MIKA'S POV
Lumipas nalang ang isang linggo mula noong mangyari ang insidenteng iyon, hindi pa rin sinasabi sa akin ni aly kung sino yung mahal niya, ang daya.
Kung tungkol naman kay kiefer, pumupunta siya dito sa condo ko pero di ko siya pinagbubuksan ng pinto, bahala siya.
Sa ngayon, pinagpatuloy ko lang yung buhay ko na wala siya. Nabuhay nga ako noon na di ko pa siya nakilala, pwes ngayon kaya ko ulit gawin yun.
Isa pa, tumutulong din ako sa resto nila aly kapag may bakanteng oras ako.
Wala naman akong ibang magawa maliban sa paglalaro ng volleyball noon, pero natigil lang ako dahil sa pinagbawalan na ako ni kiefer.
Eh kasi nga mahal ko siya kaya ayun nagpauto ako at tumigil nalang dahil kaya naman daw niya akong buhayin, tsk. Neknek niya sobrang paranoid niya noon yun pala siya yung may kababalaghang ginagawa.
Napagdesisyonan ko na rin na bumalik sa paglalaro kasi wala ng magdidikta sa akin at wala ng magbabawal sa kung ano ang gusto kong gawin.
*Kring! Kring! Kring!*
Biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito at tinignan ko ang caller id. Si mom, ano kayang problema? Sinagot ko naman agad to.
"Hello mom?" Sabi ko.
"Hello yeye anak, kamusta ka dyan?" Bungad niya sa akin.
"Okay lang naman ako dito ma." Sabi ko pero okay lang ba talaga ako dito?
"Hmm, parang di naman. Anong nangyari yeye? Di kasi ako mapakali noong mga nakaraang araw kaya tinawagan na kita." Sabi niya, hay mother's instinct.
"Wala na po kami ni kiefer ma." Sabi ko.
"Ano?! Bakit? Anong nangyari?" Halata sa boses niya ang pagaalala.
Kaya ayun kwinento ko kay mommy ang mga nangyari.
"Pinagkatiwala ka namin ng dad mo sa kanya pero anong ginawa niya? Hay, kung alam ko lang sana na lolokohin ka lang niya edi sana kay alyssa ka nalang sana namin ni reto mas boto pa ang dad mo sa kanya." Sabi ni mom pero yung huli binulong niya kaya di ko narinig.
"Ano mom? May sinasabi ka pero di ko narinig eh." Tanong ko.
"Wala yun anak. Ahm, Yeye, pumunta ka kaya muna dito? Sa tingin ko ito na ang tamang oras para pumunta dito. Namimiss ka na namin. Ibobook na kita ng ticket bukas pero iischedule ko nalang yun next week." Sabi ni mom kaya natigilan ako.
Kailangan ko ba talagang lumayo? Sa palagay ko kailangan ko na ring pagbigyan ang mga magulang ko. Matagal na rin nila akong pinipilit na umuwi sa America.
"Sige po ma, para makapagpaalam din ako sa ibang kaibigan ko lalong lalo na kay alyssa. Panigurado malulungkot yun." Sabi ko.
"Alam ko anak pero mabait na bata si alyssa alam kong maiintindihan ka naman nun. " Sabi ni mom.
"Okay po mom." Sabi ko at naputol na yung tawag.
Sorry ly, pero kailangan kong gawin ito.
ALY'S POV
Nasa resto ako ngayon, nandito ako sa office namin nila vic. Wala si kim dahil sinamahan si mela sa food tasting nila.
Si vic? Ewan ko dun, ilang araw ng missing in action. Sabi niya busy daw, baka busy kay den kako, tinawanan lang naman niya ako.
*Tok! Tok! Tok!*
"Bukas yan, pasok." Sabi ko habang pinagpatuloy ang pagsusulat sa table ko. Inoaudit ko paunti unti yung sales ng resto sa nagdaang linggo.
"Seryoso mo naman dyan bes." Naingat ko agad yung paningin ko sa kanya. Si mika pala.
"Oy bes, napadaan ka?" Tanong ko sa kanya. "Anong gusto mo? Sasabihan ko si Rex na dalhin dito yung order mo."
"Wag na bes, busog pa naman ako." Sagot niya.
"Ano palang ginagawa mo dito bes? Ginugulo ka na naman ba ni kiefer? Nasaan siya, kulang pa yung sapak na binigay ko sa kanya?" Sunod sunod na tanong ko.
"Wag kang oa bes, pumupunta siya pero di ko siya ineentertain. Pumunta ako dito para bisitahin ka namimiss kita bes." Sabi niya at lumapit sa akin saka niyakap ako.
"Bes.." seryosong sabi ko.
"Okay okay, doon tayo sa dati nating tambayan." Sabi niya.
Tinitigan ko siya saglit parang may gusto siyang sabihin sa akin. Kinakabahan tuloy ako.
"Oh sige. Liligpitin ko lang saglit yung nga kalat dito." Sabi ko.
>>>
Nandito kami ngayon ni mika sa safe haven namin. Isa lang itong maliit na bakanteng lote noon.
May malaking puno ng mangga sa gilid. Dati dito lang ako humihiga sa ilalim ng puno kapag bored ako.
Kaya noong makilala ko si mika at naging matalik na kaibigan, dinala ko siya dito kaya itinuring ko itong safe haven naming dalawa.
Kaya noong makaluwag-luwag ako binili ko ito at pinarenovate. May treehouse na ito ngayon at may dalawang swing sa bababa.
Pagkarating namin doon, umupo kaming dalawa sa swing at namalagi ulit ang isang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Bes.." panimula niya.
"Hmm?" Yun lang ang naging sagot ko saka ko siya nilingon.
"Bes, tumawag sa akin si mommy kanina, nangungumusta." Sabi niya.
"Talaga? Tapos anong sinabi mo?" Tanong ko.
"Sinabi ko sa kanya ang lahat lahat bes. Galit na galit nga si mommy eh." Sabi niya.
"Natural, Ina siya bes iningatan ka niya mula pagkabata tapos sasaktan lang ng kung sino sino." Sagot ko, ngumiti lang siya pagkatapos nun.
Ang mga sumunod niyang binitawang salita ang nagpaguho ng mundo ko.
"Kinukulit na naman ako ni mommy bes. Pinapauwi na ako sa america." Sabi niya.
"A-ano? Hindi ka p-pumayag di ba? Sabihin mo bes." Naghehestirical na ako at di ko namalayang tumutulo na pala yung luha ko.
"B-bes.. Patawarin mo sana ako pero kailangan ko munang lumayo. Pumayag ako sa gusto ni mommy." Malungkot na sabi niya.
Iyak lang ako nang iyak. Hindi ko naman siya pwedeng pigilan dahil alam ko sa sarili kong ito ang nararapat niyang gawin.
"Kailan ang alis mo bes? Babalik ka pa di ba?" Tanong ko habang pinupunasan ang luha ko.
"Next week bes, si mommy na ang nagbook nun. Hindi ko pa alam kung makakabalik pa ako bes pero sana.." Sabi niya.
Nextweek? Birthday ko na nextweek. Wag lang sana maitapat yun sa birthday ko.
Tumayo ako at lumuhod sa harapan niya. Pinunasan ko ang mga luhang dumadaloy sa mga mata niya.
"Bes.. Ingatan mo ang sarili mo doon ah? Send my regards to tito and tita and to your siblings." Sabi ko at niyakap siya, gumanti naman siya ng yakap sa akin. Mamimiss kita bes.
I love you Mika.
-J
BINABASA MO ANG
TAKEN... For Granted (MikaSa FanFic)
General Fiction✓least priority ✓option ✓bestfriend zone saklap! ~a mikasa fanfic