MIKA'S POV
Nagulat ako nang sabihin ni aly kanina yung favor na hinihingi niya. Iba yung kabang naramdaman ko, para akong naeexcite na ano, basta di ko maexplain.
Pero nang sabihin ni mommy kung kailan ang flight ko, para akong nabuhusan ng isang bucket na ice dahil nakaramdam ako nang panlalamig.
Yung flight ko ay alas tres ng umaga sa araw mismo ng birthday ni alyssa. Saklap, nakalimutan ba nila mommy na birthday ni alyssa sa araw na yan?
Pumayag ako sa pabor na hiningi ni alyssa bilang regalo ko sa birthday niya. Mapapasaya ko siya sa araw na yun bago ako umalis.
Bukal sa loob kong gawin yun at excited ako para kahit papaano makabawi man lang ako sa kanyang mga nagawa sa akin noon.
Siguro naman, sa araw na yan pwede ko nang malaman kung sino yung taong minamahal niya.
>>>
ALY'S POV
Ang bilis dumaan ng araw lunes na, kaya nandito na kami sa lugar kung saan magaganap yung dinner date namin ni mika.
"Wow, ang ganda talaga dito ly. Paano mo pala nadiskobrehan ang lugar na'to?" Sabi ni den, nandito kasi kami ngayon sa tinuturing kong safe haven namin ni mika.
Pangalawang balik na nila dito, sinama ko sila noong nakaraan para makita nila ang lugar.
Noong pumunta kami dito di kami kumpleto pero ngayon kasama ko ang buong barkada kaya sa palagay ko mapapadali yung trabaho namin dito.
"Aksidente lang yun, nasiraan kasi ako ng kotse sa daan mga ilang metro lang ang layo nito dito. Humihingi ako ng tulong dahil wala akong tools at di ko alam kung ano ang sira nito. Buti nalang yung mayari ng lote ay nagmagandang loob na tulungan ako. Tinanong ko pa nga siya kung binebenta niya yung lote sabi niya oo. Kaya noong nakapagipon ako binili ko na agad sa kanya." Mahabang paliwanag ko.
"Eh yang treehouse at swing sino ang nagpagawa niyan?" Tanong sa akin ni vic. Habang si marge, kim, at ate gretch naguunahang sumakay doon.
"Ako rin, malaki kasi yung puno kaya naisipan kong pagawaan ng treehouse pagkatapos kong bilhin itong lupa. Sulit naman dahil nagagamit namin ito ni mika kapag pumupunta kami dito." Sagot ko.
"Hoy ako naman!" Sigaw ni ate gretch, parang bumalik sa pagkabata ang mga baliw.
"Magsitigil na nga kayo dyan, nandito tayo para tulungan si aly." Sita ni den sa tatlo at sinamaan ito ng tingin kaya yung tatlo natakot at tumigil sa paglalaro doon sa swing.
Sinimulan na nga namin ang mga dapat gawin sa lugar na ito. Nakapagplano na naman kami last week pa kaya di na kami masyadong nahirapan.
"Alam mo ly, pwede namang hindi na to lagyan nga decoration maganda naman tong lugar. Set up nalang yung table dito para sa dinner niyo then tapos." Si kim halatang tinatamad na naman.
"Wala ka talagang kaamor amor sa katawan no kimmy? Mabuti nalang hindi ka iniwan ng melabs mo dahil di ka sweet. Syempre espesyal ang gabing yun para sa kanila ni mika lalo na kay aly kasi di ba kahit kunwari lang atleast di ba mararanasan ni aly na maidate siya more than friends. Malay natin magkatotoo." Si marge, ang pinaka hopeless romantic sa aming magbabarkada.
"Oo nga marge eh, minsan naiisip ko kung ipagpapatuloy ko ba ang pagpapakasakal sa mokong na yan." Gatong din ni mela, si kim naman halos di na maipinta ang mukha..
"Grabe ka sa akin melabs, sa ibang paraan ko naman naipapadama sayo ang pagmamahal ko di ba?" Sabi ni kim at kindatan si mela.
Nakatanggap naman siya ng batok galing kay vic. "Utak lumot ka talaga kahit kailan."
"Oo nga, pag sa kalokohan numero uno kang magaling." Si ate A.
"Wow, hiyang hiya naman ako sa linis ng utak niyo. Para namang hindi niyo yan ginagawa gabi-gabi." Si kim.
"Natural lang yun mag-asawa naman kami." Proud na sabi ni ate gretch, sumali na sa usapan.
"So gabi gabi pala talaga ate ah? Baka araw araw din? Pati tanghali." At humagalpak na sa kakatawa ang utak lumot na si kimmang.
"Siraulo ka talaga fajardo." Sabi ni ate gretch at dinagukan ito.
"Excuse me lang ah kung mag-usap kayo ng ganyang bagay parang wala kami dito ah." Inis na sabi ni ate fille.
"Eh mahal si kim yung nauna." Sumbong ni ate gretch.
"Para kang bata, pinatulan mo naman." Pagsusungit ni ate fille at pinagpatuloy yung ginagawa niya. Sa loob kasi ng tree house kami magdidinner kaya nilinis at dinesenyohan namin ito.
Sa labas naman ay nagsabit lang ng kaunting lights sila ate gretch para maliwanag naman sa baba.
Sana magustuhan ni mika ang ginawa namin dito. Malapit na rin kaming matapos yung mga kulang ihahabol nalang namin bukas, last minute.
Bukas na kasi yung nakatakdang araw para sa aming espesyal date ni mika, kaya wish me luck guys sana successful.
-J
BINABASA MO ANG
TAKEN... For Granted (MikaSa FanFic)
General Fiction✓least priority ✓option ✓bestfriend zone saklap! ~a mikasa fanfic