ALY'S POV
Nagising akong wala ng katabi sa kama. As usual, asa pa akong magigising na katabi siya, hay.
Bumangon nalang ako at napagdesisyonang magluto ng makakain ko. Pero bago yan maghihilamos muna ako, so be right back.
Papalabas na ako sa kwarto ko nang mahagilap ko yung note sa lamp shade.
Aly,
Hindi na kita ginising pa dahil ang sarap sarap ng tulog mo. Sorry kung kailangan kong umalis hinahanap na kasi ako ni kiefer. Take care of yourself. See you soon.
Mika
Tsk, puro nalang si kiefer. Hindi ko maiwasang isipin minsan na napipilitan lang siyang pakisamahan ako.
Makapagluto na nga lang. Pupunta na lang ako sa resto kesa magmukmok dito sa condo.
>>>
Nandito na ako sa resto ngayon at naabutan ko ang dalawang tukmol sa bar counter na nagaasaran.
"Hoy, kimmang burahin mo yan, di ko yan chix." Si vic habang pilit na inaabot ang cellphone ni kim.
"Haha, bakit mo pinabubura? Isusumbong talaga kita kay bang, lagot ka sa fiancé mo." Natatawang sabi ni kim.
"Tsk, di ako takot dahil sabi ko nga parang wala na yung pake sa akin. Wag mo akong blinabackmail, yan pala ang gusto mo ah, sino kaya yung nakipagdate sa ex niya doon sa moa noong isang araw." Balik tukso ni vic, kitang kita ko na nawala yung ngiti sa mga labi ni kim
"Hoy galang, issue ka rin no! Hindi kami nagdate ni cyd." Sabi ni kim.
"Boom! Huli! So nakipagkita ka talaga? Lagot ka kay melabs mo." Tawa nang tawa si vic napailing nalang ako habang nakikinig sa kanilang dalawa.
"Sarap niyong paguntugin, parehas lang kayong mga kuneho." Sabat ko.
"Di kaya, nagbago na ako no ewan ko lang dyan sa isang yan." Depensa ni vic.
"Ases! So kamusta dito?" Tanong ko sa kanila.
"So far so good ly, wala namang delay at magaganda naman ang feedback ng mga costumers natin." Sagot ni kim.
"Mabuti naman kung ganoon." Sabi ko.
"So ly kamusta kayo ni mika? Iniiwasan mo pa siya?" Tanong ni vic.
"Ewan, naabutan ko siya kagabi sa labas ng condo ko, nakapagusap naman kami pero di naging maganda ang paguusap naming yun." Sagot ko at kwinento na nga sa kanila lahat lahat pati na yung nangyari kanina.
"So sa pagkakakwento mo mukhang fail yung pagiwas mo sa kanya dude. Ibig bang sabihin nyan ay magcoconfess ka na sa kanya?" Tanong naman ni vic.
"Hindi ko pa alam. Nagdadalawang isip pa rin ako. Magiging kumplikado lang ang lahat." Sabi ko."saka ko nalang yan iisipin sa ngayon magtrabaho na muna tayo."
Kaya ayun, nagfocus na kami sa resto. Naginventory kaming tatlo para malaman kung may kulang o sapat pang stocks para sa resto.
DEN'S POV
Nandito ako ngayon sa ospital na pagmamayari ni dad at ni mom. Dito na rin ako nagreresidency bilang isang OB.
Si dad ay isang neurosurgeon habang si mom naman ay isang pediatrician. Pinamamahalaan nila ang ospital nato dahil 70% ng share sa hospital ay sa amin.
Sa ngayon wala naman ako gaanong pasyente pero pinapatawag ako nila dad at di ko alam kung bakit. Kinakabahan ako baka sasabihin nilang papauwiin na ako nila sa italy, huhu. Wag naman sana.
*Tok! Tok! Tok!*
"Come in!" Si dad. Kaya pumasok na ako sa loob, naabutan ko sila dalawa ni mom doon.
"Mom, dad bakit biglaan niyo po akong pinapunta dito?" Takang tanong ko sa kanila.
"Denisse anak, gusto lang namin sabihin sayo na pinapayagan ka na namin na manatili dito sa Pilipinas. Humihingi rin kami ng tawad sa mga pagkakamali na nagawa namin lalong lalo na sa inyo ni alyssa." Sabi ni dad, natahimik naman ako bigla hindi ko inaasahan na ito yung sasabihin nila sa akin.
"Alam kong naguguluhan ka sa ngayon. Pero gusto lang namin ng mama mo na maging masaya ka, at di ka namin pipigilan sa kung ano o sino ang makakapagpasaya sayo." Sabi pa ni mom.
Bakit ngayon pa mom, dad? Huli na ang lahat. May mahal na siyang iba at di ko na kaya pang baguhin yun. Naiiyak ako pero pinigilan ko iyon.
"D-dad, m-mom sigurado po ba kayo?" Di makapaniwalang tanong ko sa kanila.
"Oo denisse." Sagot naman ni dad.
Nilapitan ko sila at niyakap ko sila nang mahigpit. Kahit masakit sa akin na di ko na maibabalik ang pagmamahal sa akin ni aly, masaya pa rin ako kasi makakasama ko siya ng mas matagal.
Pagkatapos naming mag-usap nila dad, bumalik na ako sa sarili kong office baka may pasyenteng naghihintay doon.
Pagkapasok ko, meron na ngang naghihintay pero di ko inaasahan na makikita ko siya dito at may kasamang ibang babae.
"Nandito na pala si doctora." Nabalik ako sa katinuan ko nang magsalita ang assistant ko.
"Sorry kung naghintay kayo may importanteng bagay lang akong inaasikaso." Sabi ko.
"Okay lang doc, ako nga po pala si kiefer, kiefer ravena. Kasama ko po yung fiancé ko si shiela. Gusto lang namin malaman kung ilang weeks at healthy po ba ang baby namin doc." Sabi niya, ang kapal ng mukha ng lalaking to.
Di ko makakalimutan ang mukha niya dahil nakita ko siya kasama si mika noong isang linggo. Hayop tong lalaking to!
Nagpipigil lang talaga ako baka mapatay ko siya. May mika na may shiela pa pinagsabay niya ang magbestfriends?! Habang si alyssa nanlilimos ng oras sa bestfriend niyang nagaaksaya rin ng oras para sa gagong to, nakakainis!
"Okay, sige samahan mo ako sa loob miss." Sabi ko nalang at ginawa ko ang dapat gawin
Kakaalis lang nila pero hindi ako mapakali. Binabagabag ako dahil sa nalaman ko.
Naisipan kong puntahan nalang si alyssa sa resto. Wala akong choice ayokong manahimik nalang.
-J
BINABASA MO ANG
TAKEN... For Granted (MikaSa FanFic)
General Fiction✓least priority ✓option ✓bestfriend zone saklap! ~a mikasa fanfic