ALY'S POV
Ugh! Not again, ito ang di ko gusto pagkatapos maglasing, HANGOVER to the max.
Pero bigla akong nakaramdam ng sakit sa kanang kamay ko. Minulat ko ang mata ko at nakita kong nakabenda na iyon.
Gaano ba karami yung ininom ko kagabi? At ang mas malala pa umabot pa sa sukdulan na sinaktan ko na ang sarili ko, hay.
Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto. Teka? Wala ako sa condo ko ah? Kaninong kwarto to?
Tiningnan ko yung damit ko hala? Iba na rin. Tsk.
Bumangon na ako at naghilamos saglit sa banyo. Kahit mahirap kasi nga di ko magamit yung kanang kamay ko pinilit ko.
Lumabas ako sa kwarto at naabutan ko si marge at jirah sa dining area.
"Good morning, mabuti naman at gising kana ly." Bati sa akin ni jirah.
"G-good morning ji, morning dude." Bati ko sa kanila ni marge.
"Sumabay kana sa amin, anong gusto mo kape o juice?" Tanong sa akin ni ji.
"Ako na ang bahala ji, kumain kana dyan." Sabi ko at nagtimpla ng kape sa kitchen island. Partida kaliwang kamay ko ang ginamit ko kahit mahirap.
Pagkatapos kong magtimpla umupo na ako sa harap na upuan na katapat ni marge.
Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa matapos kami.
"Dude, magusap tayo doon sa sala." Biglang sabi ni marge.
"Sige na ly, ako na ang bahala dyan puntahan mo na doon si marge." Sabi ni ji.
Alam kong disappointed si marge sa nangyari. Pero wala na akong maggagawa doon dahil nangyari na ang mga nangyari.
Naabutan ko si marge na nakaupo sa couch. Umupo naman ako sa kabila.
"Ly, anong nangyari? Bakit ka humantong sa ganoong estado? Di mo naman kailangang sarilinin yan, nandito naman kami nila vic eh." Sabi niya kaya mas lalo akong nakonsensya.
Kwinento ko sa kanya ang lahat ng mga nangyari kahapon sa pagitan naming dalawa ni mika.
"Hay, habang di pa niya nalalaman ang totoong nararamdaman mo para sa kanya, masasaktan at masasaktan ka talaga niya ng di sinasadya. Gaya nga nang sinabi ko noong nakaraang araw, magconfess ka or iwasan mo siya take it or leave it." Sabi niya, natahimik naman ako pagkatapos niyang sabihin yun.
"Aly, alam kong mahal na mahal mo si mika pero ayaw na namin ng barkada na makita kang nasasaktan at nahihirapan dahil sa kanya. Gusto namin maging masaya ka na rin gaya namin." Sabi ulit ni marge.
"Salamat marge at di niyo ako pinababayaan. Hayaan mo, tutulungan ko ang sarili ko na kahit papaano makalimutan siya, iiwasan ko na muna si mika buhat ngayon." Sabi ko.
"Sigurado ka na ba dyan ly?" Tanong niya sa akin.
"Oo naman, pagod na ako marge." Seryoso kong sagot, tinap naman niya yung balikat ko.
"Kung ano ang desisyon mo susuportahan ka namin ng barkada." Sabi niya at nginitian ko naman siya.
MIKA'S POV
Mag-iisang buwan ko ng hindi nakikita, nakakausap at nakakasama si alyssa. Si alyssa na bestfriend ko.
Si alyssa na palaging nagpapasaya sa akin kapag nalulungkot ako. Si alyssa na handa akong damayan sa lahat ng problema ko.
Nagsisisi ako sa mga nangyari noong nakaraan. Nababalewala ko na pala siya. Akala ko okay lang hindi pala.
Tama nga sila, malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o tao kapag nawala na ito.
Hay, palagi ko siyang tinetext pero di naman siya nagrereply. Tinatawagan ko siya di naman niya sinasagot minsan di ko na talaga makontak.
Pinupuntahan ko siya sa condo niya pero palaging walang tao. O baka nandoon siya pero di niya lang binubuksan ang pinto.
Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o sinasadya niyang iwasan ako.
Naisipan ko ngayong gumala sa mall, dahil nabobored ako. Kung itatanong niyo sa aking kung nasaan ang boyfriend ko? Ewan ko dun, palaging busy.
Palagi na nga kaming nagaaway dahil sa pinagseselosan niya si alyssa. Nararamdaman daw niya na mahal ako ng bestfriend ko higit pa sa isang kaibigan.
Paano kung totoo yun? Matatanggap mo ba kung ano siya?
Biglang singit ni konsensya, oo naman wala namang masama doon.
Paano kung mahal ka niya higit pa sa isang kaibigan? Anong gagawing mo?
Hindi ko alam, hay.
Natigil ako sa pakikipagdebate ko sa konsensya ko nang mahagilap ko si alyssa na kumakain mag-isa sa shakeys.
Gusto ko sana siyang lapitan pero may bigla namang sumulpot na babae na kasama niya.
Nang maaninag ko ang mukha nito, si denisse lazaro pala. Wow, ngayon ko lang nalaman na nagkaayos na pala ang dalawang to.
Paano mo malalaman ang kaganapan sa buhay ng bestfriend mo eh busy ka naman sa lovelife mo.
Oo na, kasalanan ko na na hindi ako updated, tsk.
Oo, ex ni alyssa si denisse. Sa pagkakaalam ko first love nila ang isat isa pero naghiwalay sila dahil bigla nalang iniwan ni denisse si alyssa ng walang sapat na dahilan.
Sa nakikita ko ngayon mukhang masaya naman si aly. Mukhang di naman siya apektado sa mga nangyari sa amin.
Nasasaktan ako dahil pakiramdam ko unti unti nang nasisira yung pagkakaibigan naming dalawa.
Tsk, sa ngayon hahayaan ko nalang muna siya. Ang importante nakita ko ulit siya, masaya at tumatawa, okay na ako dun.
Nilisan ko na ang lugar na yun at nagpatuloy sa paggala sa loob ng mall.
-J
BINABASA MO ANG
TAKEN... For Granted (MikaSa FanFic)
General Fiction✓least priority ✓option ✓bestfriend zone saklap! ~a mikasa fanfic