Lumabas ako ng kwarto ko upang bumalik sa kwarto ni Mamay. Dahil pinapabihis mo na ako ni Breah. Bago niya ako make-upan. Pagkapasok ko ng kwarto. Natigilan ako habang nakatitig kay Mamay. At namangha sa ganda nito. I've never seen Mamay like this in my entire life. Lagi ko siyang nakikitang nakasuot ng simple. Pero ngayon, wala akong masabi kong hindi ang ganda ng Mamay ko. Para siyang milyonarya. Dahil sa tindig at postura niya. Wow! manang-mana talaga ako kay Mamay.
"May, you're so beautiful!" mangha kong ani.
Napangiti naman si Breah.
As in, ang ganda ng Mamay ko. Fit na fit niya ang dress niya. Ang buhok niya ay nakapusod pababa. At may ilang hibla ng buhok sa may patilya niya. Na kinulot ito. At tsaka simple lang ang make-up niya. At naka red lipstick rin siya. Samahan din ng kwentas na kumikinang, bracelet, earings, at tsaka singsing. Just wow! mas lalo rin siyang tumangkad sa heels na sinout niya. Mas lalong nakita ang flawless niyang balat. Dahil above the knee ang dress niya.
"Pinilit niyo akong ipasuot ito, nakakahiya!"
"Ang ganda niyo nga eh!" pagtama ko.
"Oo nga Ma!" dagdag naman ni Breah.
Tumawa lang si Mamay at umopo sa kanyang kama. Tsaka dinampot ang aking cellphone at nag selfie! Sa akin pa talaga ang cellphone ha?
Pero kinalabit ako ni Breah. At pina-upo, tsaka sinenyasan niya akong hayaan ko na raw. Kaya hinayaan nalang namin si Mamay. Kahit ang jeje niyang mag selfie. Hay mga mothers talaga.
Di rin nagtagal ay natapos na akong ayusan ni Breah. Dahil light make up lang ang sinabi ko. Kinulot niya ang buhok ko. Dahil ayokong taliin ito. Lumabas na rin si Breah upang pupunta sa kwarto nila Kuya. Upang makapag-ayos na rin siya.
Tumayo ako at tiningnan ang kabouan ko sa salamin. I'm wearing a simple floral dress, off shoulder rin ito. And a suede sandals na kulay krema. Umikot ako at bumuka ang dress ko. Napangiti naman ako dahil ang ganda ko hihihi.
Nang matapos na kaming lahat. Sabay-sabay na kaming lumbas ng bahay. Naka tux rin si Kuya ngayon. At si Bree naman ay naka pink na dress ang cute niya. At may flower crown pa. Si Breah naman ay nakasuot ng fit na royal blue na dress at naka high heels. Takte! Mukhang dalaga! Naka royal blue rin na necktie si Kuya. Ang gwapo ni Kuya. Mukhang businessman char langs!
Sumakay na kami sa sasakyan ni Kuya. Nasa backseat kami ni Mamay. Si Breah at Bree naman ay nasa front seat katabi ni Kuya. Pinaandar naman ni Kuya ang sasakyan. Kaya nagsimula na akong kabahan. Pero nawala dahil panay selfie ni Breah at sinali kami ni Mamay. Namangha ako kay Mamay dahil mas lalong nawala ang mata niya dahil sa singkit niyang mata. By the way my great-grandfather is a pure blood chinese. Kaya siguro namana namin kay Mamay ang singkit naming mata.
"At last we are here!" pagpaparinig ni Breah sa akin.
Nasa tapat na kami ng isang garden resort. Dahil dito gaganapin ang party ni Kim. Andami ring nakaparadang sasakyan sa parking lot. At rinig na rinig mo ang sounds sa loob. Mas lalo akong manlamig at at napalunok dahil sa kaba.
"Just calm down! huwag kang magpapahalata!" bulong ni Breah sa akin.
Tumango lang ako. Gusto ko mang bumalik pero kailangan kong harapin sila lahat!
"Let's go?" anyaya ni Mamay.
Na shock ako sa inasal niya. Is that you Mamay? Napangiti lang si Breah at sumunod kay Mamay. Kaya dali-dali ako sumunod at pumwesto sa gilid ni Mamay.
YOU ARE READING
Thy Childish Girlfriend
Teen FictionA love story of a highschool lover who didn't end up together. But they will leave a mark on your heart. Zaya and Kim's story has a happy start but will have a sad ending. What will be the reason behind it? Will Kim and Zaya end up together? Or not?
