Chapter 2

4 1 0
                                    

Pagkabalik ko ng opisina pinaasikaso ko kay ria ang mga mag sasaka sa batangas at ang mga labi ng mga wonder pets ni king kong at kasama na sya. Pagod kong isinandal ang likuran ko sa swivel chair pero imbis na magpahinga ako ay  ipinaikot ikot ko ang swivel chair hanggang sa mahilo ako huminto na ko.

'Nababaliw na ko tss'

Wala sa sarili kong binuksan ang chitchirya na nasa harap ko at saka ako kumain. Habang kumakain ako naisip ko yung mga pinagdaanan namin nung bata pa ako.

Noong bata pa ako mahirap lang kami, mga hampas lupa ang tingin  ng mga mayayaman sa amin noon. Lalo na kapag nanghihingi kami ng tulong nandyan palagi ang mga mayayaman para kunwari tutulong sila pero ang totoo napipilitan lang sila. May pa post post pa sa social media na 'We help people' '#Ambabaho ng mahihirap pero keri lang yan basta makatulong' isang malaking pakyo sa inyo. Tumutulong nga kayo pero hindi naman buong puso halatang mga ayaw sa mahihirap miski madapuan lang ng alikabok halos magka epilepsy na sa sobrang pandidiri tss.

May pagkakataon pa nga na pinasabugan nila ang lugar namin. Maraming namatay ang mga kaibigan at kababata ko noon nasama din sa mga namatay. At kaya nila pinasabugan ang lugar namin dahil gagawin ito na factory pero hindi pumayag ang mga tao at kami din hindi pumayag na gawing factory ang lugar namin.

Kaya simula non namulat ang kaisipan ko noon na ang ibang mayayaman ay puro maarte at puro kaplastikan lang ang alam. Noong yumaman kami? Si mama at papa ang dahilan kung bakit kami yumaman at kung bakit kami ngayon ang pinaka mayaman sa pilipinas. Nagsikap ang mga magulang ko para sa kapakanan namin. Di nagtagal nagkaroon na kami ng sarili naming kumpanya. Mga ibat ibang negosyo sa ibat ibang sulok ng mundo.

May kapatid ako si Ate Yena sya ang panganay at ako naman ang bunso. May asawa na si ate at may anak na din sya si kurk. Lupet ng batang yun e spoiled na spoiled ng mga magulang at ni mama at papa pero ako hindi, ayoko ng ganon. Sya din yung mahilig sa water gun at salamat sa water gun nya kasi nagamit mo yun sa tauhan kanina ni king kong pero nagtataka ako matapos ko syang pisikan ng water gun sa mata bigla nalang syang napa 'aww' ng bongga e tubig lang naman yun e. Tsk nasobrahan ata sa emosyon yon naging OA masyado.

Sumapit na ang gabi kaya naman uuwi na ako sa bahay para makapagpahinga na.

Pagkasakay ko sa kotse ko. Pinaharurot ko to ng bonggang bonga, feeling mo nga pwede na akong maging car racer e kaso bawal baka madisgrasya ako wag nalang.

Nasa kalagitnaan ako ng pag dadrive ng biglang may bumangga sa gilid ng kotse ko. Tinignan ko kung sino ang lintek na banggaero na yon pero masyado syang mabilis at talagang ikinakaskas nya
ang kotse nya sa kotse ko iba din!

Di pa nakuntento mas lalo nya pang kinakaskas yung kotse nya sa kotse ko.

“King inang banggaero yan!” inis na sigaw ko pa sa loob ng kotse ko habang pinapabilis ko ang pagmamaneho ko.

Mabuti nalang at wala gaanong sasakyan dito sa daan na to. Mabuti naman at walang madadamay.

Tinawagan ko si ria at humingi ako ng back up at agad naman syang rumuspinde.

'Malaman ko lang talaga kung sino ang nagmamaneho dyan sa dilaw na kotseng yan ipanalangin mo sana na iligtas ka ni bamble bee yung sa transformer.'

Binuksan nya ang bintana ng kotse nya at ganun din ako.

“Hoy black car!” sigaw pa nya sa akin at naaninag ko kung anong klaseng nilalang ang nagmamaneho ng dilaw na kotse.

'Jejemon amp!'

“Hoy ka din yellow car!” sigaw ko pa.

Nag nagmamaneho pa din ako at ganun din sya. Para kaming nag tatalk air dito e.

“Ikaw si Yura Riago diba?!” sigaw pa nya sa akin at kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya.

Pano nya nalaman kung sino ako?

“Oh eh ano naman?!” sa totoo lang buset na buset na ko kanina pa. Kinakaskas na nga kotse ko nalaman pa kung sino ako.

“Ikaw ang pumatay sa kuya ko! Si kuya Kong!” this time napanganga ako ng bongga pero syempre tinikom ko agad ang bibig ko baka mamaya tangayin ng hangin tong laway ko mahirap na baka ma turn off tong jejemon na to saken.

“Si king kong?” maang maangan ko pang tanong pero nakita kong sumeryoso ang mukha nya at sumeryoso di ang mukha ko. Gaya gaya kasi ako.

“Pinatay mo ang kuya ko! Anong kasalanan nya sayo ha?!” galit na sigaw pa nya habang nagmamaneho.

Medyo malayo pa ang subdivision namin kaya matatagalan pa ako dito sa jejemonado na to.

“Mamatay tao rin ang kuya mo di mo ba alam?” patanong ko pa sa kanya pero hindi sya nagpatinag tinigasan nya ang mukha nya tsk!

“Alam ko pero bakit mo pinatay ang kuya ko?!”

“Kasalanan ng kuya mo kung bakit sya namatay, at wala akong balak na magpaliwanag sayo tinatamad ako!” inis na sigaw ko pa sa kanya.

“Eh kung ganon papatayin nalang kita!” nagulat ako ng maglabas sya ng baril at pinaputukan ako ng sunod sunod.

“King ina kang jejemon ka!” gigil na mura ko pa sa kanya.

Mabilis kong inihinto ang sasakyan at ganoon din ang ginawa nya.

Mabilis nyang itinutok ang baril nya sa akin pero di ako nagpatinag nanatili lang akong nakatayo sa harap nya.

“Paalam sayo Ms. Riago” sambit pa nya at ngumisi ng todo sa akin.


Don't Mess MeWhere stories live. Discover now