CHAPTER 3

482 13 0
                                    

ALY'S POV

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil sa sinabing babawi raw siya sa akin ngayon.

Inaya pa niya akong magdate kami. Sasaya na sana ako kaya lang naalala ko 'friendly date' lang pala yun, hay.

Pero bahala na choosy pa ba ako? Pagkakataon ko na itong makasama siya ng solo sa isang araw. Once in a blue moon nalang ito mangyari no dahil may boyfriend na siya.

Hiindi ko talaga maintindihan kung bakit ganyan palagi. Kapag magkakaboyfriend/girlfriend ang isang tao nakakalimutan na niya yung mga barkada at ibang kaibigan niya.

Pero kapag nagaway silang dalawa ng syota niya doon hahagulhol sa mga kinalimutan niyang kaibigan dati, tsk.

Kasalukuyan na kaming bumabyahe ngayon ni mika papuntang moa para gumala. Iisang sasakyan lang gamit namin yun ay ang kotse niya pero ako ang nagmamaneho.

Masaya ba ako? Oo syempre kasi kasama ko siya pero may part din sa akin na nalulungkot dahil alam kong di na ito mauulit pa.

"Bes, saan tayo ngayon?" Tanong ko sa kanya, nandito na kami sa loob ng mall nagwiwindow shopping.

"Tara, arcade tayo bes." Pagaya niya at hinila ako, kaya ayun nagpatianod na ako hindi pa nga ako nakakasagot eh.

Mahigit dalawang oras din kaming naglaro. Tawa lang kami nang tawa. Nagpataasan nga kami ng score sa basketball pero di ko pa rin siya matalo talo, tsk.

"Bes, manood tayo ng sine, matagal na noong huli tayong nanood nang magkasama." Aya ko sa kanya.

"Hmm, sige tara na." Sabi niya at nagmadali kaming pumunta sa movie house at pumili kami ng movie na panonoorin.

Pinili niya yung movie ng mclisse. Mahilig kasi siya sa pinoy movies. Ayoko sanang panoorin yun dahil ang korny ng loveteam nilang dalawa pero dahil gusto niya pagbibigyan ko nalang.

Pumila na ako para bumili ng ticket namin. Pagkatapos kong bumili ng ticket, binalikan ko siya at nakita at naabutan ko siyang may kausap sa telepono niya.

Ayaw ko sanang makinig sa pinaguusapan nila pero nacurious ako, bahala na.

"Babe, wag ka namang ganyan, bumabawi lang ako sa bestfriend ko." Rinig kong sabi niya at mukhang yung unggoy niyang boyfriend ang kausap niya.

"Babe!! Wag mo ngang pag-isipan nang ganyan ang bestfriend ko. Magkaibigan lang kaming dalawa ni alyssa, wag mo ngang lagyan ng malisya ang pagkakaibigan namin." Galit niyang sabi. Mukhang sinisiraan ako ng gagong yun kay mika ah.

Totoo naman kasing more than friends ang tingin ko kay mika. Pero ang ayoko sa lahat ay yung pinapangunahan ako, bwisit ka talaga sa buhay ko ravena!

"Pagkatapos naming manood ng sine pupuntahan kita dyan." Sabi niya, hay akala ko ba babawi siya sa kin? Tsk.

Asa ka pa ly!! Sigaw ng kabilang bahagi ng utak ko.

"Okay fine, oh siya sige na magpapaalam lang ako sa kanya." Sabi niya, nakaramdam ako ng inis at galit ngayon dahil sa narinig ko.

So iiwan niya ako ngayon para sa tukmol na yun? Tsk.

Nakita kong binaba niya yung telepono niya

"So aalis ka na? Iiwanan mo akong manood ng sine magisa?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"B-bes kanina k-ka pa dyan?" Gulat na gulat niyang tanong sa akin.

"Oo at narinig ko lahat ng pinagusapan niyo. Ang sabi mo babawi ka?! Ang sabi mo walang kiefer?!" Galit kong sabi, di na ako nakapagpigil wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na kami na mga tao.

"S-sorry bes kasi si kiefer eh, may sakit kasi siya kailangan ko siyang alagaan. Sana maintindihan mo ako." Sabi niya

"Tsk, paasa ka talaga kahit kailan. Next time wag kang mangako kung di mo kayang tuparin. Masakit umasa mika, sobrang sakit." Sabi ko at tinalikuran siya.

"Sorry bes." Yun lang ang sinabi niya at lalapit sana siya pero pinigilan ko.

"Sorry? Sana nga sa sorry mong yan mawala rin ang sakit dito sa puso ko. Alam kong mas priority mo siya kesa sa akin, sino ba naman ako para manlimos ng oras sayo? BESTFRIEND mo lang ako di ba?" Huling sabi ko saka ko siya tinalikuran.

Iniabot ko nalang yung dalawang ticket doon sa ibang pumipila at laking tuwa nila dahil nalibre pa sila ng ticket. Ayoko nang manood nawalan na ako ng gana.

Nagmadali akong umlis doon para makalayo kay mika.

Narinig ko pa ngang tinatawag niya ang pangalan ko, pero di ko na yun pinansin pa.



>>>



Umuwi na muna ako sa condo ko. Hassle nga lang kasi wala akong dalang kotse, tsk.

Kinuha ko lang yung kotse ko, at dumirecho na ako sa bar nila marge.

Ulit.

Iinom ako.

Ulit.

Magpapakalunod na naman sa alak baka sakaling mabawasan ang bigat ng aking nararamdaman ngayon.

Mabilis akong nakarating sa bar nila marge dahil malapit lang naman yun sa tinutuluyan kong condo.

Maaga pa para uminom pero wala akong pakialam. Kesa naman magmokmok ako sa condo at umiyak ayokong magmukhang baliw doon.

Nagorder na ako agad at dumirecho na sa vip room kilala naman ako ng mga waiter at staffs ng bar nato, kaya ayun walang hassle.

Cheers! Para sa pusong paulit ulit na sinasaktan at dinudurog ng bestfriend kong manhid!

Sigaw ko sa loob ng vip room, wala namang makakarinig sakin doon dahil soundproof yun.

Hay, nakakabaliw ang pagibig kapag sa maling tao ka nahulog.



-J

TAKEN... For Granted (MikaSa FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon