Pagkapasok ko sa opisina ko ay dali dali kong binuksan ang laptop ko para gawin ang trabaho ko. Nakailang absent na rin kasi ako kaya kailangan na tapusin ko na lahat ng dapat kong tapusin. Isa pa mahalaga sa akin na matapos ko lahat ng gagawin ko para kahit papano ay may panahon ako para sa mahihirap.
Sa ngayon ay wala pang update sa akin si Ria. Maayos naman daw ang kalagayan ng iba, payapa silang nabubuhay at ang iba naman ay hindi. Financial ang pinoproblema ng iba, oo bibigyan ko sila ng pera pero nung nabalitaan ko na kaya hindi sila nagkakaroon ng trabaho dahil ayaw nilang maghanap. Naka tambay lang sa kanilang bahay at nag aantay na may dumating na grasya. Hindi pwede sa akin yon. Ang gusto ko paghirapan muna nila ang perang gusto nilang makuha.
Habang nag tatype ako dito sa laptop ko ay may biglang kumatok sa pinto.
“Come in” sagot ko at bumalik ulit sa pagtitipa.
“Ms. Riago may naghahanap po sa inyo sa baba” inangat ko ang ulo ko para tignan sya.
“Tell that im busy” sagot ko pa. Wala akong pakialam kung magalit ang kung sinong naghihintay sa akin. Ang alam ko lang para lang sa business ang pinunta ng mga yon dito.
“Nasa labas po ng building natin yung naghahanap po sa inyo, nagmamakaawa po na sana kausapin niyo daw po, may mga anak po syang dala, ang dudungis po pero kailangan daw po kayong maka usap.” paliwanag pa nya.
Wala pang isang segundo ay tumayo na ako.
“Okay lets go” pagkasabi ko ay mabilis na akong lumabas at sumakay ng elivator.
Pagkarating ko sa baba ay naabutan kong umiiyak ang isang ginang. Nagmamakaawa sya sa guard, napatingin naman ako sa mga anak nya na kulang nalang ay kainin na nila ang damit nila dahil sa gutom.
Naramdaman kong nag iinit ang sulok ng mata ko, naawa ako sa kanila hindi ko pa man alam ang dahilan kung bakit sila nandito ay naawa at nalulungkot ako bigla.
Bago pa tumulo ang luha ko ay mabilis ko na itong pinunasan saka ako pumunta sa labas.
“M-ms. Riago! Salamat naman po ay pinuntahan niyo po kami dito. Nagmamakaawa po ako ma'am tulungan niyo po kami, ilang araw na po kaming hindi kumakain, nangungulila din po kami sa asawa ko na namayapa na. Pinapatay po sya ng may ari ang lupa namin dahil ayaw pong pumayag ng asawa ko na m-mawala sa amin ang lupa namin. Parang awa niyo na po. Kahit yung mga anak ko nalang po ang tulunan niyo basta po mabuhay lang po s-sila” humagulgol ang ginang sa harapan ko. Hindi ko kinakaya masyado na akong nasasaktan lalo na sa mga anak nya.
“Tumayo na po kayo dyan. Tutulungan ko po kayo, pakiusap lang po wag na po sana kayong umiyak” sagot ko pa sabay punas ng luha nya.
“M-maraming salamat po! Maraming salamat po”
“Walang anuman po” nakangiting sagot ko pa sa kanya.
Lumingon ako sa likuran ko.
“Mae, halika rito” tawag ko pa sa sekretarya ko at dali dali naman syang pumunta sa akin habang nagpupunas ng luha.
“H-hehe ano po yun ma'am?” natawa naman ako sa kanya dahil tumulo ang sipon nya habang kinakausap nya ako.
“O-opps!” sagot ko pa dahil nasalo ng panyo nya ang sipon nya.
“Pfft” pagpipigil ko pa ng tawa.
“Ate tulo sipon po kayo hahaha!” napatingin ako sa nagsalita. Anak sya ng ginang at ang cute cute nya dahil tumatawa sya.
“Hehe ikaw talaga na bata ka, ikaw nga may kulangot sa gilid ng ilong mo e hahaha!” sagot pa ni Mae
Lihim naman akong natawa pero pagkatapos non ay ipinaasikaso ko na sila.
Si Mae na ang bahala sa kanila at sinabi ko na rin ang dapat kong iutos kay Mae. Matagal ko ng sekretarya si Mae, mabait sya sobra. Isa rin sya sa mga pinagkakatiwalaan ko. Magkasing edad lang kami at halos araw araw nga ay kami ang magkasama. Lahat ng trip ko e sinasabayan nya rin.
Umalis na sila Mae kasama ang mag iina at ako naman tumayo na para pumasok sa loob. Madami pa kasi akong gagawin sa opisina ko at kailangan ko na yung tapusin agad kundi sermon na naman ang aabutin ko.
“Ma'am may nagpadala po ng lunch niyo si Ms. Ria” sabi pa ng guard sa sa akin. Tumango naman ako.
Papasok na sana ako sa loob ng may maramdaman akong tumama sa balikat ko. Literal akong napahinto dahil inoobserbahan ko pa at dinadama ko kung ano ang tumama sa balikat ko.
Bala.
Bala ng baril.
“M-ma'am may tama po kayo sa balikat niyo!” sigaw ni kuya guard habang nilalapitan nya ako.
“Alam ko kuya”
“Maam wag po kayong pilosopo may tama kayo ng baril”
“Alam ko nga kuya! Wag kang maingay!”
“Ahh okay po s-sige” nag aalangan pa syang sumagot sa akin.
Napapikit ako sa sakit. First time kong matamaan ng bala ng baril at masasabi kong masakit nga. Sobra.
Humarap ako para tignan kung sino ang bumaril sa akin. Wala akong nakitang kahit anong may hawak na baril. Kahit na nanghihina ako ay pinilit kong obserbahin ang paligid ko.
Sa pag oobserba ko ay naramdaman ko na namang may bumaril sa tuhod ko at this time tinignan ko kung saan ang direksyon galing ang bala. Hindi ko na ininda ang mga tama ko ang mahalaga malaman ko kung sino o kung saan naka pwesto ngayon ang bumaril sa akin.
Napatingin ako sa man whole sa may bandang gilid ng building na to. Nakataas ang takip ng man whole, may naiinag akong mga mata ng tao at bibig ng baril dahil natamaan ito ng sikat ng araw.
Mukhang alam ko na kung saan naka pwesto ang bumaril sa akin. Nag effort pa talagang pumasok sa man whole para lang mabaril ako.
Kagatin ka sana ng daga dyan inamoka.
Walang sabi sabi na binunot ko ang silencer ko na nasa bulsa ko at binaril ang tao na nasa man whole.
“Maam okay lang po ba kayo?” tanong pa sa akin ni kuyang guard, kasama nya na ang iba pang mga guard.
Maya maya lang ay napapikit ako dahil sa sobrang sakit at pagod.
YOU ARE READING
Don't Mess Me
AksiyonIf you mess my life, i'll make sure that you're fvcking life will be mess to. - Written by: erixxxa