D-46

28 1 0
                                    

||narattion

"Oy, nandito na sila!" narinig kong sigaw nang makapasok ako ng school lobby.

Malaki ang lobby at pasamantala muna siyang sinara habang hindi pa kami tapos. Grade 10 kasi ang nag-aayos nito, habang sa ibang lugar naman nakatoka ang ilang years.

"JC, George, Adrian, mayron pang natirang gamit don sa labas, pakikuha naman." sabi ko sa ibang kaklase ko. Tumango naman sila at tyaka sumunod.

"Ano, salamat pala ha." ngiti ko kay Jaemin bago tuluyang umalis.

  
    

Second day of the anniversary was the first day of us leading it and it was really fun and scary. Hindi mo rin kasi inaasahan ang ilang problema. Kaya halos ilang oras lang din kami nakakapagsaya lalo na ang officers.

Center of attraction din kasi kami lalo na lobby ang location namin. Hindi ko tuloy lagi makasama si Monique ngayon. Ewan ko din sa bruhang iyon at kung saan napadpad.

As of now, kasama ko si Jaemin, opo siya lang dahil kakabalik lang namin dahil pinatawag kami ng principal. Jusme, ala-una na pala. Wala pa akong kain. Itetext ko sana si Monique para kumain kaso dedbatt na pala phone ko. Tokneneng.

"Kumain ka na? Tara, kain tayo." napalingon ako kay Jaemin nang magsalita siya habang nag-aayos ng bag. Wait, kaming dalawa lang naman nandito so ako talaga kausap nito.

"Ah, sige. Tara na?" sagot ko. I know this is so awkward specially to me. Duh, kung sa milk account ako ang laging nangugulit pwes iba na ito. Nagalit pa man din siya don, pano ba naman kasi napasobra ako.

"Mayron daw specialty na inilabas ngayon for anniversary sa canteen. Try natin?" sabi ko. Okay, oo ako. Ewan ko ba, nagiging close ko na ata to.

"Sige. Libre ko na." sagot niya.


  
    
 
 
  
 
 

 

"Jaaaz! Kanina pa kita hinahanap! Ay, hello jaemin!" kaway ni Monique sa katabi nang bigla siyang sumulpot dito sa lobby.

"Ano oras ka uwi? Magpa-five na eh. Hindi ka man lang sumasagot sa messages ko. Buti nahanap kita." baling niya ulit ng atensiyon.

"Dedbatt ako. Kakacharge ko lang. Uwi na ako maya-maya. Sabay na us?" sagot ko. Tumango naman siya.

"Kwento ka mamaya, ha." bulong niya sa tenga ko habang naglalakad kami

"Oo na, oo na,"




"Jaemin, pinapatawag ka don," sabi ko sakanya sabay turo kung saan ako galing.

"Napano yan?" tanong niya sabay turo ng braso ko.

"Ah, nasugat dahil tumama ako don sa gilid." sagot ko.

"Saglit," agad niya akong hinila malapit sa bag niya at may kinuha sa loob non.

"Ako na," sabi ko at aalisin na sana yung pagkakahawak niya kaso ayaw niya pabitaw. Nilinis niya yung sugat ko at tyaka nilagyan ng band aid at tyaka tumingin sakin.

"Ang clumsy mo kasi. Sige na, punta na ako don. Bye," sabi niya sakin at tyaka umalis. Pinanood ko siyang umalis at napa-bugtong hiniga na lang.

Heto nanaman tayo.

The Girl Known To Be With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon