Pinaikot ko ang ballpen sa mga daliri ko habang iniisip ko ang nangyari kahapon.
Hindi ko pinaalam sa mga magulang ko ang nangyari sa akin kahapon lalo na kay lolo sesermunan na naman ako non ng bonggang bongga daig pa si mama kung manermon pero mas lalong ayaw kong ipaalam kay mama kukurutin ako sa singit non kahit na malaki na ako siguradong gagawin nya padin saken yon, may tama na nga ako ng bala kukurutin nya pa ako sa singit ano yon dagdag sakit lang?
Di muna ako uuwi sa amin may condo naman kasi ako ipapalam ko nalang sa kanila na pupunta akong cebu para magbakasyon pero ang totoo sa condo lang talaga ako.
Nandito ako ngayon sa condo kong mabaho, di ko pa to nalilinisan e, antgal tagal ko na kasing hindi nakakapunta dito mga isang taon ganon kaya ayan sobrang baho saka sobrang dumi nagmukha na tuloy tong bodega, hindi ko rin naman to pinapalinis mas gusto ko ako ang maglilinis dito tutal ako naman ang may ari nito.
Medyo magaling galing na naman tong mga sugat ko di naman masyadong masakit, bobo kasi yung bumaril sa akin dapat sa ulo nya ako binaril para tapos na diba? Joke lang ayoko pang mamatay saka na.
Hinatid ako kanina dito ni Ria, ayoko sana e kasi kaya ko naman, kaso ang loka ayaw ayokong payagan masyadong mapilit kaya pumayag na din ako sa huli. Ganda nga ng outfit ngayon ni Ria e pang pokpok lang ang peg ganon, pero syempre joke lang naka jogging pants lang naman sya tapos naka black t-shirt o diba ang galing galing nyang pumorma samantalang ako naka oversized shirt lang na hanggang legs lang tapos butas pa ang galing galing parang hindi anak ng mayaman e haha.
“Pasensya ka na talaga dito sa condo ko mabantot na dito e pero wag kang mag alala lilinisan ko naman to” sabi ko pa saka tumayo na ako para kunin ang walis na nasa gilid ng pintuan.
“Ako na maglilinis ma'am! Baka mapano ka” ayan na naman sya ayaw na naman ako pakilusin ayoko namang maging robot habang buhay noh!
“Isa pa talagang kontra saken Ria pepektusan kita ng isang daan dyan makikita mo!” sabi ko pa at nagsimula na akong maglinis.
“Hayy ikaw talaga ma'am kahit kelan antigas tigas ng ulo mo” sabay himas nya pa sa noo ko.
Pinitik ko naman ang noo nya at umaray naman ang gaga kasi masakit daw.
“Malamang! May malambot bang ulo ha? Sesantihin kaya kita?” Pagbabanta ko pa aa kanya.
“Ayy si ma'am di mabiro e hehe tutulungan nalang po kitang maglinis” pagkasabi nya pa ay mabilis syang kumuha ang walis at nagsimula na rin kaming maglinis na dalawa.
Matapos naming maglinis ay sa wakas! Sobrang aliwalas na ng paligid pwedeng pwede ng mag pictorial dito sa sobrang ganda. Kaso bawal ako lang dapat hehe.
Umupo naman muna ako sa gilid para makapag pahinga, kanina pa kasi kami nag lilinis e medyo malaki kasi tong condo ko kaya nahirapan kaming maglinis.
Napatingin ako sa portrait ng bangtan sa may gilid. Army kasi ko e kaya may mga posters, merch at may portrait sila sa condo ko bawal kasi yan sa bahay e pagagalitan ako kala mo naman papatayin sila ng mga posters at portrait ng bangtan ko e hindi naman tsk.
Pinagmasdan ko sila ng maigi, sobrang naiinlove talaga ako lalong lalo na sa asawa kong si yoongi sya lang ang laman ng puso ko pero ang totoo ang laman talaga nito ay dugo,ugat, etc.
May nakita akong gagamba sa gilid ng tenga ni jungkook pinitik ko ng pagkalakas lakas yung gagamba tapos naglaglag sa sahig. Kahit na bias wrecker ko si Jungkook pipitikin ko padin ang gagamba para sa kanya EeeeeeeEe lande! HAHA.
“Ma'am may tumatawag po sa inyo” napalingon ako kay Ria. Tumango naman ako saka kinuha ko ang cellphone ko sa kanya.
