YUNA'S
This day is the birthday of Soobin's mom and magpapaparty sila and I'm invited. It's 2:35 and I am here, nahihirapan sa damit na aking susuotin. Dapat presentable ako sa magiging mother-in-law ko, charot lang hehe.
"Ano kayang bagay sakin, eto o eto?" di talaga ako makapagdecide. Tanungin ko kaya si mama. "MAAAAA!" sigaw ko. "Ano?" tanong niya. "Alin ang mas bagay sakin, etong black na dress, o etong white?" di talaga ako makadecide puta. "Kahit pajamas nalang isuot mo, okay na yun." at tinalikuran niya ako. Ang laki ng tulong mo ma, grabe.
"Etong white nalang bahala na." at sinuot ko na ang puting dress. Naglagay rin ako ng light makeup para at least magmukha akong tao. "I'm done." naghihintay nalang ako kay Soobin hehe, susunduin niya ako eh.
• • • • ❖ • • • •
May bumubusina na sa labas, si Soobin na siguro yun. "Ma, una nako." sabi ko kay Mama. "Basta nak, wag gagawa ng bagay na ikapapahamak mo ah. Mag-ingat ka." sweet talaga ni Mama. I hugged her bago umalis sa bahay.
At nasa labas na ng kotse si Soobin, and he look presentable as hell. Gwapo niya kapag naka suit, at same pa kami ng color ng damit, white.
"Mukha tayong ikakasal ah." biro ni Soobin. Sinapak ko siya. Pero ang totoo, kinilig talaga ako. "Halina, hinihintay kana ni Mom." at pinagbuksan niya ako ng pinto. Gwapo na nga, gentleman pa. Excited nako, I'm gonna meet Soobin's mom.
• • • • ❖ • • • •
"We're here." ani ni Soobin.
Bumaba nako sa kotse at di ako makapaniwala sa nakikita ko, nasa harapan ko ang isang napakalaking mansion. OMG, ang yaman pala netong lalaking to.
Pumasok na kami at bumati ang mga bisita kay Soobin, so bumati rin siya. I'm here, parang timang na di nagsasalita.
Syempre, it's my first time sa mga ganitong party. Yung mga party kase namin, simplehan lang. Yung tipong spaghetti, fried chicken at pansit lang ang handa. Pero dito, may pa buffet pa. Ghad, I don't belong here.
Huminto na kami sa paglakad kaya bumalik nako sa realidad. Andito sa aming harapan ang isang magandang babae, ate niya siguro to.
"Mom, this is Yuna. Yuna, my mom." whatttt the actual packing tape. Nanay niya yan?!! Hala napagkamalan ko pang ate niya. Ang bata ng itsura, di mo aakalahing nanay na siya. "Uhmm hi po." at nagbow ako. Feeling koreana ang puta.
"It's nice to finally meet you. Lagi ka kasing kinukwento sakin ni Soobin eh. At ang ganda mo pala sa personal." sabi niya. "Btw, I'm Cristine Choi, Soobin's Mom. You can call me Auntie Cristine, pero mas prefer ko mom." my ghad, is this truelala??! "Sige po, m-mm-mom" nauutal na sabi ko. "The food is ready, bat di umano ay kumain na kayo. I'll just entertain the guests. Soobin, ikaw na bahala sa kanya." and she left us.
Pumunta kami sa isang table kung saan nandun sila Yeonjun, Taehyun, Beomgyu at Kai. "Noooona!" bati sakin ni Yeonjun. "Aba mas matanda ka kaya sakin gago HAHA." nakakatawa naman kasi to si Yeonjun eh. "Kumain na nga lang tayo." sabi ni Soobin. And this is the time, KAINAN NAAAAA!
Habang kumakain kami, bigla namang nag-excuse si Yeonjun. "Uyy una nako, kailangan ako ni Chelsea my labs eh. Byeeeeee~" paalam niya samin. Ghad, kailan pa yun naging ganon sa babae. Wag mo sabihing uunahan niya kami ni Soobin? Di pwede! Mas una itong series nato kaysa sa series ni Yeonjun!
(a/n: spoiler alert! spoiler alert!)
"Nakakapanibago yun ah." sabi ko. "Gusto mo ganon rin tayo?" tanong ni Soobin habang nakangiti. Tangina, yeesssss babe. Yess. "Hinde ah." palusot kapa Yuna, sige. Parang kamatis nako dito, ang pula ko na eh.
Tapos na kaming kumain at hinila ako ni Soobin na parang dadalhin niya ako somewhere. Di ata napansin nila Kai, Beomgyu at Taehyun. Kain nang kain eh.
"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko. "Sumama ka nalang. Akong bahala sayo." parang sa teleserye lang ah. Hawak niya pa ang kamay ko. Ghad, kinikilig ang bruha.
Huminto kami dito sa gitna ng parang garden. Ang lawak ng garden nila ah. "I know na sandali palang tayo nagkakilala. Konti palang ang araw na tayo'y magkasama, pero parang kilalang-kilala na kita." wait?! Is this a confession? Kasi kung oo, well di ako ready ha! "You remember kahapon, yung sinabi kong you make me happy, totoo iyon. You make me happy, even just by little things. Di ko mapigilang ngumiti pang andyan ka. You make my life more colorful. Kung sa tutuusin, you seem like a missing piece of a puzzle, a puzzle to my heart." nakatulala lang ako sakanya. I'm like, is he serious?! His face seems like it.
"I know that this is too early since we've just met a couple of days ago. But I think I've fallen for you, Yuna. I-I like you." Is this true? Gusto niya ako? Literal na napanganga ako dito, as in yung mala balyena na bibig. "I'll just ask for one thing-"
let me love you, Yuna Kim.
BINABASA MO ANG
𝐏𝐇𝐎𝐁𝐈𝐀 | Tomorrow Series 1
Fanfiction𝐏𝐇𝐎𝐁𝐈𝐀 [fow·bee·uh] 𝙣𝙤𝙪𝙣 ➥ an extreme or irrational fear of or aversion to something. Kim Yuna, a girl who appears to be normal, actually possess lots of different phobias. Having the fear of almost every single thing, both minor and...