Panay hatak niya sa akin. Di ko alam kong saan niya ako dadahin. Hanggang sa nasa labas na kami ng bahay ni Careanne. Galit na galit niya ako tiningnan. At tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Oh bat tayo umalis don sa madilim?" sarkastikong sabi ko.
"Umuwi na tayo." malamig niya sabi. At binuksan ang sasakyan niya.
Hinawakan niya ang braso ko upang papasokin ako. Pero inalis ko yung kamay niya.
"Bakit ba?! Umuwi kang mag-isa. Nag eenjoy pa ako eh!" aalis na sana ko sa harapan niya.
"ANO GUSTO MO YUNG LALAKING YON? SIGE MAGSAMA KAYO!" sigaw niya. At pumasok siya sa kanyang sasakyan.
At mabilis na pinaandar ang sasakyan. Nakatayo ako habang tinanaw ang sasakyan niya palayo. Biglang tumulo ang luha ko. At napa-upo at humagulhol sa pag-iyak.
Tumayo na rin ako kaagad. At pumasok ulit sa bahay nila Careanne. Habang ang lahat ay busy kaka sayaw. Ako naman ay busy kaka inom. Kada lagay ko ng alak sa baso. Ay agad ko itong ininom. Di ko alam kong bakit naubos ko ang isang bote. Iyak ako ng iyak. At tinungga ang bote ng alak. Panay hagulhol ko. Dinaluhan naman ako nila Daisy. Pero blur na yung paningin ko. At di na ako nakapag salita. Hanggang sa dumilim yung paligid.
***
Bumangon ako. At napahawak sa ulo ko dahil sa sobrang sakit. Tiningnan ko ang paligid. Nasa bahay ako! At naka pang tulog ako. Sinong nag hatid sa akin dito? Bat ako naka-uwi? Ang naalala ko ay iniwan ako ni Kim. At uminom ako ng ng marami. Tapos di ko na maalala kong ano ang ginawa ko.
Tumingin ako sa wall clock. Ala 1 na ng hapon! Tumayo ako. At sinout ang tsinelas ko. Agad akong lumabas ng kwarto. At nadatnan kong nanood ng TV si Breah at Kuya. Habang tumatawa. Napa tingin si Breah sa akin.
"Oh Zaya gising ka na pala. May ulam doon sa table. Kumain ka mo na."
"Bakit ang lasing mo ka gabi?" seryuaong tanong ni Kuya.
Sinipat siya ni Breah."Kumain kana don Zaya. Hayaan mo nanitong Kuya mo!"
"Sinong naghatid sa akin rito?"
"Hay nakalimotan mo ba? Si Kim yung naghatid sayo. Binuhat ka nga niya. Patungong kwarto mo!" humahalakhak pa si Breah.
Nagulat namana ako. Diba iniwan niya ako kagabi?
"Siya lang?"
"Oo nga! Wag mo na nga yang isipin. Kumain kana doon!"
Habang kumakain ako. Panay isip ko at inaalala kung sino talaga ang naghatid sa akin. Pero inalis ko nalang yon sa isip ko dahil tutulong ako sa karederya ngayong christmas break.
YOU ARE READING
Thy Childish Girlfriend
Fiksi RemajaA love story of a highschool lover who didn't end up together. But they will leave a mark on your heart. Zaya and Kim's story has a happy start but will have a sad ending. What will be the reason behind it? Will Kim and Zaya end up together? Or not?
