||narration
"Congrats, guys! Day 4 na, so matatapos na ang responsibilities natin this anniversary which means matatapos na rin yung mga pinaghirapan natin! Isang araw na lang and papakasaya na lang tayo! Great Job!" masayang wika ni Jaemin sa section namin.
Shet. Ang saya maupo ulit dito sa classroom. "Ikaw ha. Nagtatampo ako. Halos kayo ni Jaemin magkasama mula tuesday. Close na kayo ha. Nagtatampo talaga ako." nakangiting saad ni Monique.
Napataas ko ang kilay ko, "Heh." Napatawa naman si bruha, "Ah, basta. Mag-ingat ka lang. Nandito naman ako palagi eh. Support, ayie!"
"Bruha ka, gulo mo." sagot ko. Napatigil na lang siya at ngumuso. Pagkalingon ko si Jaemin.
"Alis muna ako. Text na lang ha," bulong sakin ni bruha sa tenga bago umalis.
"Natapos na rin tayo!" nakangiti kong saad."Kaya nga eh, buti na lang. Bukas papakasaya na lang tayo. Seniors na ang tatapos ng anniversary. Sa saturday naman, ang school na magpoprovide ng mga banda and some stuffs." sagot niya na nakangiti.
"Libre mo na ako niyan," tawa ko.
"Tara," sabay hila niya saakin at sabay kaming lumabas ng classroom.
"Jaz!" napalingon ako nang may pamilyar na boses ang tumawag sakin.Napalaki ang mata ko sa nakita, "Clinton?"
"One and only," ngiti niya. Lumapit naman siya sa amin, "Kamusta anniversary? Hi, jaemin." kaswal niyang wika.
"Matatapos naa, yey!" saad ko. Aba, kanina pa-text pang paramdam ang bakla, nandito na pala sa school.
"Saan ka?" tanong ko.
"Ah, tatambay sana ng classroom eh." sagot niya.
"Tara, cafeteria tayo. Sama ka samin," wika ko. Nilingon ko naman si Jaemin at tumango nang makitang tumango si Clint.
"Order na ako, ano sayo jaz?" tanong ni nana saakin. "Hmm, kung ano na lang sa iyo. Ikaw, clint?" tanong ko.
"Uh, ayaw ko pa. Kakain ko lang din kasi kanina." sagot niya.
"Sige. Ano, hanap na ako upuan, ah?" sabi ko sabay umalis. Umupo ako don sa pinaka-sulok. Maya-maya ay dumating si Clint at umupo.
"My gosh, di ko nanaman keri itech. And no to food ane, diet aketch." saad niya saakin. Napangiti na lang ako.
"Nasaan na si Jaemin?" tanong ko.
"Ayown, inaantay pa makuha ang order niyo itey. Ikaw ha, libre pa ni fafi. Ang aking ship, my gosh." sagot niya.
Hindi ko talaga mapigilan ngumiti kapag kausap si Clint, ewan ko ba pero dahil sa way niya ng pagsasalita iyon kaya dumaldal kaming pareho. Huminto rin naman kami sa daldalan nang makarating si Jaemin."Ayan na libre ko ha, quits na tayo." saad niya.
"Yes naman, haha, thank youu!" ngiti ko. Nung una kasi nilibre niya ako doon sa cafe nung nagmeeting tapos nung tuesday nilibre ko siya dahil hindi naka-ayos yung credit para sa shop. Tapos ayon, sabi niya ililibre niya daw ako ngayon.
"Wala yon," sagot niya. Binaling ko naman ulit ang atensiyon ko kay Clint. Aba, biglaan pagdating niya eh. Dapat kasi next week pa siya.
"Nga pala Clinton, napa-aga ata balik niyo?" tanong ko.
"Ah, oo. Napa-aga rin kasi alis namin kaya ayon." patuloy ko lang silang dinadaldal hanggat sa biglang nagsalita si Jaemin habang hawak ang phone.
"Ah, jaz, clint, mauna na muna ako ha. Bye," napatagilid ko na lang ang ulo ko nang nagmadali si nana umalis.
Okay?
BINABASA MO ANG
The Girl Known To Be With Him
Teen Fictionepistolary & fanfic || Her name is Jazmine. . . and her life is indeed disaster even she was still a kid. Surronded with people she loved, she scared with, and she cried with. With Na Jaemin. [ c o m p l e t e d ]