Nang malaman ni Breah na buntis ako. At napansin niyang nag-iba ang mukha ko. At mas lalong pumutla. Parati niya nilagyan ng liptint ang mukha ko at ang labi ko. Tinoroan niya akong ayosin ang mukha ko. Kapag puputla naman ito. At napansin ko na rin na sumikip ang aking uniporme. Pero kaya naman ito dahil di pa naman kita na umbok ng aking tiyan. Mukhang wala pa, pero mukha akong tumaba.
Palagi na rin akong sinasamahan ni Breah kung saan ako pupunta. Mas naging caring siya sa akin ngayon. Di narin niya ako sinisigawan. Kaya natuwa naman ako doon.
Pero ngayon mag-isa akong pumuntang CR. Dahil naiihi na ako, tapos si Breah busy sa kaka-usap sa groupmates niya. Leader kasi ang boang. Kaya mas naging seryuso na siya.
Pumasok na ako ng CR. Pero nakita ko ang mukha ng ahas sa salamin. Tinaasan niya ako ng kilay. Pero pumasok agad ako, para maka-ihi. Wag ngayon Daisy buntis pa ako, ayoko ng away. Nang matapos akong umihi ay lumabas na ako. Pero naghintay pala ang ahas. Iiwasan ko sana siya at lalabas na pero humarang siya sa pintoan at ni-lock ito.
Bakit ba ang hilig nilang mag lock! Tangina!
Nanlaki ang mata ko dahil bigla siyang lumuhod sa harapan ko at hinawakan ang aking kamay.
"Zaya, I know madami na akong nagawang kasalanan ko sayo. Dahil gustong-gusto kong makuha si Kim. Zaya, this is the last time I'll ask you" nanginginig ang boses niya. At tumutulo ang luha niya. Ako naman ay natigilan ako sa ginawa niya."can you please give Kim, to me?"
Mas lalo akong natigilan. At nanigas sa kinatatayoan ko? Ok lang ba siya? Ano si Kim, laroan? At madali lang itong ibigay? Baliwa na talaga siya.
"What no! Na babaliw kana Daisy!" binawi ko ang kamay ko.
At tumalikod na sa kanya. Narinig kong tumayo siya. At di pa nga ako nakaabot sa pintoan ng biglang siyang magsalita.
"Babawiin ko siya sayo!" sigaw niya.
Humarap ako sa kanya. At sinaaman siya ng tingin. Desperada na talaga si Daisy.
"Kung mababawi mo!" I rolled my eyes.
At tinalikoran ko na siya. Baliw na ba siya? Basta ko nalang bang e'bigay si Kim sa kanya? Ano ako baliw para ibigay ko ang boyfriend ko. Gusto ko siyang sabunutan pero, hindi pwede dahil buntis ako. Kung hindi pa ako buntis baka hinambalos ko na siya sa sahig.
Binilisan ko ang paglalakad ko baka sinundan niya ako. At sabunotan ako, ayoko mo na ng away. Sa wakas nakarating na rin ako sa classroom namin. At hinihingal pa ako. Hinawakan ko ang dibdib ko. At pinunasan ang pawis ko sa aking noo. Nagtama ang paningin namin ni Breah. Nanlaki ang mata niya at dali-daling tumayo at iniwan niya ang kanyang ka grupo dahil pinuntahan niya ako.
"Nagsuka ka?" pabulong niyang sabi.
"Hindi ako nagsusuka. Nagka-usap kami ni Daisy sa CR." hinihingal parin ako.
"Ano?! Bat di ka nagsabi sa akin? Diba sinabi ko naman sayo na sabihan mo lang ako! Baka ano pa gagawin niya sayo!"
"Wala naman siyang ginawa"
"Kahit na! Pero ano ba ang sinabi nong baliw na yon sayo ha?!" nag-aalala niyang tanong. At pinaupo niya ako.
YOU ARE READING
Thy Childish Girlfriend
Teen FictionA love story of a highschool lover who didn't end up together. But they will leave a mark on your heart. Zaya and Kim's story has a happy start but will have a sad ending. What will be the reason behind it? Will Kim and Zaya end up together? Or not?
