s good. Pero, hindi ka dapat nagkakakain ng ganito—fatty foods kapag puyat ka at kulang sa pahinga.”

She rolled her eyes. “Kalimutan mo na nga muna ang pagiging mabuting doktor mo. Ikaw ba, ni minsan sa buhay mo, eh, hindi ka na-adik sa mga street foods?”

Natatawang itinaas nito ang dalawang kamay bago humingi ng isang plastic cup na may lamang chicken skin. Nakangising inabutan ito ng matandang tindero bago siya nilingon.

“Gib up ba, bossing?” wika nito kay Enad na naglalagay ng suka sa cup.

Sinulyapan siya nito bago hinarap ang matanda. “Oho, manong. Wala, eh. Ganyan na ho yata talaga ang uso sa panahon ngayon. Tayong mga naka-pantalon na ang madalas umuurong.”

Humalakhak ang matanda. “Aba’y, ganyang-ganyan din si Rosing ko. Akala mo’y heneral kung mag-utos.” Itinuro nito ang binata bago siya. “Kayo bang dalawa’y kasal na? O—“ pinagdikit nito ang dalawang hintuturo. “—nagsasama pa lang?”

Sunud-sunod na napaubo siya sa sinabi nito. Enad, on the other hand, just laughed as he gently put his arm around her shoulders.

“Ikakasal pa lang ho. Kaya nga nagpa-practice na.”

“Bilis-bilisan ninyo at ng makarami kayo ng kontribusyon sa mundo.” Inabutan sila nito ng tig-isang cup pa ng manok. “O, heto, regalo ko sa inyo. Basta, babalik kayo kapag kayo’y kasal na, ha?”

“Salamat ho. Hayaan niyo, sa kasal namin, imbitado kayo.”

Sinaluduhan pa nito ang matanda bago siya hinatak palayo sa tindahan nito. Nasa bungad na sila ng plaza nang makabawi siya. Napahinto ito sa paglalakad nang huminto siya.

“Bakit?” tanong nito.

“Bakit ka diyan.” Inalis niya sa balikat niya ang braso nito. Tila bigla siyang nilamig nang maalis ang braso nito. Marahang ipinilig niya ang ulo. “Ang lakas mong mang-trip ng tao. Hindi ka pa nakunsiyensiya, Tinanggap mo pa talaga iyang freebie ni manong.”

Kunot-noong tiningnan nito ang dalawang cups na hawak nito. “Bakit hindi ko tatanggapin, eh, paborito mo ito?”

Naantig na naman ang puso niya sa simpleng gesture nito. Dahan-dahang sinipat niya ang kabuuan nito. Hindi nito inalis ang suot nitong puting robe. His hair was tousled in a fashionable way. He looked like some model ripped out from a fashion magazine. Alangang-alangan sa histura nito ang hawak nitong mga cups ng street foods pero tila hindi nito iyon alintana.

Isang tingin lang nito ay sumuko na ang puso niya.

Humugot siya ng malalim na hininga. “Alam mo bang hindi bagay sa iyo ang alin man sa mga ipinakita at ipinagawa ko sa iyo ngayon?” aniya.

Masakit mang aminin pero iyon ang totoo. Masyado itong alangan sa mundong nakasanayan at kinabibilangan niya.

“What’s that supposed to mean?” dagling nangunot ang noo nito.

“Wala po.” Kaila niya saka inilahad ang palad dito. “Akina na nga iyang mga iyan. Nagmumukha kang tanga sa mga hawak mo, eh.”

Sandaling pinagmasdan siya nito na animo inaarok kung nagsasabi siya ng totoo. Ang akala niya ay ibibigay nito sa kanya ang cup nang humakbang ito palapit sa kanya. Gano’n na lang ang gulat niya nang walang sabi-sabing ilapat nito ang katawan sa katawan niya.

