Gumising ako ng maaga at naligo agad. Baka sermonan na naman ako ni Mamay. Pagkatapos lahat ay umalis na ako. Nauna pa akong umalis ni Ate. Kinakabahan kasi ako baka may bagsak ako sa exam. May ilang subjects na di ko nasagutan lahat. Patay ako nito kay Mamay.
Nang makarating naman ako sa classroom ko ay medyo marami na ang kaklase ko. Agad akong umopo sa aking upoan at tumunganga.
Di nagtagal ay nakarating na ang aming guro at bitbit nito ang result sa aming final exam. Agad na umosbong ang kaba ko. Di ako mapakali sa pag-upo. Panay kilos ko.
"Here's the results students!" maligaya pang sabi ng guro namin.
Buti pa siya masaya. Eh ako para na nga akong ma-iihi sa kaba eh. Tinawag ang pangalan namin isa-isa. At binigay ang answer sheet namin na may score na. Nang tinawag ang pangalan ko ay nag hiyawan ang mga kaibigan ko. Samantalang ako naman ay nanginginig na sa kaba. Shet nginitian ako ng guro ko at binigay na niya. Ngumiti naman ako pabalik at tumalikod at umopo sa aking upoan.
Agad akong napangiti dahil pasado ako sa Filipino. Nang binuklat ko naman ang ikalawa ay pasado ako. Hanggang sa nong ika anim na. Ang subject na Math ay para akong nabagsakan ng langit at lupa sa score na nakuha ko. 19 over 50?! sobrang nakakahiya!!! nang binuklat ko naman ang sumunod ay pasado ako. Yung math lang talaga my ghad. Patay ako kay Mamay nito.
Kinagat ko ang kuko ko habang tiningnan ang Math result ko. Agad na tumulo yung luha ko habang tiningnan iyon. Bat ba ganito yung score ko? Panay solve ko naman ah? Tahimik akong himikbi habang tiningnan iyon. Ang mga kaklase ko naman ay nag saya dahil pasado sila lahat ako lang ang nag luksa rito.
"Zay pasado ako lahat!" sabi ni Daisy ng nakalapit siya sa akin.
Binigay ko sa kanya ang Math ko ng hindi siya tinitigan. Nakayuko lang ako.
"Oh ghad! Bat ganito Zay? Si Breah bakit pasado ikaw hindi?" gulat na tanong ni Daisy.
Inangat ko ang tingin sa kanya. At mas lalong humikbi. Agad niya naman akong niyakap.
"Ooohhh Zaya it's ok, math lang ito. Pasado ka naman sa iba. Itong Math lang hindi pasado. Tssss....yung iba nga jan lahat bagsak eh"
"Pero sabi kasi ni Mamay pag may bagsak ako......sa CA niya ako papaaralin or sa public school" mas lalo ako umiyak at humigpit sa pagyakap kay Daisy.
"Sssshhhh Zaya naman eh. Baka di ka na naman makahinga niyan kakaiyak" nag-aalala niyang sabi.
"Di ko kasi mapigilan Daisy" humihikbi kong sabi.
"Anong nangyari?" tanong ni Joanna.
Sinabi naman ni Daisy sa mga kaibigan ko. Kung bakit ako nagka ganito.
Pagkatapos akong umiyak ay tumatawa na naman ako. Kasama ang mga kaibigan ko ganon ako ka abnormal kahit may problema tumatawa parin. Boung araw kong hindi nakikita si Kim. Di ko alam kong nasaan siya di na rin kasi kami nag-chat. Nag online naman ako kagabi at siya. Pero di man lang niya ako chinat. Di ko rin siya chinat nu! Swerte niya pag ako maunang mag chat nu.
Panay sabi ng mga kaibigan ko na maintindihan lang ni Mamay kaya di na ako umiyak. Nauna na rin akong umuwi ni Ate Zen dahil may gagawin pa raw siya. Pero namasyal pala kasama ang mga kaibigan niya. Lilibre raw siya kasi malapit ng ang 18th birthday niya.
Nakarating ako sa bahay na wala pang tao. Ako pa ang unang dumating sa kanila. Kaya pumasok ako ng kwarto at nag bihis. Pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko ang walis at nag walis sa buong bahay. Nilinis ko rin ang mga bintana. Naghugas ng plato. Nag saing, pinalitan ko ng kurtina ang bahay. Ay naglaba ng mga damit ko. Para di magalit si Mamay sa akin. Maaga rin kasi kaming pinauwi dahil wala kaming gagawin. Sinampay ko na ang mga damit na nilabhan ko at pagkatapos ay pumasok sa loob at umopo sa sofa at nanood ng TV.
Nang dahil sa pagod ko ay di ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising lang ako dahil sa lakas ng boses ni Mamay. Agad akong bumangon at kinusot ang mata. Agad na nanlaki ang mata ko ng bitbit na ni Mamay ang result sa exam ko. At nag-aalab ang tingin niya sa akin.