Pagtingin ko sa caller ay number lang ang nakalagay, pinag isipian ko muna bago ko sagutin baka kasi joki joki lang tong tumatawag saken e
mahirap na.Pumunta ako ng terrace saka ko sinagot ang tawag
“Hello?” sabi ko pa.
Inantay ko lang na sumagot ang tumatawag saken pero wala dedma ang caller na to.
I-eend call ko na sana kaso bigla syang nagsalita. Boses babae.
“Tingin ka sa baba” utos pa nya.
Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi ng babaeng to pero hindi ko sya sinunod manigas sya dyan.
“Ayoko nga sino ka ba?” tanong ko pa.
“Secret” tss
“Dami mong alam” umirap pa ako.
“I can see you right now” agad naman akong napalinga pero wala naman akong natatanaw na babaeng nakatingin sa akin. Puro buildings lang naman ang nakikita ko.
“Oh e nasan ka?” tanong ko pa habang lumilinga linga.
Hindi sya nagsalita. Pero nagpatuloy pa rin ako sa paghahanap sa kanya hindi kasi ako mapakali baka may mangyaring masama.
Napadako ang tingin ko sa baba at ganun nalang ang gulat ko ng may makita akong isang babae na nakangiti ng wagas at may hawak na telepono habang nakatingin sa akin.
Bigla akong kinabahan.
Pero syempre di ko pinahalata baka mamaya isipin ng babaeng to na mahina ako at duwag tsk.
Saka nakikita ko sya kahit nasa 26th floor ako, nakikita ko sya matalas ang paningin ko lalo na kung nasa malayo ang tinitignan ko. Nakikita ko kung ano ang itsura nya, kilos at lalo na ang pag ngisi nya.
“Got you” sagot nya pa sa akin saka mabilis na ipinutok ang sniper nya sa akin.
Tangina!
Mabilis kong nabitawan ang cellphone ko at napahawak ako sa balikat ko. Natamaan na naman ang balikat ko ng bala, natamaan na nga to kahapon tinamaan pa ulit nakaka loka amputa!
Naramdaman kong dumaloy ang dugo ko mula sa balikat ko hanggang sa bewang ko. Napapikit ako ng mariin dahil sa sobrang sakit. Napuruhan na nga tong balikat ko kahapon naulit na naman.
Mukhang may gusto nga talagang pumatay sa akin pero sige hahayaan ko na muna sila na enjoyin nila ang pag baril baril nila sa akin, tapos pagkatapos non isusunod ko na sila.
Nasa lapag ang phone ko at narinig kong nagsalita ang babaeng bumaril sa akin mula sa baba.
“Unti unti ka naming papahihirapan hanggang sa mamatay ka na hahaha!” sabi pa nya sa akin.
Tumawa ako. “Ulul mag enjoy lang kayo pero wag na wag mong kakalimutan ang sasabihin ko sayo ngayon makinig ka” sabi ko pa sa kanya. “Kapag nalaman ko kung sino kayo ihanda niyo na yang mga organs niyo kasi ibebenta ko”.
“Nagpapatawa ka ba? Ano namang gagawin mo sa mga organs namin hahaha” pang aasar pa nya pero di ako naasar bobo amp.
“Ibebenta ko naghihirap na ako e” sagot ko pa.
“Ikaw maghihirap? E kayo nga ang pinakamayan dito sa pilipinas tapos maghihirap kayo? Pinapatawa mo talaga ako noh hahaha!”
“Hindi ako nagpapatawa sadyang ikaw lang ang kusang natawa” sagot ko pa. “Pero syempre joke lang ang sinabi kong ibebenta ko ang mga organs niyo kaderder kaya yang organs niyo dzuh!” sige lang aasar asarin kita hanggang sa mabwiset ka.
“Kapag nahanap ko kayo wag na wag niyong susubukin na tumakas kasi kapag tumakas kayo papatayin ko kayo. Diba sabi mo kami ang pinakamayan dito sa pilipinas? Edi asahan mo na talagang mahahanap ko kayo, i have my ways kaya wag na wag niyo akong susubukan kasi hindi niyo magugustuhan ang igaganti ko sa inyo” sabi ko pa at ibinagsak ng malakas ang phone ko.
Napasandal ako sa railings ng terrace at ininda ng bongga ang Rama ko sa balikat. Bwiset na yan mukhang magiging kakambal ko na ata ang bala.
YOU ARE READING
Don't Mess Me
ActionIf you mess my life, i'll make sure that you're fvcking life will be mess to. - Written by: erixxxa