He was hugging her without using both his arms. Basta ipinatong lang nito ang mukha nito sa balikat niya at inilapit ng husto ang katawan sa kanya—both his arms on his sides holding out the cups of chicken skin.

“I loved the feeling of knowing more about you. Kung bagay man sa akin o hindi, ako lang ang magde-desisyon niyon. Hindi ikaw o ang ibang tao.” dahan-dahang inilayo nito ang katawan sa kanya saka siya tinitigan sa mata. His eyes were fierce yet gentle at the same time. “I still want to know what lies beneath those eyes of yours. Would you let me?”

Daig pa niya ang nahipnotismo nang tumango siya. She felt her vulnerability as a woman to his male instincts.

“Good.” Ngumiti ito bago ibinigay sa dumaang bata ang mga hawak nito saka muling ginagap ang kamay niya. “Now, let’s go back to our booth. Doon ka na muna at hintayin mo akong matapos.”

Nang marahang hilahin at igiya siya nito ay hindi na siya nag-protesta. Bakit pa? She liked the feeling of his warm, firm hand on hers. Saka na niya iintindihin ang anumang pagkakaiba nila. Sa ngayon, baka pwedeng mag-enjoy na muna siya.

FAVORITE pet?”

Sandaling nag-isip si Cavri bago sumagot. “Wala. Hindi kasi ako marunong mag-alaga ng hayop.”
“Bakit naman?”

“I don’t know. Noong grade five ako, may alaga kaming parrot. Aliw na aliw ako kasi ang galing niyang manggaya ng salita. One time, naisipan kong ilabas siya ng kulungan at yakapin siya. Akala ko yata ng mga panahong iyon ay isa siyang asong nagpapanggap na parrot kaya napanggigilan ko siya. The poor parrot died from suffocation.” He chuckled. “From my own two hands.”

Marahang hinampas niya ito sa balikat nang tuluyang humalakhak ito. Mukhang enjoy na enjoy ito sa mga sagot at kuwento niya sa mga taong nito na halos mag-isang guhit na ang singkit na mga mata nito.

They were walking their way home. Wala silang mahagip na tricycle kanina sa plaza kaya napagpasyahan na lang nilang mag-jeep hanggang sa main gate ng village nila. Ilang minutong lakarin na lang din naman ang layo niyon mula sa Phase 3 kung saan sila nakatira.

May kadiliman na ang kalsada pero hindi siya nag-a-alala dahil mahigpit ang seguridad sa buong village nila.

Tumatawa pa rin ito nang hatakin siya nito palapit sa katawan nito at walang sabi-sabing inakbayan siya. Napasinghap siya nang makarating sa kanyang pandama ang init na nagmumula sa katawan nito.

“You’re one interesting girl, Cavri. Hindi yata ako magsasawang alamin ang maliliit na bagay tungkol sa iyo.”

Pilit na kinalma niya ang nagwawalang puso niya. “Enjoy na enjoy ka lang kamong pagtawanan ang masalimuot na kabataan ko.”

He bursted out laughing again. He was laughing so hard that she couldn’t help but laugh, too. Umaalingawngaw sa deserted na kalsada ang mga boses nila. Malapit na sila sa kanto ng bahay nila nang tila may bigla itong naalala.

Nagtatakang iginala nito ang paningin sa paligid. “What happened to all the people? Hindi ba’t kanina lang ay nag-i-ingay sila?”

“Wala ka talagang makikita rito dahil nasa plaza ang halos lahat ng tao rito. Tradisyon na ng mga tao rito na makigulo sa mga activities tuwing town fiesta.” Itinuro niya rito ang malaking spotlight sa langit. May kadiliman ang kinaroroonan nila kaya kitang-kita roon ang ilaw na nagmumula sa higanteng spotlight sa plaza.

Nakangiting pinagmasdan nito ang gumagalaw na ilaw sa kalangitan. “Bakit noong nandito pa kami, wala namang ganito? There used to be bands and games for the townspeople, pero hindi kasing-garbo nito.”

“Sisihin mo si Mayor. Ito kasi ang paraan niya ng pagpapasalamat sa mga taong-bayan sa tiwalang ibinigay ng mga ito sa kanya.”

“Dapat pala, hindi muna tayo umuwi.”

Nakunsiyensiya siya. Pagkatapos kasi nito sa booth nito ay nagpaalam na siyang uuwi. Bigla kasing sumakit ang ulo niya dahil hindi naman talaga siya sanay makakita ng maraming tao. Lalo pa’t ganoong puyat siya. Sumasakit agad ang mga mata niya. Hindi ito pumayag na umuwi siyang mag-isa kaya nagpaalam na ito sa mga kapwa nito doktor na nakasama nito.

“Sinabi ko naman na kasi sa iyong maiwan ka na. Kaya ko naman kasing umuwing mag-isa.”

Lalo siyang hinapit nito palapit sa katawan nito. “Mas gusto kong makilala ka kaysa makisaya sa iba. Kaya nga ako nagpahintay sa iyo ay para makasama kita.”

For the nth time since they met, her heart leapt. Masuyong tiningala niya ito. Hindi na siya nagulat nang makitang nakatingin din ito sa kanya. Ilang sandaling pinagmasdan lamang nila ang isa’t-isa bago nakabuo ng pasya ang isip at puso niya.
“Come with me.”

Hindi na ito nagtanong pa hanggang sa makarating sila sa tapat ng apartment unit nito. Akmang bubuksan niya ang gate nang pigilan nito ang kamay niya. Nilingon niya ito.

Nagtatanong ang mga matang nakatingin lang ito sa kanya.

“What?”

“Are you sure about this?”

“Of course I’m sure.” Naguguluhang sagot niya. “Dadalhin ba kita rito kung hindi?”

Napalunok ito. “Don’t you think it’s a little early, to—you know.”

Nakapamaywang na hinarap niya ito. “Hoy, lalaki, kung anuman iyang iniisip mo, kalimutan mo na. Hindi iyon ang dahilan kaya kita dinala rito. May gusto lang akong ipakita sa iyo.” Aniya bago tuluyang itinulak pabukas ang mababang gate.

Iginala niya ang tingin sa paligid. Nang masigurong walang tao ay mabilis na lumapit siya sa mga bougainvillea. Maingat na hinawi niya ang mga sanga niyon saka pumasok sa loob ng mga sanga.

Pinaswitan niya si Enad nang hindi ito makita sa likuran niya. “Doc, naligaw ka na ba?” pabulong na wika niya.

Ilang sandali lang ay nakita na niya ito mula sa pumpon ng bougainvillea. Napangisi siya nang makitang kandangiwi ito.
“What are we doing here again?” tanong nito habang pinapagpag ang mga dahong sumabit sa buhok nito.

Sa halip na sagutin ito ay kinapa niya ang lupang natatakpan ng Bermuda grass. She smiled when she got a hold of that familiar cold ring of steel under the fine grass.

Buong lakas na hinila niya iyon pataas. Kitang-kita niya nang manlaki ang mga mata nito nang tuluyan na niyang mai-angat ang trapdoor.

“There’s a secret trapdoor at my apartment’s garden?” Umangat ang kilay niya. “What? I am living here, ain’t I?”

Napapailing na nagpatiuna na lang siya sa pagbaba. Kinapa niya ang dingding ng makipot na basement. Nang maramdaman ng kamay niya ang pamilyar na crack sa dingding ay itinulak niya iyon. Eksaktong nakababa na rin si Enad nang bumukas ang secret door at iluwa ang isang spiral na hagdang gawa sa bakal. Napasipol ito.

“A secret staircase under a secret trapdoor. Anong susunod?”

“Neverland.” Pakikisakay niya saka umakyat sa hagdan. “Watch your head. Hindi gano’n kataas ang ceiling nito.”

Pagapang na lumapit siya sa isang panig ng silid ng maka-akyat ng hagdan. Hinila niya ang taling nabangga ng mukha niya. Bumaha ang malamlam na liwanag sa buong silid. Tumambad sa paningin niya ang maluwang ngunit mababang silid. May isang maliit na sofa bed sa isang tabi, isang mababang coffee table at isang Japanese style table na napapalibutan ng maliliit na mats.

Sunod na binuksan niya ang dalawang bintanang gawa rin sa kahoy na kung titingnan sa labas ay mukhang parte lamang ng dingding sa halip na bintana para sa isang sikretong silid. Napangiti siya.

She stood on her knees and spread her arms open. “Welcome to Cavalry’s secret hide-out.”

Mula sa puno ng hagdan ay manghang iginala nito ang tingin sa paligid. “There’s a secret room inside my apartment? Bakit parang hindi naman halata sa labas?”

“A little symmetrical illusions.” Itinuro niya ang floor-to-ceiling glass window. “Nakikita mo iyong malaking salamin sa labas? It’s not just for design. This is actually a one-way mirror. Dito ko nakikita ang lahat ng nangyayari sa labas kapag natatamad akong makihalubilo sa mundo.”

Lumapit siya sa salamin saka sumalampak sa sahig. Narinig niya ang mahihinang kaluskos at langitngit ng hagdang bakal bago niya naramdamang tinabihan siya nito at nakitanaw sa labas.

“This apartment is really great. Hindi lang original ang mga designs sa loob. Even the materials used are great.” Hinawakan nito ang salamin sa harap nila. “And this—wow. Sinong nag-design nito? I would definitely want to meet him one day.”

“I’m glad you like it.”

Nilingon siya nito. “You designed this place?”

Malungkot na ngumiti siya. “I used to be a licensed civil engineer.” Panimula niya. “Six years ago, ako mismo ang nag-design at nag-plano ng apartment na ito. The rest were done by my Kuya Chev. But this, this particular unit, was designed by me.”

“You have so much potential. Bakit hindi mo itinuloy ang pagiging engineer?”

Tinantiya niya ang sarili. Handa na nga ba siyang pag-usapan ang nakaraan niya? Nang lingunin niya ito ay kusa nang sumagot ang puso niya.

Itinaas niya ang mga paa saka niyakap ang mga tuhod niya. “I never really wanted to take up engineering. Pagsulat ang talagang hilig ko. Kaya lang, noong mga panahong nag-a-aral kami ng mga Kuya ko, wala akong choice kundi ang sundin ang gusto ng taong nagpapa-aral at nagpapagamot sa Papa ko.”

“Is it…” Tumango siya nang hindi ito nililingon. “Kaya ba parang ayaw mo sa kanya?”

“Hindi naman sa ayaw ko sa kanya. I’m actually grateful to Tita Gammy. Kung hindi dahil sa tulong niya noon, baka hindi na namin kasama ngayon si Papa.” Bumuntong-hininga siya saka tumingala. Kitang-kita mula roon ang mga bituin sa langit. “It’s just that, pakiramdam ko kasi, may kapalit ang lahat ng ginawa niyang pagtulong sa amin. Na para bang binili niya na kami at kailangan naming sundin ang lahat ng gusto niya.

“When I passed the board with flying colors, hindi na ako nahirapang maghanap ng employer dahil sila na mismo ang lumalapit sa akin. Kaya lang, hindi rin ako natuwa. Wala naman kasi doon ang puso ko. Sinubukan kong pumasok sa opisina at gamitin ang tinapos ko. Pero sa huli, hinahanap-hanap ko pa rin ang papel at ballpen ko.

