||narration
Nakatitig ako sa cellphone ko matapos tawagan at itext si Monique. Inaaya ko kasi siyang gumala ngayong gabi. Ewan ko ba, pero kasi gusto kong lumabas dahil sa malamig na panahon.
Si Kuya kasi busy, wala pa nga sa bahay eh. Si Clinton ayaw naman dahil beauty rest at si Jaemin naman ewan ko rin don, hindi ako pinansin mula nung Friday.
"Moniqueee," napabugtong-hininga na lamang ako nang hindi talaga sumagot saakin si Monique.
"Ano ba naman yan eh," dismayado akong tumayo at kinuha yung wallet ko at earphones. Inayos ko yung earphones tyaka isalampak sa phone ko at nagpatugtog.
Lumabas na ako ng bahay pagkatapos at bumungad saakin ang preskong hangin. Itinago ko na rin yung kamay ko sa suot kong hoodie.
Naglakad-lakad ako hanggang sa mapadpad ako sa 7/11 shop. "Ugh. Ang boring din pala minsan kapag mag-isa. Makapasok na nga lang dito,"
"Sinong kausap mo?"
"Ah, mama!" halos mapaupo ako sa sahig nang may bumulong sa tenga ko. Mapapaupo talaga ako kung hindi niya lang ako hinawakan sa braso.
Takte. Pagkalingon ko, si Jaemin. Taena?
He chuckled. "Takte ka, alam mo yun?" irap ko. Aba, pasulpot-sulpot si mokong.
"Sino kasama mo?" tanong niya sabay pasok sa store. Iniwan ba naman ako dito. Agad na akong sumunod sa kanya sa loob.
"Wala. Bored ako eh," sagot ko sabay kuha ng ramen. Kumuha na rin ako ng donut at tyaka inayos. Papunta na sana ako sa counter nang pinigilan niya ako.
"Amin na yan," tumingin naman ako kay Jaemin nang kinuha niya ang mga dala ko.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa bumalik siya sa tinatayuan ko na bayad na yung pagkain ko.
"Tinutunganga mo jan?" tanong niya.
"Heh, salamat." agad namin nilagyan yung ramen na mainit na tubig at inayos. Doon kami sa labas ng store umupo.
"Anong ginagawa mo dito, ha?" tanong ko.
"May dinaanan ako," sagot niya.
"Aaah," tango-tango ko. Hindi ko na rin naman alam ang sasabihin ko kaya tumitig na lang ako sa buwan.
"Kumain ka na, sayang yung init nung ramen," nilingon ko ulit siya na ngayon ay kumakain. I sighed. Ka-bored naman to'ng kausap.
"Oo na,"
"May tumatawag sa phone mo," napahinto ako sa paghigop ng ramen at nilingon yung phone ko sa table. Si kuya.
"Bakit?" tanong ko ng masagot ko.
"Nasaan ka?" umayos ako ng upo at tumitig sa relo ko. Okay, 9:30 pm na paala.
"Nasa 7/11 ako. Mamaya pa ko uuwi." sagot ko.
"Mag-text ka sakin kapag pauwi ka na. Nga pala, hindi ako makakauwi ngayon ha,"
"Sige. Ingat. Bye," napabugtong hininga na lang ako nang i-end ko na yung call.
"Kuya mo?" napalingon ako sa katabi ko na nakatingin pala saakin habang nakasandal sa upuan. Tumango ako.
"Nasaan?" tanong niya.
"Busy? Ikaw, may kapatid ka ba?" sagot ko at tumuloy sa pagkain.
"Wala," nakangiti siyang sagot.
"Magte-ten na, hindi ba nag-aalala parents mo?" tanong niya.
"Busy din naman iyong mga iyon. Tyaka out of the country."
"Same. Haha,"
Silence, but not awkward tho. Atleast. Tinapos ko ang pagkain ng donut habang nakatingala siya sa langit. Wala masyadong nagsasalita saamin.
Nang matapos akong kumain ay inaya niya na akong umuwi. Ayoko pa talagang umuwi since wala rin naman akong kasama sa bahay kaso sabi niya kailangan na daw kasi gabing-gabi na.
"Oo na, bibili lang ako inumin." nakabusangot kong saad sabay tayo at pumasok muli sa store. Narinig ko pang tumawa ang mokong. Heh.
Nang makapagbayad ay lumabas na ako at tyaka binuksan yung juice ko. Inirapan ko siya nang makitang nakangiti ito habang nag-aantay sa labas.
Kahit nasa likod ko siya ramdam ko pa rin yung ngiti kaya nauna akong naglakad habang patuloy na umiinom nang maramdaman ko yung dalawang kamay niya sa magkabilaang balikat ko, "Sungit, hatid na muna kita ha."
BINABASA MO ANG
The Girl Known To Be With Him
Teen Fictionepistolary & fanfic || Her name is Jazmine. . . and her life is indeed disaster even she was still a kid. Surronded with people she loved, she scared with, and she cried with. With Na Jaemin. [ c o m p l e t e d ]