ALY'S POV
"Ang sweet nila no?" Biglang sabi ng kung sino.
Nilingon ko ito, si kim at vic lang pala. Umupo sila sa tabi ko, habang ako namay nakatanaw sa dalawang tao na naghaharutan di kalayuan sa inuupuan namin.
"Oo nga eh .. nakakasuka!" Sabi ko at natawa silang pareho.
"Ang bitter mo dude! Pero kung sabagay, may point ka naman mukha naman niyang alalay yung boyfriend niya eh." Natatawa ring sabi ni vic kaya natawa rin kami ni kim.
"So habangbuhay ka nalang bang magiging third wheel niyan aly? Bakit di mo subukang iparamdam sa kanya ang totoo mong nararamdaman?" Suhestiyon ni kim.
Nailing ako bago magsalita. "Iparamdam? Halos araw araw ko na ngang ginagawa sa kanya yun buhat nang malaman kong mahal ko na pala siya higit pa sa isang kaibigan. Pero anong magagawa ko mas manhid pa siya sa bato, kikilabutan lang siguro yan sa multo pero imposible niyang maramdaman ang pagmamahal ko sa kanya." Malungkot na sabi ko sa dalawa.
Natahimik naman silang pareho pagkatapos kong sabihin yun.
"Hoy, mukhang seryoso yang pinaguusapan niyo ah?" Biglang salita ng nagiisang taong tinitibok ng puso ko, si mika aereen reyes.
Hindi namin namalayan na tapos na pala silang dalawa sa paghaharutan at lumapit sa kinaroroonan namin.
"Hindi naman masyado, ito kasing si kim inuuto na naman kami sa mga kwentong barbero niya." Palusot ni vic.
"Anong kwentong barbero? Naguusap naman tayo tungkol sa ano--." Di ko na pinatapos si kim sa pagsasalita nang magsalita na ako. Siraulo tong nognog nato, slow din to minsan eh. Pinandilatan naman siya ng mata ni vic.
"Nagusap lang naman kami sa kung saan kami pupunta mamaya. Uuwi na ba kayo bes?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi pa pupunta pa kami sa bahay nila kiefer, namimiss na raw ako ni tita mozzy eh, bibisita muna ako doon." Sabi ni mika na nangingiti habang nakayakap sa braso ng boyfriend niyang tukmol.
Tsk, lamang lang siya ng ano eh pero mas gwapo ako sa kanya kasi may abs ako, haha.
Bagyong baldo ka talaga eh no?
Yun naman talaga ang totoo eh, haha. Wag ka nang pumalag author.
"Ah ganoon ba? Ikaw na ang bahala dyan sa bestfriend ko kief ah? Pakiingatan mahal ko yan kahit ang takaw takaw niyan." Pabiro kong sabi.
Natawa naman kami nila vic pati na si kief dahil sa sinabi ko.
"Oo naman ly, ako na ang bahala sa kanya." Sabi niya at nginitian ako.
"Siraulo ka bes, tsk. Oh siya mauuna na kami baka hinihintay na kami nila tita doon. Kayo ba di pa kayo uuwi?" Tanong niya sa amin.
"Mamaya na may pupuntahan din kami eh." Sabi ko nalang kahit wala naman.
Tinanguan lang nila kami at naglakad na papunta sa kotse ni kiefer
"Oh ano na saan tayo? Mukhang may mageemote ngayon eh." Natatawang sabi ni kim.
"Let's walwal nalang dude!" Pagaya naman ni vic, sunog baga talaga tong babaeng to kahit kailan.
"Tara na nga, kumain na nga muna tayo bago pumarty." Pagaya ko.
"Libre mo?" Sabay nilang sabi.
"Ang yaman niyo pero ang kukuripot niyo." Inis kong sabi sa kanila.
"Tsk, sige na dude. Ayain din natin sila ate gretch." Pamimilit ni kim.
"Oh siya oh siya tara na, para manahimik na kayong dalawa dyan." Sabi ko.
"Yeheey! The best ka talaga dude, I love you." Sabi ni vic at ngumuso pa talaga.
"Ugh! Hoy victonara ilayo mo nga yang nguso mo, hihilahin ko talaga yan di na yan mahahalikan ni bang sige ka." Pagbabanta ko.
"Wag namang ganun dude." Nakasimangot niyang sabi.
"Yan kasi, asarin mo pa." Natatawang sabi ni kim.
"Tama na nga yan, alis na tayo nang makarami tayo doon. Itext niyo na sila ate gretch." Sabi ko sa kanila.
Sabay sabay na kaming umalis doon at pumasok sa kotse ni vic. Wala akong dalang kotse kasi nakisabay ako kanina kila mika.
Hay, hanggang kailan ko ba raranasin ito? Tsk.
>>>
Nandito kami ngayon sa bar nila Marge. Napagkasunduan naming dito nalang magkikita kita dahil pabor din sa buong barkada.
"Oh, anong ganap? Bakit bigla bigla kayong nag-aaya? Mabuti nalang good mood si dzi at pinayagan ako." Takang tanong ni ate A.
"Haha, under ka pa rin dude?" Natatawang tukso naman ni ate gretch.
"Ha! Nagsalita ang di under kay fille." Balik tukso ni ate A kay ate gretch.
Hay, may mga bagay pala talagang di nagbabago. Kagaya nang asaran nilang dalawa hanggang ngayon ganoon pa rin. At kagaya ng pagmamahal ko para kay mika di pa rin nagbabago, ang puso ko di pa rin napapagod. tsk.
"Tsk, nagasaran na naman ang dalawang takusa." Natatawang sabi ni vic.
Oo, magasawa na sila ate A at ate dzi pati na sila ate gretch at ate fille may chikiting na nga eh. Mabuti pa sila ako kaya hanggang kailan ako magpapakamartyr? Tsk.
"So ano nga ang dahilan bakit kayo nagaya bigla?" Biglang balik ng tanong ni ate A kanina.
Natahimik lang si kim at vic at nginuso ako.
Kunot noo namang nakatingin sa akin sila ate gretch
Hay, naghihintay naman ito na magkwento ako sa kanila.
-J
BINABASA MO ANG
TAKEN... For Granted (MikaSa FanFic)
General Fiction✓least priority ✓option ✓bestfriend zone saklap! ~a mikasa fanfic