Chapter 7

5 0 0
                                    

“Ayan ma'am perfect!.” sinabayan pa ni Ria ng palakpak habang nakatingin sa balikat ko na may benda.

“Perfect ka dyan mas maganda kung sesesantihin kita sa trabaho mo.” pang aasar ko pa.

“Maam wag naman ganon!.” kita mo tong babaeng to hindi rin mabiro amp.

Tinawanan ko nalang sya. Bala sya dyan mag isip.

Awang awa na talaga ako dito sa balikat ko palaging napupuruhan. Kahapon dalawang bala ang tumama dito tapos dumagdag pa ng isa ngayon, buti nga e nakaya pa ng balikat ko ang tatlong bala na yon.

Matutugis ko na rin kung sino man yung gustong pumatay sa akin at sa balikat pa talaga ako pinupuruhan dapat sa ulo na e para go na go na ako sa kabaong, kaso wala e masyadong pabitin ang mga yon iniisa isa lahat ng parte ng katawan ko. Pinapa hanap ko na rin sa mga tauhan ko ang babaeng yon na bumaril sa akin kanina at para malaman ko na din kung ano talaga ang sadya nila sa akin.

“Kain ka muna ma'am oh binili ko yan kanina” sabi pa nya at inabot sa akin ang paper bag na may tatak na mcdo.

Wow mcdonatics narin ata tong si Ria e, parang nung dati lang ayaw nya pa dito dahil mas bet nya daw ang jollibee kasi bida daw lagi ang saya parang kaklase ko lang noon na bida bida sarap pektusan sa noo.

“Salamat dude pero pwede bang wag mo kong tatawagin na ma'am kapag tayo lang na dalawa pwede namang 'pokpok ka Yura' o kaya 'Yura the cute' o diba mas magandang pakinggan.” sabi ko pa at mabilis kong sinubo ang french fries na nasa harap ko.

“Eh bat naman may pokpok pa? Pokpok ka ba ma'am?”

“Syempre hindi! Binibiro lang kita e saka ikaw kaya ang pokpok sating dalawa dzuh!” sige bahala syang mag isip dyan.

“Hala ma'am di ako pokpok noh! May jowa lang ako pero hindi ako pokpok maam!.” kita mo to pinapagmalaki pa talagang may jowa sya.

“Mag bebreak din naman kayo nyang jowa mong pango.” nakita ko na kasi yung jowa nya dati, medyo pango lang naman yung jowa nya sinabi ko lang talagang pango para mabanas sya.

“Bitter ka lang ma'am e!.”

“Tigilan mo na ang kakatawag saken ng ma'am! Sesesantihin talaga kita!.” buset na to di na natuto.

“Hehe sabi ko nga.”

-

Nandito na ako sa kwarto ko ngayon para makapag pahinga. Kanina pa kasi ako kumakain sa sala, sobrang dami kasing  inorder ni Ria feeling ko mamatay na ko sa sobrang busog.

Hindi rin naman ako naboboring dito sa kwarto ko, nanonood kasi ako ng Garfield dito sa tv ng kwarto ko. Isip bata na kung isip basta nag eenjoy akong manood walang pakilaman kokotongan ko talaga ang kumontra.

Laptrip din tong si garfield e, masyadong adik sa lasagna daig pa yung pusher sa sobrang adik. Nakakaloka.

“Garfield kailangan mo ng mag diet palaki na ng palaki yang timbang mo pwede yang makasama sa kalusagan mo!- John [amo ng dakilang adik sa lasagna]

*kamot ulo* kailangan ba talaga yan john? Saka malusog kaya ako di mo ba nakikita? Mas mataba pa nga ako sayo, diba oddie?' -Garfield

*iling iling* - oddie (aso yan)

'Hayy ewan ko sayo garfield, basta buo na ang desisyon kong dalawang beses ka lang na kakain sa isang araw' - John

'Okay sabi mo e' - Garfield

'At hindi ka kakain ng lasagna' - John

'Okay lang di naman ako kakainANO HINDI AKO KAKAIN NG LASAGNA!?!'- Garfield

'Oo at hindi ka na makakaangal pa' - John ( sabay walk out*

Hikab na hikab na ko pero ayoko pang humikab, mamaya nalang siguro kapag natapos na ang garfield hihi.

*Booogsh!*

Agad akong napabalikwas ng may marinig akong nahulog sa labas ng kwarto ko.

Alas dose na kasi at sigurado ako na tulog na si Ria. Nagtatake sya ng sleeping pills kaya mabilis syang nakakatulog, kami lang din naman na dalawa ang tao dito sa condo ko.

Dahan dahan akong tumayo at kinuha ang silencer sa gilid ng kama at mabilis akong nagtago sa ilalim ng kama.

Pucha bat dumilim?!

Nagulat ako ng biglang namatay ang ilaw dito sa kwarto ko at namatay na din ang tv. Ano to brown out?!

Nag iba bigla ang nararamdaman ko. Bigla akong kinabahan ng bonggang bongga, imposibleng si Ria ang lalabas o magigising ng ganitong oras e nagtatake nga yon ng slepping pills!

Nakarinig ako ng foot steps sa may bandang pinto. Kahit na kinakabahan at nanakit ang balikat ko, pinilit kong umatras ng gapang para makapagtago ako ng maiigi dito sa ilalim ng kama.

Naka lock ang pinto ko at nasa akin ang susi. Alam kong may ginagamit na bagay ang taong yan para mabuksan ang pinto ng kwarto ko.

Maya maya pa ay bumukas ang pinto at tama nga ako! Hindi si Ria to! Hindi ko sya kilala pero sigurado akong lalaki sya. Tatak Jordan din ang sapatos ng mokong na to, iba din rich kid.

“Riago nasaan ka? Magpakita ka sa akin para matapos na kita” sabi pa nya habang naglalakad sa kabuuan ng kwarto ko.

“Ulul mamaya pa ko magpapakita sayo.” mahinang bulong ko pa.

Panay ikot lang sya dito sa buong kwarto ko. Malaki kasi ang kwarto ko kaya malamang talagang sinusuyod nya ng maiigi ang kwarto ko.

Saka nandito lang naman ako sa ilalim ng kama diba dapat dito nya ako unang hanapin?

Aish! bahala na nga utak nya naman yan.

Siniksik ko pa lalo ang sarili ko sa ilalim ng kama at para kapag nahuli nya na ako sasalubong sa kanya ang silencer ko.

Napatitig naman ako dito sa hawak kong silencer naalala ko na niregalo to ng pinsan kong si Jace sa akin last year, galit na galit pa si mama nun dahil sa niregalo sa akin ni Jace na silencer, si papa naman ay chill chill lang sa gilid ni mama, okay lang naman daw na magkaroon ako ng silencer pamprotection ko naman daw to sabi ni papa kaya ayun binatukan sya ng malakas ni mama dahil kinukunsinti pa daw ako ni papa.

“Ang bango mo pala sa malapitan Ms. Santiago.”

Ano daw?!

Santiago?

Hindi agad ako nakakilos dahil hindi ko napansin na may ibang tao akong kasama dito sa ilalim ng kama!

“Akala mo makakatakas ka?” nakangisi nya pang sabi at saka bigla akong sinakal ng mahigpit.

Di pa nga ako ready bigla bigla naman tong nanakal.

Hayy buhay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Don't Mess MeWhere stories live. Discover now