“After a few months of trying to fit in the construction and corporate world, I decided to quit and pick up my pen and paper again.” Malungkot na ipinatong nya ang baba sa mga tuhod niya. “Nagalit ng husto si Tita Gammy. Sa buong pamilya daw ng Samaniego, ako ang kahihiyan. She told me that an ugly, plain and bland girl like me will never make it big in life. Dahil ang mga gaya kong ordinaryo ay i-snub-in at dadaan-daanan lang ng kapalaran.”

“What did your parents say?”

“Nothing.” She let out a painful laugh. “Wala silang sinabi pero kitang-kita ko ang matinding disappointment sa mukha nila. Even my brothers. Kung awa o galit ang dahilan kaya hinayaan na lang nila akong gawin ang gusto ko, hindi ko alam. Basta ang alam ko, ginagawa ko na ang lahat para patunayan sa kanilang hindi ako nagkamali sa pinili kong propesyon.”

Wala sa sariling natawa siya nang maramdaman ang panunubig ng kanyang mga mata. “And so, I ended up detaching myself from the world. Isinubsob ko ang sarili ko sa pagsusulat para kahit paano, makalimutan kong ikinahihiya ako ng mga tao sa paligid ko. Mas pinili kong magtago sa sarili kong mundo para hindi ko na kailangan pang harapin ang malupit na kapalaran ng mga ipinanganak na ordinaryong gaya ko.”

“Cavri…”

“For years, sinabi ko na sa sarili kong walang sinuman ang tatanggap sa akin sa kung sino talaga ako. Iyong mga readers ko? Gusto lang naman nila ako dahil nakakagawa ako ng mga kuwentong kinaaaliwan nila. Nakakagawa ako ng mga kuwento kung saan nabubuhay ng maayos at masaya ang mga gaya kong pang-extra lang sa tunay na mundo. But, in reality, I am nothing more than a striving, lonely writer.”

“That’s not true.”

“Of course it’s true!” sunud-sunod na nagpatakan ang mga luha niya. “Sa tingin mo, sinong matinong tao ang magsasabing hindi ako nasisiraan ng ulo para i-give up ang magandang kinabukasang naghihintay sa akin sa pagiging engineer? I graduated magna cum laude. I topped the board exams. And I’ve had offers from huge companies. Pero nasaan ako? Heto. Writer—lang. Writer lang ng mga pipitsuging pocketbooks.”

“Cavri—“

“No one would want to hold these bruised hands of mine. I would always end up being ignored and—“ natigilan siya nang maramdaman ang kamay nito sa kamay niya. “—unnoticed…”

Dahan-dahang kinuha ito ang isang kamay niya mula sa pagkakayakap sa tuhod niya. “Hindi mo dapat minamaliit ang sarili mo. Who cares about those huge companies anyway? Walang pakialam sa buhay mo ang mga taong sinasabi mo. Ikaw. Ikaw ang dapat magdesisyon sa kung ano talaga ang gusto mo. You chose to be a writer. Panindigan mo. ‘Wag kang magtago sa likod ng mga isinusulat mo.

“Your family doesn’t hate you. They just want what’s best for you.” Hinaplos nito ng libreng kamay ang pisngi niya. “Hindi ka nasisiraan ng ulo. You just chose what you thought was best for you. Sinunod mo ang pangarap mo. That alone is a noble thing already. Dahil hindi lahat ng tao ay nakukuha at nagagawa ang mga bagay na gusto nila.

“You just have to learn to accept and love yourself. Dahil kung ikaw mismo ay hindi gagawin iyon, no else would.” He slowly, gently, intertwined his fingers with hers. “Don’t say that no one wants to hold your hands. Because, these hands have given me so much warmth. If no one wants them, then, I’ll take it. I’ll hold onto it as long as you’d want me to. And, just so you know, you’re not being unnoticed.”

Napasinghap siya nang malakas na hatakin siya nito palapit sa katawan nito at hapitin siya sa baywang. “Because, you’ve already caught my attention ever since the first time you looked at me with those dizzy eyes of yours.”

