Chapter 19: Good Riddance

275 27 15
                                    

Angeline POV

One way or another, I always knew this day would happen.

Paano nga naman ako mapapanatag kapag bumabalik kami ni Ryle sa Pilipinas e nasa bansang iyon ang tanging babaeng minahal niya bago ako?

Mas lalo ako naasar dahil nabalitaan ko din sa mga nag-train sa akin para sa Miss University na si Xyza daw ay nagtra-training sakanila at isasabak na daw nila para sa Binibining Pilipinas.

Just what would happen if Ryle would watch that! Lalo na't kung manalo siya at baka puntahan niya pa kami sa Australia. Tsss.

Madali kong tinawagan muna ang mga maids na nasa bahay namin sa Manila para bantayan si Lars na natutulog pa din ng mahimbing sa kaniyang kwarto.

With Ryle gone, I could only imagine the worst! Baka makipagkita uli kay Xyza at kung ano pa ang mangyari.

Mabuti nalang at may connections ang pamilya ko sa isang high-end na private agency dito sa Manila. One call to them under an anonymous name, may pinasundan na sila kay Ryle and at the same time, pinahanap ko na din ang address ng Xyza na iyon.

Buti nalang at reliable naman ang agency na iyon at walang pakialam sa mga tinatanong ng clients nila. Afterall, they work dirtier for politicians and drug lords. Di ko nga alam kung papaano nagkaroon ng connection si Mommy sakanila. She really is a great social butterfly, huh.

"Good afternoon, Ma'am/Sir. This is a message from the Private Bureau. We have identified Ryle Tristan to be drinking with Wren Tristan in Bar 86. We will be sending more emails for further updates." basa ko sa email galing sa agency.

Kahit pa kasama niya talaga si Wren, di parin ako mapanatag. In no time, sumugod ako sa bahay ni Xyza.

"'Mag-log lang po kayo dito, Ma'am." sabi sa akin ng security guard that didn't even look professional at all.

Nilagay ko ang isang fake na pangalan at sinabi na ang dahilan ko sa aking pagbisita ay para lamang mag-inquire. The security guard looked half-asleep and didn't seem to care at all, actually.

Habang naglakakad ako, napansin ko na kaagad at wala namang security camera. Really... why would she even dare live in such a filthy and low-class place? 

I scoffed as I finally knocked on her door. Pero ilang minuto pa bago ako pagbuksan ng puta na iyon.

One look at her swollen eyes and pale face, I knew she had been crying. Para saan!? Matagal na silang tapos ni Ryle! For all I know, baka magmakaawa pa siya kay Ryle at mapilitan niya talagang bumalik sakanya.

Hinding hindi ako papayag! Sa akin lang si Ryle!

"Huwag!" huling sigaw niya.

I guess her scream wasn't loud enough, huh. Ang nakita kong vase na nasa table niya ay ginamit ko para ihampas mismo sa kaniyang ulo.

There was blood. A lot, a lot of blood.

Dumugo kaagad ang ulo niya at tuluyan na siyang nahiga sa sahig na puno ng kaniyang dugo. Honestly, I panicked a little but the desire to completely get rid of her out of our lives ignited more. This is the only way she'll be out! For sure and forever!

Ruining HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon