CHAPTER 4

10.5K 176 2
                                    

NAALIMPUNGATAN si Cavri nang maramdamang tila may nakatingin sa kanya.

Dahan-dahan niyang ini-angat ang mukha mula sa pagkakasubsob sa malaking desk sa isang panig ng kanyang silid. Sinipat niya ang digital clock sa gilid ng computer monitor niya saka naghikab.

Mag-a-alas-siyete pa lang ng umaga. Ibig sabihin ay mag-ta-tatlong oras pa lang ang tulog niya. Kinailangan niyang lamayin magdamag ang dalawang nobelang sabay niyang ginagawa. Nakatapos naman siya ng isa at patapos na rin sana ang isa pa niyang nobela kung hindi lang siya natalo ng antok.

Nasapo niya ang noo nang biglang may kumirot sa sentido niya.

“You should really stop abusing your body, you know.”

Gulat na napalingon siya sa nakabukas na pinto ng silid niya nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon.

Enad looked so fresh in his khaki shorts, plain white shirt and rubber slippers. Nakapamulsa ito habang nakasandal ang isang balikat sa hamba ng pinto niya at nakatingin sa kanya. Sumikdo ang dibdib niya nang mapadako sa mga paa nito ang kanyang mga mata. Weakness niya sa mga lalaki ang mapuputing paa. Lalo na ang malilinis na kuko.

Manahimik ka, Kabalyera. Kagigising mo lang! Umangat sa mukha nito ang kanyang tingin. At hindi siya ang almusal mo!

“You look really pretty, by the way.”

Pretty? Kunot-noong sinipat niya sa imaginary mirror sa harap niya ang kanyang hitsura.
She was wearing her favorite white lose T-shirt and oversized pajamas. Alam niyang magulung-magulo din ang buhok niya dahil ni hindi na siya nag-abala pang mag-suklay kahapon pagkatapos niyang maligo. Basta na lang siya umupo sa harap ng computer niya ay tuluy-tuloy na nagsulat. Nasaan doon ang “pretty”?

Mabilis na niyakap niya ang sarili nang maalala ang hitsura niya. “Anong ginagawa mo rito?”

“Nakita kong nagpapalit ng mga bombilya ang mama mo kaya tumulong ako. She asked me to change your light as well pero tulog ka pa kaya pinag-kape na muna niya ako.” Itinaas nito ang mug na hawak nito.

“Bakit ba pinapasok ka rito ni mama? Sana hinintay mo na lang akong magising!” Paano na lang pala kung hindi siya nag-bra? O nakabukaka siya habang natutulog siya sa kama niya?

“Ang sabi ni Tita Cherry, aabutin na ako ng siyam-siyam kapag hinintay pa kitang magising. Binilinan din niya ako kanina bago siya namalengke na kapag hindi ka pa nagising bago mag-alas siyete ay gisingin na kita. Pupunta ka yata ng opisina.”

Napangiwi siya nang maalala ang nobela niya. Ngayon na nga pala ang deadline niya. Kailangan niyang mai-submit ang mga iyon sa opisina ng editor niya bago mag-alas-singko ng hapon. Kung hindi ay ibibigay nito sa ibang writer ang series na ginagawa niya.

Nilingon niya ito. “Gising na ako. Salamat.”

Dou itashimashite.”

Nangunot ang kanyang noo. “Minumura mo ba ako?”

Sa halip na sagutin siya ay ngumiti lamang ito. Making his chinky eyes more chinky and attractive to her dizzy eyes. Dala marahil ng matinding pagod at puyat kaya hindi siya tuminag sa kinauupuan nang lumapit at tumayo ito sa tabi niya.

“Nag-iwan ng almusal sa ibaba si Tita Cherry. Ii-init ko na lang para sa iyo.”

Umangat ang isang kamay nito at dumako sa ilang hibla ng buhok na bumabagsak sa kanyang mukha. Marahang hinaplos muna nito iyon bago dahan-dahang iniipit sa likod ng kanyang tainga.

Hindi siya sigurado kung tama ba ang nakikita niyang emosyon sa mga mata nito habang nakatingin ito sa kanya. She could see sadness, longing and… pain?

Bago pa siya makapagtanong ay ngumiti na ito sa kanya. He gently ran a finger on her nose before he turned for the door.
“Don’t take too long. Maiinip ako—err, ang breakfast sa iyo.”

Nang isara nito ang pinto ay napabuntong-hininga na lang siya. Mukhang hidi na lang tulog ang kulang sa kanya. Dahil nang mga sandaling iyon, pati ang kanyang paghinga ay nagkakapalya-palya.

MASAKIT na masakit ang buong katawan ni Cavri habang lulan siya ng bus pauwi ng Tarlac. Kanina, pagkagaling niya sa opisina ng editor niya at maipasa ang mga nobela niya ay nakaramdam na siya ng pananakit ng mga kalamnan.

“Siesta na po! Siesta na!”

Marahang ipinukpok niya sa sandalan ng upuan sa harap niya ang kanyang noo nang bigla iyong kumirot.

“Ma’am, Siesta Tarlac na po tayo.” Anang kundoktor sa kanya.

Inis na binalingan niya ito. Hindi man lang ba ito marunong makahalata? Ni hindi man lang ito natinag nang sibatin niya ng isang matalim na tingin.

“Sandali lang. Bababa din ako, pero sandali lang.” aniyang pilit pinananatiling dilat ang mga mata.

“Eh, Ma’am, hindi kami magtatagal dito. Magbababa lang kami ng mga pasahero. Paki-bilisan na lang po.”

Bilisan? Bago pa man niya ito masikmatan ay nakatalikod na ito. Gustuhin man niyang makipagtalo pa rito ay hindi na niya magawa pa. Masyado na siyang nanghihina para makipag-talo pa. Sinulyapan niya ang suot na wristwatch. Mag-a-alas-otso na ng gabi. Tamang-tama lamang ang dating niya dahil alas-singko siya ng hapon nakasakay kanina sa Balintawak.

Sandaling ipinahinga muna niya ang sarili bago tumayo. Kulang na lang ay hilahin niya ang mga paa habang pababa siya ng bus. Inirapan pa siya ng impaktong kundoktor nang madaanan niya ito.

Nanlulupaypay na naupo siya sa waiting area saka tinantiya ang sarili. Masyado na siyang nanghihina para makauwi pa ng mag-isa sa kanila. Kinapa niya ang celphone niya sa bulsa. Mariing napapikit na lang siya nang maalalang iniwan nga pala niya iyong naka-charge sa bahay nila.

Sinulyapan niya ang mga nakaparadang tricycle sa bukana ng bus station. Pwede siyang mag-tricycle na pauwi sa bahay nila.

Bumuntong-hininga muna siya bago tumayo at naglakad papunta sa paradahan.

Nakakailang hakbang pa lang siya nang bigla siyang mabangga ng kung sino. Dala ng panghihina kaya madali siyang natumba at napasalampak sa sahig.

“Ano ba? Tatanga-tanga kasi!” sigaw ng babaeng nakabangga sa kanya.

“Sa susunod, titingin ka sa dinadaanan mo.” Dugtong ng lalaking kasama nito.

Hindi niya magawang sumagot. Hilung-hilo ang pakiramdam niya. Tinitingnan lamang siya ng mga tao roon habang patuloy sa pagtatalak ang dalawa sa harap niya.

Iba talaga ‘pag hindi kagandahan. Mapait na wika ng isip niya.

Aware siya sa katotohanang ang mga may karapatan lamang na magpaka-damsel-in-distress ay iyong mga magaganda at may hitsura. Para sa isang gaya niyang biniyayaan lamang ng ordinaryong mukha, alam niyang hindi na siya dapat magtaka na wala ni isa sa mga naroon ang lumapit man lang sa kanya.

Napakagat-labi siya nang magsimulang mamasa ang kanyang mga mata. Iyon ang dahilan kung bakit hangga’t maaari ay hindi siya lumalabas at nakikihalubilo sa iba. Dahil gusto na niyang kalimutan ang mapait na katotohanang walang sinuman ang magnanais na umabot at humawak ng kamay niya.

She was on the verge of crying when someone suddenly grabbed her by the arm and literally picked her up from the floor ang held her tight.

“Are you alright?” masuyong tanong nito.

Hindi na siya nag-angat pa ng tingin ng marinig ang tinig nito. Isinandal na lang niya ang kanyang noo sa matipuno at mabangong katawan nito.

“Is this your way of treating a lady?” Napa-angat ang tingin niya nang marinig ang galit na tinig nito. Hayun na naman ang biglang pagbabago ng pagkatao nito. “Say sorry.” Mariing wika nito sa dalawa sa harap nila.

“Bakit kami magso-sorry? Siya naman itong tatanga—“

“Ulitin mo pa iyan at sisiguraduhin kong habang-buhay kang tatayo diyan sa kinatatayuan mo.”

Nilingon niya ang dalawa. Halatang natakot ang babae habang tiklop naman ang lalaking kasama nito. Hindi niya masisisi ang mga ito. Enad possessed an air of great power and authority. Maging siya ay nakaramdam ng kaunting takot sa nakikita niyang galit sa mga mata nito.

Marahang tinapik niya ang dibdib nito. “It’s okay. Hindi naman ako nasaktan.” Muli niyang isinandig ang noo niya sa balikat nito nang muling makaramdam ng pagkirot mula roon. “I’d appreciate it if you take me home. Now.”

Ramdam niya nang unti-unting mag-relax ang mga muscles nito. May isinenyas muna ito sa kung sino sa likuran niya bago nito sinapo ang mukha niya at tinitigan siya sa mata. Gone was the anger she saw in them earlier. Tanging pag-a-alala at concern ang nababasa niya sa mga mata nito.

“How are you feeling?” masuyong hinaplos nito ang noo niya.

Nang salubungin niya ang mga mata nito ay kamuntik na siyang maiyak. She suddenly felt like the geeky high school girl who just got bullied by her classmates and has now found comfort in his arms. Mariing pumikit siya saka ipinatong sa kanyang noo ang isang kamay.

“Pathetic.” Sagot niya saka pa-simpleng lumayo rito ngunit hinatak lang uli siya nito. “Let go. Kaya ko pa namang umuwi ng mag-isa.”

“You’re running a fever.”

“I know.”

“You can’t even walk straight.”

“I can.”

“You can’t.” akmang bubuhatin siya nito nang hampasin niya ito sa ulo. Nakangiwing hinarap siya nito.

“What did you do that for?”

“Hindi ako isang bidang artista sa isang pelikula na kailangan pang buhatin ng prince charming niya. Sa ating dalawa, ako ang kabalyera. Kaya, please lang—“ Napasinghap siya nang bigla nitong gagapin ang kamay niya. “W-what are you doing?”

Nagkibit-balikat lang ito saka nagpatiuna nang maglakad. Napahinto lamang ito nang manatili siya sa kinatatayuan niya.

“What?” he asked.

Bilang sagot ay itinaas niya ang magkahugpong nilang mga kamay. “Ano ‘to?”

“Since ayaw mo namang buhatin kita kahit hanggang sa paradahan lang, aalalayan na lang kita.” He impatiently pulled her to him. Nagpumiglas siya nang hapitin siya nito sa baywang. “Kapag hindi ka pa tumigil, bubuhatin talaga kita mula rito hanggang sa inyo.” Babala nito.

Natahimik siya nang muling masulyapan ang mga mata nito. He looked like he was dead serious about carrying her home kaya walang imik na nagpaubaya na lang siya.

Hindi niya napigilang titigan ito habang naglalakad sila. She could feel eyes watching them habang palabas sila ng bus station. Hindi na siya nagtataka. Iniisip marahil ng mga ito kung paanong ang isang gaya niyang mukhang baryotik ay kahawak-kamay ang isang guwapo, mabango at mukhang mayamang gaya nito.

Bumaba ang tingin niya sa magkahugpong nilang mga kamay. Hindi niya maikakaila ang kakaibang saya at tuwang umusbong sa puso niya. Lihim na napangiti siya.

Maybe, someone was meant to hold her cold, bruised hands afterall.

DON’T worry, Tita. She’s going to be fine. Medyo na-overfatigue lang po siya kaya siya nag-collapse. After enough rest and proper diet, she’ll be up on her feet again, kicking.”
Nakangiting pag-a-assure ni Enad kay Tita Cherry na alalang-alala habang nakaupo sa gilid ng kama ni Cavri.

Isinilid niya ang sphygmomanometer sa bag niya saka isinukbit sa leeg niya ang stethoscope bago hinarap ang ginang.

“Magpahinga na po kayo. Titingnan-tingnan ko lang siya sandali hanggang sa umepekto na ang gamot na ibinigay sa kanya at aalis na rin ako.”

“Sigurado ka ba? Pwede namang ako na lang ang magbantay sa kanya. Naaabala pa namin ang bakasyon mo.”

“Wala po ‘yon. Libre naman ho ang upa ko sa magandang apartment niyo.”

Marahang natawa ito bago muling hinaplos ang buhok ng natutulog na anak. “She’s been working so hard to prove something to herself. Nakakalimutan na niyang alagaan ang sarili niya.” Bumuntung-hininga muna ito bago tumayo at lumapit sa kanya. “O, siya, ikaw na muna ang bahala rito, ha? Kung may kailangan ka, sabihin mo na lang sa akin.”

Tumango lang siya saka ito nginitian. Natutuwa talaga siya sa tiwalang ipinakikita ng mga ito sa kanya. Not one in Cavri’s family treated him like the stranger that he was. Para pa nga siyang isang kamag-anak na matagal na nawala kung tratuhin ng mga ito.

Mabilis na napalapit siya sa kama ng dalaga nang marinig ang pag-ungol nito. Marahang inilapat niya sa noo nito ang isang palad niya. Napangiti siya nang maramdamang mababa na ang lagnat nito.

Hinila niya ang mababang sofa bed sa isang sulok saka naupo sa gilid ng kama nito. His eyes roamed on her face—from her unruly shoulder-length hair, her thick but shapely eyebrows, her long-lashes, her cute pointed nose and pale-pink lips.

Biglang lumitaw sa balintataw niya ang imahe ni Mina. He could not deny the fact that Mina and the woman sleeping right in front of him looked so much alike. Hindi lamang sa panlabas na anyo kundi maging sa ugali ng mga ito. They both possessed the same kind of aura that could pull him to them.

Marahas na napabuntong-hininga siya saka sumandal sa sofa. Kailangan na talaga niyang gumawa ng paraan upang mabura ito sa sistema niya.

Nang sulyapan uli niya ito ay napangiti siya. He felt something warm enveloping his heart as he continued to watch Cavri’s face in her peaceful sleep.

Nagtagis ang mga bagang niya nang maalala ang nangyari kanina sa bus station. Mabuti na lang pala at tinawagan siya ng pinsan niyang si Judd at sinabing sunduin na lang niya sa Siesta bus terminal ang ilang mga gamit na ipinakukuha niya. Eksaktong papasok siya ng terminal nang makita niya itong mabalya ng isang babae. Sandaling hinintay niya kung ano ang gagawin nito. Nang makita niya ang pamamasa ng mga mata nito ay biglang nag-init ang ulo niya.

Pakiramdam niya nang mga sandalin iyon ay handa siyang balian ng leeg ang sinumang nagpaiyak dito.

Pinagmasdan niya ito. Hindi niya alam kung ano ang naramdaman niya nang una niya itong nakilala. Pakiramdam kasi niya ay hindi iyon ang unang beses na nagkita sila. He was not sure if what he felt for her was like what he felt for Mina. Magkaiba naman kasi ang naging reaksiyon ng puso niya nang makilala niya ang mga ito.

With Mina, he felt like a stranger wanting to know someone badly. With Cavri, he felt like a string of fate was tied onto both of them that made them meet eventually. She made him feel emotions he never knew he could feel for someone whom he’d just met.

He felt at peace whenever he looked at her eyes.

Maingat na tumayo siya saka inayos ang kumot na nakabalot sa katawan nito. He couldn’t help but smile when his face came close with hers. Naalala niya noong aksidenteng magkahalikan sila sa airport. Mapulang-mapula ang mukha nito habang nanlalaki ang mga mata.

Napalis ang ngiti niya nang dumako sa mga labi nito ang kanyang tingin. Biglang nanuyo ang kanyang lalamunan kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso niya. Mabilis na tumuwid siya ng tayo saka tinungo ang pinto.

Napahawak siya sa dibdib niya.

Okay. Maybe, she did not make him feel that peaceful afterall.

Cavalry's Knight (as published by PHR - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon