1

1.6K 27 1
                                    

"Lakad"

May nararamdaman akong kakaiba,
Ito yung pakiramdam na ayaw ko ng maramdaman pa,
Ito yung pakiramdam na pilit kong kinakalimutan,
Pakiramdam nung ikaw ay nagpaalam,
Pakiramdam nung huling beses akong nasaktan,
At muli akong luluha ng di alam ang dahilan.

Naiinis ako,
Kasi naaalala ko nanaman yung panahong masaya pa tayo,
Yung panahong ang tanging laman ng isip ko ay ikaw,
Yung panahong natuto ako kung paano,
Kung paano magmahal,
Naaalala ko nanaman yung panahong nanood tayo ng sine ng magkatabi,
Di na iniisip kung anong nangyayari basta ikaw lang ang aking katabi,

Paano nga ba makalimot,
Yan ang aking tanong sa aking isipan,
Paano banaman,
Akala ko kasi okay nako,
Akala ko wala nakong nararamdaman para sayo,
Akala ko naglaho na,
Pero akala ko lang pala,
Ngunit totoong naglaho kana,
Dahil nung mga panahong pinapasaya kita,
Ay sumasaya kana rin pala sa piling ng iba,
Di ko alam kung anong gagawin ko,
Para akong nababaliw, naiinis, nasisira-ulo,
Mahal kita, yan lang ang pinanghawakan ko,
Ngunit di sapat ang mga kamay ko sa pagkapit kung ikaw mismo yung bumibitaw,
Pilit ko mang gustuhin pero ikaw na yung umaayaw,

Naaalala ko yung panahong naglalakad tayo pauwi ng sabay habang magkahawak ang ating mga kamay,
Ngayon umuuwi nalang ulit ako ng mag-isa,
Naaalala ko yung noon na naglalakad ako ng kasama ka,
Ngunit ngayon naglalakad nalang ng mag-isa,
Sige, sabayan mo akong muli sa paglalakad,
Sabay tayo,
Sabay tayong maglalakad,
Pero patalikod sa isa't-isa.

Mga Tula Para Sa Pusong WasakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon