Chapter 29

89 7 0
                                    


Tapos na akong minake-upan ni Kuya Liam. At nakapagbihis na rin ako dahil alas singko y media na ng hapon. Andami na ring tao sa bahay namin. Dahil umuwi ang mga kapatid ni Papay. Lahat ng kapatid ni Papay ay mukhang galit sa akin. Tataasan ako ng kilay at utosan. Minsan ngumiwi rin pag tinawag ko si Papay. Ewan ko ba kung bakit sila ganyan.

Pinanood ko ang mukha ko sa salamin namin. At pait na ngumiti. I'm wearing a black tube cocktail dress na simple lang. And a black sandal at may hair clip sa aking buhok. At tsaka simple lang ang make up ko pero mas lalo akong gumanda. Nilagyan rin ako ng mga accessories ni Kuya Liam.

Nasa kwarto kasi kami ngayon. Ngumiti siya habang pinapanood niya ako.

"Ang ganda mo talaga Zaya" manghang sabi ni Kuya.

Malungkot akong ngumuti sa kanya.

"O, bakit parang di ka masaya?" nagtakang tanong ni Kuya sa akin.

"Kuya Liam....bakit ganon sila Tito at Tita sa akin...yung mga kapatid ni Papay...parang galit sila sa akin?" nanginginig kong sabi.

"Ay sus!...hayaan mo sila Zay. Ganyan talaga sila. O, sige tatawagin ko ang Kuya mo para ihatid ka....gamit ang kotse ko para bongga!" at pumalakpak pa siya.

Tumawa naman ako sa pinsan ko. Sayang talaga to si Kuya Liam napakagwapo pero bakla. Pero ang mga sinusuot naman niya mga panlalaki. Di katulad ng ibang bakla.

Bumukas ang pinto at sumilip si Kuya.

"Wow! ang ganda ng kapatid ko!" bola niya pa sa akin.

"Tssss. mangbobola!" inirapan ko siya at lumabas ng kwarto.

"Totoo naman bunso" ngisi niya pang sabi.

Nagpaalam ako kay Papay kahit sobrang busy niya. Agad kaming nakarating sa kotse ni Kuya Liam.

"Wag na wag kang magpaligaw doon!" binuksan niya ang back seat. Para makapasok ako. Agad naman akong pumasok at kumonot ang noo ko bakit ako nandito. Pwede namang sa passenger seat."jan ka lang....si Breah dito. Susundoin natin siya." tumatawa niyang sabi.

"What?!"

"Sssshhhhh!"

Kaya itinikom ko nalang ang bibig ko. At tumingin sa labas ng bintana. Tahimik naming tinahak ang daan patungo kila Breah. Di ako excited ngayon. Samantalang kahapon sobrang excited ko. Di nga ako nakatulog ng maayos sa sobrang excited ko.

Hininto ni Kuya ang kotse sa gate na Kulay pula. Alam na alam ko naman to ang bahay nila Breah. Mga ilang beses na akong nakapunta rito. Bumusina si Kuya. At biglang bumukas ang gate. Iniluwa ang isang babaeng nasa mid 30's. Mommy niya. Kaya lumabas ako.

"Breah lumabas ka jan. Nandito na ang boyfriend mong si Zian" sigaw ng Mommy niya. Naunang magmano si Kuya. Pagkatapos ay ako."wow you look so beautiful hija. Ngayon lang kita nakita ng malapitan...ang ganda mo pala. By the way I'm the mother of Breah" pakilala niya sa akin

Ngumiti ako."Nasabi nga po ni Breah sa akin. Nice to meet you po" yumuko ako.

Bumaling siya sa Kuya ko. At ngumiti."Pasensya na ngayon niyo lang ako nakita...nasa abroad kasi ako...kasama ng asa ko"

"Ok lang po iyon" magalang ko sabi.

"Nako hija call me Tita Breanna" sabi niya sa akin."di nato kailangan ng Kuya mo kilala niya na ako. Dahil nakapag VC kami nito"

Bumaling ako kay Kuya. Pagkatapos kay Tita.

"Balik kayo rito hija...may ibibigay ako sayo"

Thy Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now