ALY'S POV
Isang buwan.
Isang buwan na ang nakakalipas nang maisipan kong iwasan muna si mika.
Mahirap? Oo sobra, dahil nasanay akong nakikita siya at nakakasama kahit dakilang pa akong pambansang third wheel ng loveteam nila ng syota niya.
Nakayanan ko naman, natiis ko. Natiis kong di siya replyan sa mga text niya, natiis kong di sagutin ang nga tawag niya at natiis kong di siya pagbuksan ng pinto sa condo ko.
Kung tatanungin niyo naman ako sa progress ng pagmomove on ko, nasa 0.02 percent pa ako, haha.
Hindi niyo naman ako masisisi mahal na mahal ko ang babaeng yun, hay.
Pero nakatulong naman ang sandaling paglayo ko sa kanya dahil kahit papaano nakaangat ako sa pagkakalunod ko dahil sa sakit ng nararamdaman ko.
Sa ngayon, nasa mall ako kasama ko si denisse dahil inaya niya akong lumabas.
Di naman ako bitter sa kanya, naipaliwanag na niya rin sa akin yung mga dahilan niya noon kung bakit niya ako iniwan.
Naalala ko pa kung paano nagtagpo ang landas naming dalawa dalawang linggo na ang nakararaan.
FLAAASHBAAACK
Nasa resto ako ngayon, kung kaninong resto to? Sa akin, I mean sa amin nila vic at kim.
Madalang lang akong pumupunta dito dahil nga sa problema ko kay mika. Pero ngayon naisipan kong bigyan at paglaanan ng oras ito dahil nahihiya na ako sa mga partners ko, puro reklamo, haha.
Pero kahit ganun, naiintindihan naman ako ng mga baliw na yun. Isa pa gusto kong ibaling ang atensyon ko sa ibang bagay upang maiwasan ko na isipin pansamantala si mika.
Pagkapasok ko palang, inabot na ako ng tukso ng mga baliw kong kaibigan. Yung mga staff naman naninibago sa akin, so magiging hands on na ako dito simula ngayon. Gusto kong bumawi.
Dahil nga nandito ako, umeskapo naman yung dalawa dahil mag-double date daw sila, tsk. Edi shiing! Sila na ang may masayang lovelife!
Nasa bar counter ako ng resto at nagauaudit ako pero natigilan ako bigla dahil may isang babaeng pumasok na familiar sa akin.
Sobrang familiar isa sa babaeng mahalaga sa akin, si denisse. Inutusan ko naman kaagad yung isang waiter para kunin ang order niya.
Kaya itinigil ko na muna yung ginagawa ko. Hinintay ko na maiserve ang order niya at ako na mismo ang naghatid nun sa kanya.
Habang papalapit ako nang papalapit, kinakabahan ako na parang ewan. I really missed her, mahigit sa anim o pitong taon na rin kaming hindi nagkita ng babaeng to.
Hindi naman niya ako kaagad napansin dahil busy siya sa cellphone niya.
"Here's your order maam." Biglang sabi ko, at nilapag yung order niya sa lamesa. Natigil naman siya sa pagkalikot ng cp niya at tumingin sa akin.
"A-alyssa?" Gulat niyang sabi. Nginitian ko lang siya.
"K-kamusta ka na? S-sayo tong resto?" Tanong niya.
"Yep, business partner ko sila kim at vic dito. At okay lang naman ako, ikaw ba? Kailan ka pa dumating?" Casual na tanong ko at umupo ako sa katapat niyang upuan.
"Ahm.. okay lang, noong nakaraang linggo lang." Maikling sabi niya, natahimik naman kami pareho pagkatapos nun.
"Sige lang kumain ka na denisse. Aalis na muna ako ah?" Pagpapaalam ko sa kanya.
"Teka lang ly, p-pwede ba tayong m-mag-usap?" Kinakabahang tanong niya.
"Sure, akala ko si mo na ako tatanungin eh." Nangingiti kong sabi. "Kumain ka na muna, mamaya na tayo mag-usap" dadag ko.
Pagkatapos kumain ni den, humarap siya sa akin at magsalita.
"Unang una ly, gusto kong magsorry dahil sa pagiwan sayo ng walang dahilan. Alam kong nagalit ka sa akin o baka nga galit ka pa talaga. Sorry kasi naipit ako sa sitwasyong kailangan kong mamili sa inyo ng parents ko. Alam mo namang tutol sila sa atin pero nagmatigas ako, ipinaglaban kita sa kanila. Kaya lang nagbanta silang sasaktan ka at papatayin kung di kita lalayuan. Wala akong choice ly kaya sumama ako sa kanila at ayokong saktan ka nila." Habang nagsasalita siya, walang tigil sa pagtulo ang luha niya.
Denisse is so selfless. Mahal niya talaga ako, ang swerte ko sa kanya.
"Den, kailanman di ako nagalit sayo siguro nagtampo pa yun lang. Pero ngayon narinig ko ang paliwanag mo at mas naliwanagan na ako mas lalong di dapat ako magalit sayo. Salamat sa pagsasakripisyo mo para sa atin den. Gusto ko lang itanong sana sayo kung.." di ko halos matuloy yung gusto kong sabihin
"Kung?" Takang tanong niya.
"Kung may mahal ka na ngayong iba?" Tanong ko.
"Sa totoo lang ly? Wala, Ikaw pa rin talaga ang mahal ko. Pero alam ko namang may mahal ka ng iba ngayon, wag kang mag-alala di naman ako ganun ka desperada na itali ka sa akin." Sabi niya at nginitian ako.
Nagulat ako, "seryoso halos sampung taon na tayong di nagkita pero ganun pa rin?" Di makapaniwalang sabi ko.
"Ganun talaga eh, ang lakas ng tama ko sayo." Sabi niya at kinindatan ako.
Pakiramdam ko nagblush ako dahil dun. "May mahal nga akong iba pero ang tanong mahal niya ako?" Sabi ko, pareha kaming napangiti ng mapait.
Nagusap pa kami saglit bago siya lumisan ng resto. Kinuha niya yung number ko para kung gusto niyang magyaya madali lang daw niya akong makontak.
E.O FLAAASHBAAACK
As of now, okay na kami, friends na wala ng ilangang nangyari.
"Ang tagal mo den, saan ka ba galing?" Takang tanong ko sa kanya.
"NagCR muna ako at ang daming tao. Mahaba rin yung pila sa counter eh, sorry." Sabi niya.
"Pasensya ka na ah, dapat ako na yung nagorder nakakahiya." Sabi ko.
"No it's okay, ikaw talaga ly." Sabi niya at nginitian ako kaya ngumiti rin ako pabalik.
Naramdaman kong parang may nakatingin sa amin. Nilingon ko ito at naaninag ko ang isang taong familiar sa akin.
Sa tindig palang kilala ko na kung sino ito, si mika. Hinayaan ko nalang, kailangan ko munang tiisin na di siya pansinin.
-J
BINABASA MO ANG
TAKEN... For Granted (MikaSa FanFic)
General Fiction✓least priority ✓option ✓bestfriend zone saklap! ~a mikasa fanfic