"Hoy bat ka nawawala bigla nong nasa photo booth tayo? At absent ka pa kahapon ha?!" sermon ni Ellie sa akin.
Magkasabay kami ngayon patungong canteen dahil break time namin. Wala si Louisse dahil may lagnat raw. Buti nalang dahil di ko matitiis ang bunganga nilang dalawa. Talak talaga siyang ng talak simula kanina. Nong nasa classroom kami hanggang sa nandito kami sa canteen.
Binalingan ko siya pagkatapos bumili ng pagkain at umopo. Inikot ko ang mata ko. Napa ngiwi naman siya. At kumagat ng kanyang burger. At ako naman ay kumain mo ng fries at sinagot siya.
"Nag hiwalay kami ni Kim." kalma kong sabi. At tiningnan ang fries at sumbo ulit at bumaling sa kanya.
Nanlaki ang mata niya."Ano?! sa ano naman ang dahilan Zaya?!" napataas ang boses niya.
Kahit lumingon ang ibang estudyante sa kanya. Wala talaga siyang pakialam.
"Dahil kay Daisy, Ellie." matamlay kong sagot at inikot ang mata.
"Sabi ko nga ba eh! Matagal ko na siyang napansin na may gusto siga kay Kim, Zaya!"
Di lang pala kami Breah at ako ang nakapansin. Pati pala si Ellie.
"Hays, tapos na yon ok? Wag ka nang mag react. Sa amin lang to ni Daisy. Ayokong magkasiraan kayo dahil dito"
"Pero di naman makatarongan yan Zaya. Pero bakit? ano ba ang ginaya niyang Daisy na yan?!" nanlaki pa ang mata niya.
Sinipat ko naman siya dahil napalakas ang boses niya.
"Hinalikan niya si Kim"
"Ano?! langya talaga oh!"
"Tapos na yon"
"So ano? Wala na talaga kayo ni Kim? Hayaan mong mapunta siya sa makating si Daisy? At hayaan mong maging masaya siya sa piling ng pinakamamahal mong boypren?!"
"Di nu!"
"So anong plano mo?"
Hahanap ako ng tyempo upang magka-usap kami ulit. Babalikan ko siya. Di ko siya hahayaang mapunta siya kay Daisy nu! capital AYOKO!
Kaya dumaan ang mga araw. Ay paparating na ang valentines. Pero di ko pa rin siya nakita. At di man lang kami nagka-usap. Gusto ko siyang kausapin. Pero ayokong mag text sa kanya. Baliw na ata ako. Parati nalang akong ganito. Hindi na ako nakapag focus sa klase ko. Dahil kay Kim, buset na Kim. Baka mas lalo silang naging close ni Daisy dahil doon. Ano ba to! Pero paano kung nagustohan niya na si Daisy. At niligawan niya ito at sila na? Tapos di ko alam dahil hindi man lang siya nagpaparamdam sa akin. Kahit kamusta man lang.
Bukas na yung Valentines. At may program sa school namin. Sana makita ko siya. At for sure makikita ko talaga siya dahil wala kaming klase dahil may program. Sana lang sana na makita ko lang siya at maka-usap man lang siya. I badly need him. And missed him so bad. Aish! halos wala man lang akong ibang inisip kong hindi siya. E pano ko siya makaklimotan? Eh panay paalala ni Breah sa akin na balikan ko na raw si Kim. At binalikan ko na ba raw. Pati sila Reigna at lahat talaga ng mga kaibigan ko.
YOU ARE READING
Thy Childish Girlfriend
Teen FictionA love story of a highschool lover who didn't end up together. But they will leave a mark on your heart. Zaya and Kim's story has a happy start but will have a sad ending. What will be the reason behind it? Will Kim and Zaya end up together? Or not?
