Uwian na ngayon, sabay-sabay naglalakad palabas ng gate. Si Joanna at Careanne naman ay busy kakaharot sa mga boypren nila. Si Reigna, Jiany at Ellie ay naunang umuwi kasi sinundo na sila. Si Louisse at Daisy ay may sariling mundo naman. Kami lang ni Breah ang magka-akbay ngayon.
"Alam sobrang natawa ako sa reaction ni Daisy kanina nong sinabi mo kay Brian na sasagutin na siya ni Daisy" panimula ni Breah.
Di pa nga ako nakaksagot biglang lumapit si Louisse at Daisy sa amin.
"Guys my Dad is here na sinundo na ako" sabi ni Louisse sa amin.
"Ako rin eh, sinundo na rin ako ng Driver namin" ngumuso pang sabi ni Daisy." At tsaka Breah sabi daw ng Lola mo kay Manong na sumabay ka na raw sa amin" tumango naman si Breah.
"Alis na kami Zay ha? mag-ingat ka bye" sabay-sabay nilang sabi.
Ako nalang mag-isa ang naiwan rito sa may gate. Sila Joanna kasi ay umalis na rin. Kaya isinabay ni Daisy si Breah kasi kapitbahay lang sila at close na close yung family nila.
Umopo ako sa may waiting area para hintayin si Ate Zen. Panay tingin sa mga estudyante na nag silabasan sa gate. Ang tagal naman ni Ate. Biglang may lumapit sa akin. Kaya lumingon ako sa may gilid ko. Nanlaki ang mata ko at uminit ang pisngi ko ng nakita si Kim sa harapan ko at ngumiti. Zaya wag mong ipahalata na may gusto ka sa kanya. Ngumiti ako pabalik sa kanya.
"O, Kim why are you here?" kalma lang self. Bat ka ba kinabahan? tumigil ka pls.
"Nasan si Reigna?" tanong niya rin.
"Sabi niya mauna na raw siya. Sinundo na kasi siya ng Daddy niya. Eh ikaw sinong susundo sayo?" kinabahan parin ako. Pero di ko pinahalata.
"Mag co-comute nalang siguro kami ni Katey. Wala kasi si Manong samin umuwi siya sa kanila. At busy rin si Mom. O, sige aalis na ako ha? Bye" umalis na siya at kumaway.
Para naman akong nabunutan ng tinik ng umalis na siya. Grabi di ka naman ganyan dati sa kanya Zay. Eh nilampasan mo nga yan pag nagtagpo kayo. Sabi ko pa sa sarili ko.Hays buti nalang di niya nahalata na kinabahan ako. Wait! baka nakita niyang pumula yung pisngi ko. Wag ka ngang paranoid Zaya.
"O, ang lalim ng iniisip nati ah?" biglang sulpot ni Ate sa harapan ko."si Kim yang iniisip mo no?" tumatawa pa niyang sabi.
"Ano ba lahat nalang kayo bukang bibig niyo si Kim, pls. stop it!" tumayo ako at naunang maglakad sa kanya.
"Hahahaha nakita ko kayong nag-uusap" sigaw niya.
Lumingon naman ako sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin.
"Eh ano ngayon!?" tinaasan ko siya ng kilay.
At pumara ng trycicle at sumakay. Sumunod naman siya at tumabi sa akin. Tiningnan niya ako ng nakakaloko. Iniwasan ko lang siya.
Tahimik lang kaming dalawa ni Ate dahil panay cellphone niya. Hanggang sa nakarating na kami sa bahay. Agad akong umopo sa sofa. Bigla namang pumasok si Kuya sa pintoan. Galing siya ng eskwelahan niya. Tumayo naman ako at sinlubong siya ng yakap.
"Kuyaaaa namiss kita" paglalambing ko.
"Namiss ko rin ang bunso namin" ginulo niya ang buhok ko.
YOU ARE READING
Thy Childish Girlfriend
Novela JuvenilA love story of a highschool lover who didn't end up together. But they will leave a mark on your heart. Zaya and Kim's story has a happy start but will have a sad ending. What will be the reason behind it? Will Kim and Zaya end up together? Or not?
