“Paalam sayo Ms. Riago.”
Pero yung paalam nya nauwi sa binabawi ko na.
Akala nya siguro ay mababaril nya ako ng ganon ganon nalang. Nagkakamali sya hindi ako basta basta na natatalo.
Agad na sinipa ko ng pagkalakas lakas ang kamay nyang may hawak ng baril at tumilapon ang baril sa may bandang kanal. Ngayon ay napangiwi sya sa sakit pero agad din syang bumawi at sinugod ako bigla.
Dahil sa pagkabigla ko hindi ko namalayan na sinapak nya ako tyan at sht! sobrang sakit at hindi pa sya nakuntento inulit nya ulit ang ginawa nya.
Napaiyak ako pero hindi ibig sabihin na susuko na ako. Kaya kong lumaban kaya ko, hindi ako pinalaki ng magulang ko para maging talunan kaya papanindigan ko yon.
“Ano masakit ba?!” sigaw pa nya at halos mapa takip ko ng bibig ng sa mismong mukha nya ako sinigawan.
“Hoy bat ka nagtatakip dyan ha? Tinatanong kita diba— Aaaaaaah!!!” sinipa ko ang kahinaan nya at ngayon ay namilipit sya sa sakit.
Tumayo na ako at medyo masakit pa din ang tyan ko dahil sa ginawa nya pero hindi ko yon ininda.
“Iba din ang kamandag niyong magkakapatid noh! Ambabaho ng hininga niyo hindi ba uso toothbrush sa inyo ha?!” gigil na sigaw ko pa habang namimilipit sya sa sakit.
Kanina pa eh natestingan na ako ng hininga ni king kong ngayon sya namang jejemonado ang nag testing sa akin! Ano sino na sunod? Kingina.
“Mamatay ka na Riago!” sigaw pa nya sa akin pero hindi ako nagpatinag tumawa lang ako ng peke.
“Bat di ikaw ang mauna ha?” tanong ko pa sabay wisik ng water gun sa mukha nya.
At ayun napa ' AaaAaah!' sya ng bongga at napahawak sa mata. Napansin kong kakaiba ang water gun na to, parang hindi tubig ang nasa loob neto ah?
Muli akong nagsalita.
“Pasalamat ka at water gun ang itinama ko sayo at pasalamat ka kahit papano may konting bait at awa akong nararamdaman sayo pero wag na wag mong sasagadin ang pasensya ko jejemon, hindi mo ako kilala para sagadin ang pasensya ko pangalan ko lang ang alam mo pero you don't know the real me.” seryosong sabi ko pa at agad na akong sumakay sa kotse kong may gasgas na.Pero bago ko pa mapaandar tong sasakyan ko ay nakita ko si ria kasama ang iba kong tauhan at lumapit sila sa akin.
“Sorry nalate kami, hinarangan kami ng mga tauhan ng lalaking yan eh mukhang pinlano nya talaga lahat” pagpapaliwanag ni ria sa akin.
Tumango ako. “Okay lang nakaya ko naman ang isang yan kahit papano” sabi ko pa at pinaypayan ang sarili, pawis na pawis ako hays.
“Kayo na ang bahala sa jejemon na yan, uuwi na ako” pagpapaalam ko pa sa kanya.
“Yes kami ng bahala sa kanya, ingat kayo pauwi.”
“Kayo din. Bye" sagot ko pa at pinaharutot ang sasakyan ko pauwi.
-
Hinawi ko ang buhok ko habang naglalakad papuntang opisina ni lolo. Pinatawag nya kasi ako may kailangan daw syang sabihin sakin kaya naman kahit tinatamad akong pumunta ay wala akong choice kundi pumunta nalang.
Suot suot ko pa ang office attire ko kasi kagagaling ko lang sa opisina ko. Habang naglalakad ako naririnig ko ang mga bulungan ng mga tao dito paligid ko. Ang iba nga ay napapatigil pa sa paglalakad para lang matignan ako ng maayos tsk.
'Sya yung apo ni Mr. Riago diba?'
'Grabe di ko akalaing ganyan sya kaganda nakakatomboy!'
'Sobrang ganda nya!'
'Ang pagkakaaalam ko mabait na tao yan!'
'Ang swerte natin kasi sya pala ang apo ni Mr. Riago'
Lihim akong napairap dahil sa narinig ko mula sa kanila, tsk dapat ay magtrabaho sila hindi puro chismis ang inaatupag.
Pagkarating ko sa opisina ni lolo sinalubong nya ako ng sermon dahil nabalitaan nya ang ginawa ko kahapon at ng mga nakaraang araw. Galit na galit sya sa akin dahil kung ano ano daw ang pinaggagawa ko sa buhay ko puro daw ako tulong ng tulong wala naman daw akong napapala papatayin ko lang daw ang sarili ko.
“Alam mo sa lahat ng apo ko ikaw ang pinakamatigas ang ulo! Hindi ka marunong makinig puro ka pagpapakabayani akala mo naman may mapapala ka dyan! Mamatay ka lang sa pinaggagawa mo mabuti sana kung gayahin mo ang pinsan mong si Jace e, sya business minded at magaling dumiskarte e ikaw? May kompanya ka nga pero puro ka tulong ng tulong sa mga mahihirap mga wala naman yang silbi! Kaya ikaw gayahin mo yang si jace!” sigaw pa sa akin ni lolo.
Napapakit ako ng mariin dahil sa nga salitang binitawan ni lolo sa akin. Paulit ulit na nag sisink sa utak ko ang nga sinabi nya.
At ang ayaw na ayaw ko sa lahat ipinagkukumpara ako sa iba. Ayaw na ayaw ng ganoon dahil pakiramam ko nalalamangan ako ng iba samantalang ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko.
“Lo? Mawalang galang lang po ah pero mali naman po atang pati ang pagtulong ko sa mahihirap e kukuwestyunin niyo. Ang sa akin lang lolo kung ano ang gusto ko sana suportahan niyo po ako hindi yung ikukumpara niyo pa ako sa ibang tao. Ako to lolo, sarili ko to kaya ako na ang bahalang magdesisyon kung anong gusto ko.” mahinahon ang pagkakasabi ko sa mga salitang yon. Alam kong ako ang tama kaya dapat ipaglaban ko ang sarili ko.
“Dont lie to me Yura. Alam kong nagpapasikat ka lang para makuha mo ang atensyon ng mga tao” dahil sa sinabi nya mabilis kong sinuntok ang lamesa ni lolo sa harapan nya.
Gulat na napatigin sya sa akin na para bang di nya inaasahan na magagawa ko ang ganoong bagay.
“Pasensyahan tayo lolo pero sumusobra ka na. Pero may isang tanong ako sayo, bakit ganyan ka sa mahihirap? Bakit parang ayaw mo sa kanila? Galing din tayo sa kahirapan lolo hindi porket yumaman na tayo ay aasta na kayong ganyan!” ramdam ko ang gigil ko sa bawat salitang binibitawan ko sa kanya.
Namamanhid ang kamay ko na punong puno ng dugo dahil nawasak ko ng ganon kadali ang lamesa ni lolo.
Wala akong pake kung mamahalin yang lamesa nya. Nawawalan na ako ng respeto sa kanya.
Bago pa ako mapuno ay umalis na ako sa opisina ni lolo.
YOU ARE READING
Don't Mess Me
AçãoIf you mess my life, i'll make sure that you're fvcking life will be mess to. - Written by: erixxxa