Chapter 11

127 7 0
                                        


Zaya's POV

Nagising ako dahil sa amoy ng ulam. Di ko alam kong sino ang nagluluto. Kaya agad akong bumangon at lumabas ng kwarto ni Mamay ng di pa naayos ang sarili. Wala na rin kasi siya sa tabi ko.

Pagka labas ko napangiti naman ako dahil nakita ko si Ate at Kuya na nasa dining table may pinag-uusapan at si Mamay naman ay nag luluto.

"Good morning everyone!" sigaw ko at humikab.

Napalingon naman silang tatlo sa akin.

"Good morning bunso" sabay nilang sabi.

Mas lalong lumaki ang ngisi ko.

"Ang saya natin ngayo ah?" sabi ni Kuya at at kiniliti ako.

"Stop it kuya!" sigaw ko. Tumawa naman si Mamay at Ate na nanood sa amin."bakit? bawal ba akong sumaya? Gusto niyo na nakasimangot ako? ganito?" turo ko sa mukha ko at sumimangot.

"Ganyang mukha ang bagay sayo!" malakas na sabi ni Ate at tumawa sila.

"O, tigilan niyo na yan kumain na tayo" putol ni Mamay kaya umopo na ako.

"To talagang si Mamay ang kj" sabi ko.

"Wag kang ma kj² jan tutolungan mo pa ako sa karenderya" paalala na naman niya.

"Oo na May alam ko yon" at sumimangot ako habang kumakain.

Sobrang ingay namin habang kumakain. Tawa ng tawa at kwentohan. Pagkatapos naman ay pumasok na sila Ate at Kuya sa paaralan nila. Ako lang kasi ang walang pasok kaya tutulong ako ngayon kay Mamay. Naglakad kami ngayon ni Mamay patungong karenderya.


Pagdating namin doon. Agad kung ginawa ang mga pinag-uutos ni Mamay sa akin. Ang dami na kasing costumer. Buti nalang 3 kami rito sa karenderya. Ako yung tig huhugas ng plato. Dahil wala si Manang Susi. Kaya ako ang gumawa sa gawain niya.


Ganon ang ginawa ko buong araw tumutulong lang kay Mamay sa karenderya. Umopo ako sa kainan dahil wala ng costumer at ubos na ang aming paninda. Humikab ako.


"Sobrang pagod mo ata Zaya" ngumiting sabi ni Ate Lea na nagpupunas ng mga lamesa.


"Pinatulong ko na yan dito Lea. Dahil gagala na naman niyan" si Mamay yung sumagot.


"Ate ganyan talaga ang mga kabataan ngayon, eni-enjoy nila"


"Hay nako ayaw ko sa ganon" ngumiwi si Mamay at tumingin.



Nanahimik lang ako at pinagpatuloy ang ginawa ko. Nang natapos na ang gawain namin ay sinara na namin ang tindahan. At nag si uwian na. Pagdating namin sa bahay ni Mamay ay wala pa si Kuya at Ate. Ako naman ay agad akong naglakad papuntang kwarto dahil antok na antok ako.



"Zay, tatawagin nalang kita pag kakain na tayo. Mukhang pagod na pagod ka anak" lumingon naman ako kay Mamay at tumango.



At pumasok na ako at binagsak ko ang katawan sa higaan. Tsaka pumikit dahil sa pagod.



Narinig ko ang boses ni Ate at panay yugyog niya sa akin.



Thy Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now