𝐏𝐇𝐎𝐁𝐈𝐀 ; 20

442 36 19
                                    

SOOBIN'S

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SOOBIN'S

Andito kami ngayon sa ospital dahil naaksidente si Yuna. Tangina, kasalanan ko'to. Kung sinabi ko sa kanya ang lahat ay di mangyayari 'to.

"Ikaw ang may kasalanan nito eh!" at sinuntok ako ni Yeonjun na siyang ikinatumba ko. "Dahil sayo kaya naaksidente si Yuna! Dahil sayo kaya siya nasaktan ng sobra! Pero ikaw, kasama mo lang yung Candice na yun! Punyeta, pinagpalit mo na kami tol, pati rin si Yuna! Ano bang nangyayari sayo Soobin ah?! Ano ba sa tingin mo ang ginag-"

"Nakasalalay sakin ang buong kompanya, Yeonjun! Nalulugi na kami! Kaya gusto nila na iarrange marriage ako kay Candice para maging maayos ang kompanya. Oo, mahal ko si Yuna! Nasasaktan rin ako sa mga nangyayari, Yeonjun!Pero wala akong magagawa. Ayaw kong mamoblema sina Mom nang dahil sakin. Sakin nakadepende ang magiging future namin!" saad ko na parang maiiyak na. "Ayaw mo bang kahit ipaglaban man lang si Yuna?" tanong niya. Kung pwede nga lang, pero hindi eh. "Iwanan muna natin siya, Yeonjun. Hali na." yaya ni Beomgyu at iniwan na nila akong mag-isa.

Pumunta naman ako sa labas ng ICU at tinitigang mabuti si Yuna. Pumayat siya, nawala na ang kanyang chubby cheeks na pinanggigigilan ko dati. Ang laki na rin ng eyebags niya, puyat siguro lagi. Ang daming tube ang nakaconnect sa kanya. Nakita ko namang palabas na ang doktor sa kanyang kwarto.

"Musta naman po siya doc?" nag-aalalang tanong ko. "Malala ang fracture na kanyang nakuha from the accident, but she's doing fine. Medyo nawalan siya ng dugo, but we are doing our best to heal her. We'll just wait for her to wake up. Excuse me." sabi niya bago umalis.

Tinignan ko naman siya ulit. "I love you and I'm sorry." bulong ko na sana'y marinig niya. I want to hug her, kiss her, cuddle with her, but I couldn't. Lalo na't marami akong kasalanan at pagkukulang sa kanya. I hope you wake up soon and-

I'll explain to you everything.

𝐏𝐇𝐎𝐁𝐈𝐀 | Tomorrow Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon