Chapter 4

6 1 0
                                    

“Yura wake up!” naramdaman kong may tumapik tapik sa pisngi ko kaya naman mabilis kong idinilat ang mga mata ko para makita kung sino ang tumatapik.

P-pota?

“Yuraa mabuti naman at gising ka na!” masayang sabi pa ni lia habang niyuyogyog ako.

Si lia best friend ko sya pero di ko inaasahan na nandito sya sa harap ko!

Sa gulat ko ay napatakip ako ng wala sa oras sa dibdib ko. Nakakahiya dahil kagigising ko lang at wala akong suot na bra. Kahit na bestfriend ko pa sya nahihiya pa din ako sa nya, sa mga ganitong bagay na dapat ako lang ang nakakakita.

“Eto naman kung makatakip sa dibdib nya kala mo may makikita e wala ka ngang dede utong lang dzuh!” baliw talaga to kahit kelan!

“Ano ka ba wag ka ngang maingay! Ang lakas lakas ng boses mo!” sabi ko pa habang patungo ako sa cr.

“Sus bakit ayaw mong may makarinig na wala kang dede?!” this time mas lalo nya pang nilakasan kaya kumuha na ako ng gamit na pwede kong ibato sa kanya.

“Isa pa! Tatamaan ka na talaga saken!” sambit ko pa sabay amba ng lotion sa kanya.

“Eto naman di mabiro! May dede ka naman talaga e!”

Binato ko sa kanya yung lotion ko.

“Aray! Napaka harsh mo talagang babae ka!” ako naman ay dedma lang pakelam ko ba.

“Bakit ka nandito? Anong meron?” tanong ko pa sa kanya.

“Eh kasi aayain kita magmall bibili sana ako ng mga damit ko dahil bored ba bored na ako sa bahay!” buset na to yon lang naman pala ang ipinunta.

“Pumayag ka na please? Samahan mo lang ako ang tagal na nating di nagkakasama e! Nakakatampo ka na alam mo—”

“Oo na! Maliligo lang ako!”

“Yehey thanks!”

Pumasok na ako sa cr para maligo. Maghuhubad na sana ako kaso biglang nag ring ang cellphone ko.

Agad na sinagot ko ang tawag. “Hello?”

“May mga nasalanta ng bagyo dito sa may iloilo sobrang lakas ng bagyo na tumama dito. Halos wala na ngang matira na bahay dito lahat gutay gutay.” nakaramdam ako ng matinding awa dahil sa binalita ni ria.

Ayaw na ayaw ko talaga ng ganito. Yung nahihirapan sila panigurado ang mga tao doon ay walang matutuluyan at walang sapat na pagkain.

“Pumunta kayo sa mga nasalanta. Bigyan niyo lahat ng relief goods at patuluyin niyo sila sa gymnasium na ligtas.” utos ko pa.

“Masusunod” sagot nya pa at pinatay nya na ang tawag.

Napabuntong hininga nalang ako at mabilis na naghubad ako saka naligo.

-

“Tara na!” exited na sambit pa ni lia habang hinihila ako papasok ng mall.

Maya maya ay nakarating na kami sa department store at ang lia na to mabilis na kumuha ng cart at namili ng mga gusto nya.

Ako naman ay nagdadalawang isip kung mamimili ba ako o hindi. Kaunti lang kasi ang damit ko sa bahay mga pang office, pambahay, at pang alis lang. Hindi naman kasi ako pala bili pero mukhang mapipilitan ako ngayon. Paulit ulit na kasi ang mga damit ko kaya nasasabihan tuloy akong kuripot at clothe repeater tangena diba?

Kumuha nalang din ako ng cart at sinundan ko si lia sa loob.

Halos isang oras na din kami dito. Si lia naman sobrang nag eenjoy sa pagpili ako naman pagod na pagod na.

Marami na akong napili na damit pero pakiramdam ko hindi parin to sapat. Kailangan maging maayos naman ako minsan. Tsk bat ba kasi naging babae ako e! Ang hirap hirap maging babae e!

Naglibot libot muna ako at sa kalagitnaan ng paglilibot ko, napansin ko ang isang t shirt na may tatak na hello kitty. Sobrang simple lang ng damit na yon pero nakaatract talaga sa paningin ko.

Kinuha ko na yon at nilagay sa cart ko. Ang dami na siguro neto pwedeng pwede na.

Itutulak ko na sana ang cart ko ng may biglang yumakap sa akin sa likuran.

Tang—

“Hmmm babe nandito ka lang pala kanina pa kits hinahanap. Akala ko iniwan mo na ako dito e” nanigas ako bigla ng boses lalaki ang nagsalita at nakayap pa sa akin!

Hindi ako makakilos. Di ko alam kung anong gagawin ko. Saka anong babe? E wala naman akong boyfriend!

“Babe magsalita ka naman oh” mas lalo nya pang hinigpitan ang yakap nya sa akin kaya mas lalong di ako makahinga!

Letche sino ba to?!

Agad na umalis ako sa pagkakayap ng lalaki sa akin at humarap ako sa kanya.

Gulat na gulat ang lalaking ito sa pagkaharap ko sa kanya. Tinignan ko syang maigi at halos manigas ako dahil sa nakita.

B-bat ganon? Nung umulan ba ng kagwapuhan sya ba ang sumalo?

Naka long sleeve sya at black jeans at sobrang nakaka attract sya!

Ha?

Amm i mean. MALAKAS ANG DATING NYA SA IBA HINDI SAKIN!

“M-miss sorry i didn't—”
Pinutol ko na agad ang sasabihin nya.

“Its okay sir. But next time tignan mo muna kung sino yung niyayakap mo. Kasi baka mamaya nyan mahuli tayo ng girlfriend mo baka sabihin pang kabit mo ako” sabi ko pa habang sya naman ay natigilan saglit.

Tumango naman sya.
“Yeah yeah akala ko kasi ikaw ang girlfriend ko parehas kasi kayo ng damit and hair cut ” paliwanag nya pa.

Kaya pala.

“Hmm okay bye” paalam ko pa sabay tulak ng push cart papunta kay lia.

Nakahinga ako ng maluwag dahil napalayo na ako sa lalaking yon. Halos hindi na ako makahinga kanina habang kausap ko sya lalo na nung niyakap nya ako tsk.

Pinuntahan ko na si lia nasa counter na sya at mukhang hinihintay nya ako. Pagkatapos naming magbayad ay nag aya na akong umuwi nakakapagod kasi.





Don't Mess MeWhere stories live. Discover now