Bago pa man niya mahulaan kung ano ang susunod nitong gagawin ay mabilis na nahawakan na siya nito sa batok at nakabig palapit sa mukha nito. The next thing she knew, he was already kissng her lips. Ramdam niya ang lambot ng mga labi nitong masuyong dumadampi sa mga labi niya. Maging ang mga kamay nitong humahagod sa likod at leeg niya.

Huli na upang balaan niya ang sarili. Kusa nang sumuko ang buong pagkatao niya sa nakaliliyong halik nito. Ipinikit niya ang mga mata saka sinubukang gayahin ang ginagawa ng mga labi nito.

Hindi lang minsan siyang nakapag-sulat ng mga ganoong eksena sa mga nobela niya. Pero, iba pala talaga kapag siya na mismo ang nakakaranas.

The moment she opened her lips to return his kiss, he suddenly pulled away. Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ito.  His breathing was heavy and desire was evident in his eyes ngunit nanatiling nakatitig lamang ito sa kanya.

Anong nangyari? Gusto na niyang maiyak at mainsulto nang muling bumaba ang mukha nito. Only this time, his lips landed on her cheeks.

“I’m—“ mabilis na dinampian nito ng mariing halik ang mga labi niya bago muling idinikit sa pisngi niya ang mga labi nito. “We have to stop. I might not be able to stop myself.” He whispered against her cheek.

Sa halip na matakot ay lalong nag-init ang pakiramdam niya. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Maging ang paghinga niya ay tila bumigat ng ilang ulit habang patuloy niyang dinadama ang mainit na hininga nito sa pisngi niya. Bahagya niyang ipinaling ang mukha paharap dito. His lips were now just a few centimeters away from hers.

“I don’t mind.” Bulong din niya.

He groaned. Saglit na tila nakipagtalo pa ito sa sarili bago maalab na inangkin ang mga labi niya.

He pulled her body close to his—so close that she thought they would already mold as one. His kisses were hard and passionate. Tila ba sabik na sabik ito sa kanya. He kissed her like he was devouring her. Like he wanted to be a part of her through his kiss.

She held onto him as he pushed her down on the floor. Unti-unti nang bumibigay ang kamalayan niya sa mga bagong emosyong binubuhay nito sa kanyang pagkatao. Handang-handa na siyang tanggapin ang anumang mangyayari sa kanila nang unti-unting naging banayad ang halik nito.

He started to rain light, feathery kisses on her face and neck before he buried his face on her neck.

“We really have to stop.” Humihingal na wika nito. She could feel him kissing her shoulders against the cloth of her shirt. “I want to do this the right way.”

Sa halip na madismaya ay lumobo ang puso niya. Pinatunayan kasi nito hindi lamang ang pag-i-ingat nito sa kanya bilang babae kundi maging ang mataas na respeto nito sa kanya bilang tao.

Marahang hinaplos niya ang buhok nito. “Thank you.” Mahinang wika niya.

Nag-angat ito ng tingin at tinitigan siya. “No, thank you.”
Sabay silang napatingala nang magliwanag ang kalangitan. The night sky looked like a giant canvass as balls and balls of light started to paint it with bright colors.

Nagkatinginan sila saka sabay na napangiti. Maingat na tumabi ito sa kanya sa pagkakahiga sa sahig saka siya pinaunan sa braso nito.

She raised up her hand as if reaching out for the fireworks—gaya ng madalas niyang gawin noon kapag hinihiling niyang sana ay may umabot at humawak ng kamay na iyon.
Sinundan niya ng tingin ang malayang kamay ni Enad nang dahan-dahan nito iyong i-angat. He silently reached for her hand and entwined his fingers with hers. Itinaas nito iyon saka itinapat sa mga sumasabog na fireworks sa kalangitan.

“I will hold onto this for as long as you’d let me.” Bulong nito bago dinampian ng halik ang ulo niya.

Cavalry's Knight (as published by PHR - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon