D-04

59 4 0
                                    


|| narration


"Jaemin, tara na! May practice!" agad na akong lumingon sa pintuan nang marinig ko si Jeno sa labas ng pintuan ng room. Kasama nito sila Renjun, Haechan at Mark na naguusap.

"Eto na," agad ko nang sinukbit ang bag ko at lumabas. Nahagip ng mata ko yung transferee, kasama niya si Monique at nagtatawanan. Tumingin ito saakin at tyaka ngumiti.

"Tara na, nandoon na daw sila Jisung."
 
  
 
     
  
 
We are a group. A unit rather.

We mostly performs in different places. Para kaming banda pero pwedeng sumayaw. Kami rin ang official group dito sa school namin. Kaya kami nagpapractice.

"Okay, that's it guys! Tapos na practice natin! Good job!" agad na tumayo ang mga kasamahan ko at nagayos nang magsalita yung leader namin sa unit.
  
     
      
     
     
 
"Hyung, mauna na kayo sa dorm ah. Hindi ako sasabay eh," sabi ko sabay sukbit ng bag. Kumuway muna ako bago ako tuluyang umalis.

Kukunin ko na sana ang phone ko sa bag nang may mapansin ako. Nagkaroon ng keychain yung bag ko. Isang milk keychain.

"Wtf? Sinong naglagay nito?"




 

The Girl Known To Be With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon