SOOBIN'S
I want to visit her badly, pero di ako pinapaalis ni Candice sa tabi niya. Nakakairita nga eh. "Wag mo na siyang puntahan, dito ka nalang sa tabi ko." maghahanap nalang ako ng tiyempo para makatakas sa kanya.
"Gusto ko mag-cr. Samahan moko, please?" wtf? pati pag-cr kailangang magpasama. Wait, I can use this moment to escape. "Sige sige, no problem." at sinamahan ko siya papuntang cr. "Dito lang ako sa labas, maghihintay ako." sabi ko at kunwari maghihintay sa labas. "Sige." saad niya bago pumasok.
Nung nakasigurado na akong nasa loob na siya ng cr ay unti-unti akong kumaripas ng takbo at nagpara ng taxi papunta kay Yuna. Dali lang pala takasan nung babaeng yun!
"Sorry kung medyo matagal ako s- Soobin? Nasaan ka?" nagtatakang tanong ni Candice sa biglaang pagkawala ni Soobin.
Dali-dali akong tumakbo papunta sa room ni Yuna. I miss her so bad. Dahan-dahan naman akong pumasok sa room ni Yuna at nadatnan ko namang nakaupo si Yeonjun sa isang upuan, binabantayan si Yuna.
Nagulat siya nung nakita ako, pero agad naman itong napalitan ng mukhang walang ekspresyon. Mukhang galit pa rin si Yeonjun sakin.
"Yeonjun.." mahinang tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sakin kaya pinaliwanag ko na sa kanya- ang lahat. "Sorry kung naglihim ako sayo, sainyo. Ayaw ko nang madamay pa kayo sa problemang dinadala ko." yumuko naman ako at hinihintay ang sagot niya sakin. I heard a soft sigh.
"Alam mo Soobin, napatawad na kita. Napatawad ka na ng buong tropa. Pero si Yuna, di ko alam. Masyado siyang nasaktan sa mga nakita't nasaksihan niya. Sana ayusin mo'to, yun lang ang hiling ko sayo." sabi ni Yeonjun at tumungo lang ako. "Maiwan na kita dito dahil alam kong gusto mo siyang makausap. May pupuntahan lang ako saglit kaya ikaw muna ang magbantay sa kanya. Una na'ko." sabi ni Yeonjun bago lumabas ng kwarto.
Umupo naman ako sa upuan kung saan nakaupo si Yeonjun kanina at hinawakan ang kamay ni Yuna. Tagal ko nang gustong gawin to, pero di pwede. Ang tagal ko nang gustong iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya, pero di pwede.
"Balang araw, ipaglalaban na kita. Ipapakita natin sa kanila kung gaano natin kamahal ang isa't-isa. Basta maghihintay ako hanggang sa magising ka, kahit gaano pa katagal. Andito lang ako- laging nasa tabi mo." halos mangiyak-iyak na sabi ko. Shet, ba't ba ako umiiyak? Hinaplos ko naman ang kanyang kamay at hinalikan ito. Hinalikan ko rin ang kanyang noo. Hinihintay ko nalang na bumalik si Yeonjun, tapos aalis nako. Kaya susulitin ko na ang mga oras na naririto ako. I just smiled and watched her quietly.
I hope you wake up, soon.
CANDICE'S
I heard it, I heard it all. Naiiyak akong pinakikinggan siyang kinakausap ang walang malay na katawan ni Yuna. I knew it, I knew this would not work from the very beginning-
he wouldn't love me like I do.
BINABASA MO ANG
𝐏𝐇𝐎𝐁𝐈𝐀 | Tomorrow Series 1
Fanfiction𝐏𝐇𝐎𝐁𝐈𝐀 [fow·bee·uh] 𝙣𝙤𝙪𝙣 ➥ an extreme or irrational fear of or aversion to something. Kim Yuna, a girl who appears to be normal, actually possess lots of different phobias. Having the fear of almost every single thing, both minor and...