||narration
"Hindi.. hindi ka makatulog?" tanong ko sa taong nasa harapan ko. Napalingon naman siya saakin at ngumiti ng tipid.
"Oo, eh." sagot sakin ni Jaemin.
Halos 2 AM na at hindi pa ako makatulog. Natapos kami kanina magbonfire at mag-saya ng 11 PM, nagkulitan pa kasi kami after ng nangyari kanina. Hanggang sa sinabi na ni Taeyong oppa na matulog na.
Umupo ako sa tabi ni Jaemin sa kahoy dito sa dalampasigan. Since kami na lang ang tao dito, rinig na rinig ang alon at pagtama ng hangin saamin.
"Alam mo ba. . ." napalingon ako sa kanya ng bigla siyang nag-kuwento.". . .na may childhood friend ako? Pinakamatik ko siyang kaibigan, lagi kong kasama sa lahat ng pagkakataon, kaso nawala."
Napayuko at napangiti ng mapait, "Anong nangyari?"
"Hindi ko alam. Nagising na lang ako na may nangyaring masama saamin. Tapos wala na," tawa niya.
"Alam mo bang mahal ko yon? Ewan ko ba, pero kahit maliit pa kami crush ko na iyon. Crush niya nga rin ako eh," ngiti niya.
"10 years ago, nadidgrasya kami dahil sa aksidenteng naganap sa daan. Ayun, nadamay kami. Ang lungkot diba?" tingin niya saakin. Agad na akong pumikit-pikit para mawala ang mga luhang nais bumagsak.
"Oo, tingnan mo muntik na ako maiyak," tawa ko at ngumiti.
"Huwag ka nga umiyak diyan, adik. Matagal na iyon,"
Sinundan ko siya ng tingin nang tumayo siya at tumingin saakin, "Tara na, bumalik na tayo doon."
I breathed once again. "Tara,"
"Madam Milk, huwag ka nga sumimangot diyan." tawa niya kaya napahinto ako sa paglalakad.
Amp. Akala ko okay na, jusme pinatanda niya pa saakin iyon!
"Ano? Tara na, Miss ba or Madam? Ano gusto mo, Milk?" lingon niya saakin dahil nauna siyang naglakad.
"Madam na nga lang," ngiti niya pa.
"Ewan ko sayo," sagot ko at nauna nang maglakad.
"Okay lang yan, the feeling is mutual!" sigaw niya. Jusmiyo, anong mutual?!
"Saglit lang, madam milk!" Ah, mamaamamama.
BINABASA MO ANG
The Girl Known To Be With Him
Teen Fictionepistolary & fanfic || Her name is Jazmine. . . and her life is indeed disaster even she was still a kid. Surronded with people she loved, she scared with, and she cried with. With Na Jaemin. [ c o m p l e t e d ]