"Ano to?!" sigaw niya at kinumot tsaka binato sa mukha ko."kaya ka nag linis dahil bagsak ka!" pumalakpak pa si Mamay. Nasa likod niya si Kuya at Ate na naawang nakatingin sa akin."di ka parin nadala Zaya ano?! Ito lang ba ang isusukli mo sa akin?! Sakit ulo tong bagsak mo! Ang liit ng score mo! Kahit.....isa lang ito major subject parin ito Zaya! Math pa ha?! Ang binagsak mo!" at walang kahirap-hirap na sinampal ako.
Nanigas naman ako sa pagka-upo at napahawak sa pisngi ko at yumuko.
"May tama na ho" pigil ni Kuya kay Mamay.
"Wag kang makialam rito Zian. Mas lalong lalaki ang ulo nito eh! Sobrang bobo nito! Sayang ang bayad ko sayo.....sakit lang sa ulo ang binigay mo sa amin Zaya!" sigaw ni Mamay at binatukan ako.
"Eh kasi May, puro Kim lang kasi ang nasa isip niyan. Puro landi May" dagdag ni Ate. Kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Zenaya tumigil ka nga. Mas lalo mong ginalit si Mamay" saway ni Kuya sa kanya.
"Tumigil ka Zian!" sigaw ni Mamay kay kuya."anong ginawa mo?! Wala ka man lang bang hiya Zaya? Ang landi mo. Hindi ka pa nakinig sa mga payo ko!" sinampal na naman niya ako.
Agad akong humagugol sa pag-iyak at tumayo.
"Bakit ako nagka ganito May? Dahil iyon sayo!" sigaw ko sa kanya at humikbi."kunting hiling ko lang di niyo maibigay. Ay yung makita ko si Papay. Wait!.....di lang iyan. Yung lagi niyo akong ikumpara kay Ate o Kuya. Sobrang sakit May. Alam niyo namang bobo ako. Bat niyo pa ipaalala. Ok lang ho na sa iba ko maririnig pero galing sa inyo sobrang sakit May. Lahat naman ay ginawa ko May. Ginawa ko lahat ng makakaya ko maging masaya lang kayo. Ang sarili kong kasiyahan na makita si Papay ay isinantabi ko iyon dahil sa tuwing babanggitin ko siya nakikita ko sa mga mata niyo na nasasaktan kayo!" hiningal pa ako at umiiyak.
"Aba sumasagot ka pa!" sasampalin na sana ako ulit ni Mamay pero hinawakan iyon ni Kuya agad niyang binawi iyon."ako ang ina mo! Wag mo akong pag salitaan ng ganyan!" nanginig na sabi ni Mamay at napaupo sa sofa agad namang dumalo si Ate sa kanya at hinagod ang likod.
"May anak niyo rin ako. Nasasaktan rin po ako" sabi ko at humagulgol.
"Sana pinakuha nalang kita nong nasa sinapupunan pa kita. Napaka walang kwenta mong anak. Ang tamad mo pa wala kang ibang ginawa kong di ang pasakitin ang ulo ko. Isang kang pag..,,,---"
"May tama na ho!" sigaw ni Kuya.
Bigla akong nabingi at hirap na hirap makahinga. Napaupo ako sa sofa at hinawakan ang dibdib ko. Hirap kong ibuka ang mata ko. Pero sinikap kong ibuka ito at nakita kong si Kuya panay yugyog sa akin.
"Kuya tubig!" sabi ko. Agad naman niya akong binigyan at ininom ko iyon.
Medyo nakahinga na ako ng maayos. At umopo ng maayos.
"Ok kana ba?" nag-aalalang tanong ni Kuya."dalhin ka namin sa hospital Zaya"
Lumingon ako kila Mamay at Ate na nakatitig sa akin.
"Hindi ok na ako" paos kong sabi. At tumayo tsaka tumakbo papuntang kwarto at ni lock ang pintoan.
No, di pwede to. Pangalawang beses natong nangyari sa akin. Nong nag-away kami ni Ate Zen. Agad kong narinig ang boses ni Mamay na kumatok sa pintoan pero wala akong balak na buksan. Di ko siya kayang harapin. Sobrang sakit ng mga sinasabi niya. Tumulo na naman ang panibago kong luha.
Tumigil si Mamay kakatok. At narinig kong nagtalo si Ate at Kuya. At nakisali na rin si Mamay. May mga nabasag pero wala na akong paki. Dahil sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon.
Sobrang sakit magsalita ni Mamay. Yung pinakuha niya ako nong nasa sinapupunan niya ako? Sobrang sakit non. Gusto siyang sigawan na sana nga di na niya lang ako inanak para buo pa ang pamilya namin. Malas lang talaga ako sa pamilyang to. Di man lang alam kong anong rason kung bakit naghiwalay si Mamay at Papay.
YOU ARE READING
Thy Childish Girlfriend
Novela JuvenilA love story of a highschool lover who didn't end up together. But they will leave a mark on your heart. Zaya and Kim's story has a happy start but will have a sad ending. What will be the reason behind it? Will Kim and Zaya end up together? Or not?
