“Ms. Riago!” napatingin ako kay Ria na isa sa mga tauhan ko habang pumapasok sya sa opisina ko.
Binalik ko ang tingin ko sa laptop saka sumagot.
“Yes?” sagot ko pa sa kanya.“May isinasagawang plano si Mr. Kong mamaya sa sakahan ng Batangas. Ang pagkakaalam ko ipapatay nya ang mga babae at kukunin ang mga kalalakihan upang gawin na tauhan.” sabi pa nya.
Kumuyom agad ang kamao ko ng malaman ko ang binabalak ng Kong na yan. Kahit kelan talaga yang Kong na yan wala ng ginawa kundi pumapatay at abusuhin ang mahihirap di man lang naawa palibhasa mayaman.
Matagal ko ng kilala si Kong dati na rin kasi syang nakulong dahil sa pagiging drug lord. Wala syang asawa at anak pero ang alam ko pumapangsiyam syang pinakamayaman dito dito sa pilipinas.
Nag isip isip muna ako saglit para mamaya sa plano ko kung papano ko ililikas ang magsasaka don. Maya maya pa ay tumayo na ako pero napatigil ako saglit ng makita ko si ria na nag hehead bang ng walang bukas habang nakaearphone.
Ano rock star lang?
Nginiwan ko lang sya saka dire diresto akong lumabas ng opisina.
Pagkadating ko sa parking lot sumakay agad ako sa kotse ko pero kukunin ko na sana yung baril ko sa backseat ng mahagip ng mata ko ang isang water gun. Bakit may water gun dito?
Napailing iling nalang ako dahil sa pamangkin ko ang water gun na to naaalala ko na ako pala ang naghatid sa kanya kanina siguro naiwan nya tong water gun nya. Tss muntik ko pang isuksok to sa gun bag ko pero ginawa ko na lang din bahala na ayoko ng kalat sa kotse ko and besides maliit lang naman tong water gun na to at kasyang kasya sa gun bag ko.
Binilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse ko papuntang batangas para pigilan ang Kong na mamatay tao.
Sinabihan ko na din ang mga magsasaka don na lumikas na dahil may papatay sa kanila. Kaso tinawanan lang nila ako, nanakot lang daw ako. Pilit ko silang sinasabihan pero sa huli nagmatigas parin sila. Hindi sila naniniwala sa sinasabi ko.
May mga tauhan ako para mag report sa akin kung sino sino ba ang mga pesteng mayayaman na pinapatay ang mahihirap o di kaya kung sino ang inaabuso nila sa mga mahihirap. Matagal ko ng gawain to na iligtas ang mga mahihirap sa sarili kong deskarte at paraan. Basta ayoko na nasasaktan at pinapatay ang mga mahihirap mahalaga sila sa aking lahat.
Handa kong itaya ang buhay ko para sa kanila.
At handa din akong patayin ka kung sakaling kokontra ka.
Pagkarating ko sa sasakahan ng Batangas ay mabilis akong bumaba para magtago. Napaaga ata ako dahil hindi ko pa nakikita ang Kong at mga tauhan nya dito sa sakahan pero mas maganda kung magiging alerto ako.
Maya maya pa ay dumating na ang sasakyan ni Kong at dali dali silang bumaba kasama ang mga wonder pets nya. Mga tauhan nya.
Nagtago naman ako pero rinig ko ang mga pinagsasabi nila sa isat isa.
Inutusan pa ni Kong ang iba nyang tauhan para dakpin ang mga lalaking magsasaka at patayin ang mga babae.
Ang hindi nila alam papaalis na ang ibang magsasaka dahil si ria at ang iba ko pang mga tauhan ang imasikaso nito.
Pero biglang nagpaulan ng bala si Kong kasama ang mga tauhan nya. Nagsisigaw ang mga magsasaka at nagkakanya kanya silang tago basta wag lang tamaan ng bala. Natanaw ko naman sila ria na nagtatago din para hindi tamaan ng bala.
Letche ka talagang Kong ka. Mas matutuwa pa ako sayo kung magiging ganap na king kong ka e, tutal mukha naman syang unggoy kaya pwede na yon.
Letche din yang mga wonder pets mo Mr. Kong ambobo bumaril.
Pero ayos na yon na bobo bumaril ang mga wonder pets ni Kong. Atleast hindi nila gaanong natatamaan ang mga magsasaka.
Nang natapos na silang magpaulan ng bala saka na ako sumugod.
This is it mga dude.
Mula sa likod ay pinagbabaril ko ang mga tauhan ni Kong ng isa isa at wala pang isang minuto ay natumba na lahat ng tauhan ni Kong at sya nalang ang natira.
Gulat syang napatingin sa akin at nasapo nya ang noo nya.
Seryoso ko syang tinignan habang lumalapit sa kanya at sya naman ay galit akong tinignan.
“Alam mo ikaw napaka pakialamera mo!” napatakip ako bigla ng hininga.
Buset bat ganon ang amoy!
“Bakit ka nagtatakip ng bibig ha? Ginagalit mo ba talaga ko ha?!” sigaw pa nya sa akin at muli napatakip ako ng bibig.
“Ang baho ng hininga mo!letche kang king kong lumayo ka nga sa akin!” inis na sabi ko pa sa kanya habang winawasiwas ko ang kamay ko sa kanya.
Ang laki laking tao ang baho ng hininga tss.
“Anong sabi mo mabaho ang hininga ko at ano
k-king kong ang tawag mo sa akin!?” lah galit na galit ang king kong amp.“Bingi ka ba o sadyang nagbibingibingihan ka lang?!” sarkastiko ko pang sabi sa kanya kakabuset na king kong to tsk!
“Aba sumusobra na yang tabas ng dila mo ah?” sabi pa nya habang itinututok ang baril nya sa akin.
“Babae ka lang lalaki ako mas malakas ako sayo” si king kong
“Yun ang akala mo” nang aasar ko pang sagot sa kanya pero ang king kong nanatili lang na seryoso.
Ganun din ang ginawa ko. At ngayon nagtutukan na kami ng baril.
“Let me kill you lady” as if namang matatakot ako.
“Rampapam papampapam” pakanta ko pang sagot sa kanya.
“Hoy anong kinakanta mo dyan ha?!” tanong nya pa pero nginisihan ko lang sya. Tsk wala pala tong king kong na to eh di kpop fan.
“Kill this love ng blackpink try mong magstream.” sagot ko pa sa kanya at mas lalo syang nagalit.
“Tarantado ka talagang babae ka! Ako na tatapos ng buhay mo makikita mo!” babarilin nya na sana ako pero naunahan ko sya.
Good bye king kong enjoy ka sana dyan sa kweba mo.
Pagkatalikod ko sumalubong sa akin ang isa sa mga tauhan ni king kong at akma nya na sana akong hahambalusin ng kahoy pero nabaril ko sya.
Ng water gun sa mata.
“Ayan water gun para sayo.” sabi ko pa at nilisan ang lugar na yon.
YOU ARE READING
Don't Mess Me
AksiIf you mess my life, i'll make sure that you're fvcking life will be mess to. - Written by: erixxxa