ALY'S POV
"Mika.." tawag ko, lumingon naman ito nakita kong lumiwanag ang mukha niya nang makita ako.
"Alyssa.." sambit niya at nagmadaling lumapit sa akin at niyakap ko.
Nagulat ako sa ginawa niya kaya di ko siya nayakap pabalik.
"Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba naghihintay?" Tanong ko sa kanya.
"Ah.. Oo, gusto sana kitang makausap ly. Gusto ko sanang pumasok sa loob kaso iniba mo na pala yung password." Malungkot niyang sabi.
Namumugto pa yung mga mata niya halatang galing sa pagiyak.
Oo password protected ang condo ko kaya di ito basta basta mapapasok ng kung sino. Alam niya yung password ko pero nang mapagdesisyonan kong iwasan siya pinalitan ko ito.
"Pasok muna tayo sa loob." Pagaya ko sa kanya.
Pagkapasok namin, pinaupo ko muna sa couch. Mukhang di pa ito kumakain magluluto na muna ako.
"Mika, magluluto na muna ako alam kong di ka pa kumain." Sabi ko nalang.
"Wag na ly, magorder nalang tayo." Sabi niya at nagdial sa phone kaya wala na akong nagawa.
Pumasok nalang ako sa loob ng kwarto ko para makapagbihis.
MIKA'S POV
Kanina pa ako naghihintay sa labas ng unit ni aly. Gusto ko sanang pumasok sa loob pero iniba na pala niya ang password.
Iniiwasan niya talaga ako, di ko alam kung hanggang kailan niya gagawin iyon.
Nang makita ko siya sa mall, napagisip isip kong hayaan na muna siya pero heto ako naghihintay sa labas ng unit niya, tsk.
Alam ko namang magkasama sila ni den na pumunta doon kila ate gretch kaya di na ako nagtanong pa.
Nasa sala lang ako habang hinihintay si aly na lumabas ng kwarto niya at hinihintay ring dumating yung food na inorder ko.
"Mika, bakit ka naparito? Kung sakaling hindi ako umuwi maghihintay ka sa wala." Biglang sabi niya at umupo sa kaharap kong upuan.
Ayokong madistract sa suot niyang tank top at boxers. Ang hot mo aly. Shocks! Erase erase erase bakit ko ba iniisip ang mga bagay na ito?
"Mika.." pagtawag niya ulit sa akin.
"Ah.. aly sorry, ano nga ulit yun?" Sabi ko.
"You're spacing out. Oo alam kong hot ako wag ka ng mahiya." Sabi niya at binigyan ako nang mapanuksong ngiti.
"Ang kapal!" Sabi ko at inirapan siya kahit pa naramdaman kong nagbublush ako.
"Oh siya oh siya so ano nga yung ginagawa mo dito?" Seryosong tanong niya.
"Bakit mo ako iniiwasan? Akala mo di ko napapansin, alam ko aly. Alam na alam ko." Seryoso kong sabi, nakikipagsukatan ako ng tingin sa kanya pero siya itong unang umiwas.
"Hindi kita iniiwasan, medyo nabusy lang ako sa business namin nila kim." Sabi niya, halata namang di yun ang totoong dahilan.
"Isang buwan?! Isang buwan talagang busy? Di mo nga sinasagot ang mga tawag ko. Kapag nagpupunta ako dito di mo ako pinagbubuksan ng pinto!" Medyo napataas na yung boses ko dahil sa inis.
"Big deal yun para sayo mika? Oh sige aaminin kong iniiwasan talaga kita. Ginagawa ko lang yun dahil ayokong magaway kayo ng syota mo. Alam ko namang pinagseselosan ako ng gagong yun." Ganti niya.
"Wag mo siyang pagsalitaan ng ganyan!" Naiinis kong sagot.
"Edi wow, hanggang ngayon pala mas kinakampihan mo pa rin siya. Tsk. Kung sabagay mas importante naman talaga sayo si kiefer kesa sa akin na bestfriend mo. Bestfriend pa nga ba? Hindi ko na alam." Sabi niya at iniwan ako sa sala.
Susundan ko pa sana siya kaso may nagdoorbell sa labas, malamang yung inorder ko na food yun.
Binayaran ko lang yun at hinanda na yung pagkain sa lamesa. Naabutan ko naman si aly na umiinom ng tubig.
"Sumabay ka na sa akin ly." Pagbasag ko sa katahimikang namalagi sa amin.
"Busog pa ako, mauna ka na." Yun lang ang sabi niya at bumalik na siya sa sala.
Wala akong nagawa, kumain nalang ako magisa. Pagkatapos kong kumain niligpit ko na ang pinagkainan ko at hinugasan yun.
May natira pang pagkain kaya tinakpan ko nalang yun. Alam ko namang kakain yun si alyssa mamaya.
ALY'S POV
Nakaupo lang ako sa couch habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko inaasahang mangyayari to na magkakasagutan kaming dalawa ni mika.
Hindi ko napansing natapos na pala siya sa pagkain. Umupo siya sa isang side ng couch. Nagpapakiramdaman lamang kaming dalawa.
Maya-maya pa bigla nalang tumunog yung cellphone niya. Malamang yung unggoy niyang boyfriend ang tumatawag sa kanya, pero di niya yun sinagot.
"Ba't di mo sagutin? Alam kong hinahanap ka na niya." Sabi ko nalang.
Hindi naman siya umimik bagkos nakita kong pinatay niya yung cellphone niya.
"Pinagtutulakan mo na ako palayo ly. Bakit? Gusto kong magkaayos tayo. Namimiss na kita aly. Namimiss ko na yung bestfriend ko." Malungkot na sabi niya, at nakita kong nagpahid siya ng luha.
Bestfriend. Siguro yun lang talaga ang role ko sa buhay niya no more no less.
Namimiss ko na rin siya, sobra. Pero kapag bibigay na naman ako nito para ko na ring sinaksak ang sarili kong puso.Gusto kong magmatigas. Gusto kong tiisin siya kaso iba yung sinasabi ng puso ko at yun na naman ang sinunod ko kesa sa utak ko.
"Tsk, tama na nga yan. Ang pangit mong umiyak." Pagbibiro ko saka siya niyakap.
Hay, nagpadala na naman ako sa sinisigaw ng puso ko.
"Bwisit ka." Sabi niya tapos hinampas ako sa balikat.
"Tara na nga, matulog na tayo. Inaantok na rin ako." Pagaya ko sa kanya saka siya hinila patungo sa room ko.
Nagtatabi naman talaga kaming matulog noon pa. Walang malisya sa kanya yun sa akin meron, haha.
Nakahiga na kami ngayon sa kama. Nakaunan yung ulo niya sa kanang braso ko habang nakayakap siya sa akin.
Ang higpit ng pagkakayakap niya para bang ayaw niya akong mawala. Tulog na tulog na siya habang ako gising na gising pa dahil sa dami nang iniisip ko.
Sana ganito nalang kami palagi. Pero hindi pwede, isa lang itong panaginip dahil bukas magigising na naman ako sa katotohanang..
Pagmamayari na siya ng iba.
-J
BINABASA MO ANG
TAKEN... For Granted (MikaSa FanFic)
General Fiction✓least priority ✓option ✓bestfriend zone saklap! ~a mikasa fanfic