Chapter 6: Mine

266 20 69
                                    

Angeline POV

Who would've thought that defeat would taste this sweet?

Nang matapos ang pageant, people weren't satisfied with how rude they welcomed the winner. Umalis na nga silang lahat nang hindi pa tuluyang ina-award ang korona kay Xyza, nag-rant pa sa social media!

Puro bashings ang natanggap ni Xyza and all the sympathies go out for me. Oh, goodness! I swear it's everywhere. Na-flood nga din ang friend requests ko at message requests. Dumami din ng lubusan ang mga followers ko.

"Kailangan pala lolo mo ay governor at president ng university. This year, masyado ng halata yung daya niyo. #justsaying" sabi ng isang schoolmate namin sa twitter.

"Before, students were scared to react to the crowning of Miss University since we know how powerful the winner's family is. But this year, it has been dreadfully obvious that she should have not been the winner." naka-IG story sa isang kilala din sa university namin.

"Akalain mo yun? Kahit maganda ka naman at sobrang swak pa ng sagot mo, matatalo ka ng nakakasawang favorite apo ni Gov." hirit pa ng isa.

I'm enjoying myself too much by reading all the reactions. I can't believe all the support given to me! I found myself giggling at how they bashed Xyza and mocked how she win.

Karating ko sa school ng kasunod na araw, bumati sa akin di lang ang kaklase ko, kung hindi iba din mula sa ibang course at hindi ko pa ka-batch. May mga nakipag-close sa akin at sinabi na gusto daw ako maging kaibigan kaya hindi nako umupo ulit kasama sina Ryle at Xyza.

Not like I have been seating with them lately, anyway. Masyado ako naging abala sa pageant kaya hindi narin ako nakakasama sakanila tuwing lunch. Besides, di na din kami naguusap ni Xyza simula nung nag-start ako mag-training para sa pageant.

After all, si Ryle lang din naman ang rason kung bakit ko tinitiis na umupo kasama nila. I could not resist not sitting with him and having a glimpse of his face.

Umupo kami ng mga kasama ko sa medyo labas ng cafeteria. Puno ang table namin, di gaya noong kasama ko pa sina Ryle at palagi kami lang 3 ang nakaupo doon.

"Buti nalang pumayag ka makipag-lunch kasama namin, Angeline. Ang tagal kana namin gusto ayain e, kaso nahihiya kami. Buti nalang pala talaga na-pageant ka. Pero hindi ka naman nalungkot na natalo ka?" usisa ng isa.

"Not really." I said honestly.

Weirdly, everyone in the table clapped for me and some even hugged me.

"See! That's how a real queen is. I bet you guys, kung si Xyza yung natalo, sigurado ay magi-iskandalo 'yun!" sabi pa ng isa.

"Lolo, can you like, make me the winner? Why wasn't I the winner? Life is so unfair!" sabi ng isa, tila ba parang ginagaya si Xyza.

Dahil sa pangagaya niya sa whiny at pabebeng voice ni Xyza, di ko na din matigilan na makitawa sa iba. Sobrang napalakas ata ang tawanan namin.

"Hmm.. speaking of the devil." pabulong ing isa naming kasama kaya naman napatigil kami sa aming tawanan.

A few tables away from us is Xyza and Ryle together, as usual. However, this time, it's kind of different. Busangot na busangot ang mukha ni Xyza at parang sinisigawan si Ryle.

Ruining HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon