6

494 7 0
                                    

"PANGALAN"

Nais kong ihatid ang mensahe,
Hindi ito pagkain na iba't-ibang putahe,
Ito'y pag-ibig kong mistulang jeep,
Na kasama ka sa biyahe,
Ako'y di mapakali,
Dahil ang magandang ikaw ang aking nakatabi,
Ang puso ko'y nagtatatalon at di na nakahimlay,
Dahil may mag-aabot ng bayad,
At mahahawakan kong muli ako iyong kamay,
Sa bawa't minutong sinusulit ang oras na kasama ka,
Bawat oras at sigundo ko rin nararamdaman ang saya,
Pakiramdam ko'y may ikaw at ako,
Sa malawak na pag-iisip at imahinasyon ko,
Ako ang hari ng mundo,
Dahil ikaw ang reyna na itinuring kong mundo.

Ngunit nabatid ko rin ang iyong pag-aalala,
Na baka lumagpas ka sa iyong pupuntahan,
Nag-alala din ako na baka hindi kana ulit masilayan.

At dumating na ang oras na ikaw ay bababa na,
Ako'y naiwan nanaman mag-isa,
Dumating ang oras na kinatatakutan ko,
Dahil torpe ako,
Dumating ang puntong umalis kana at di ko nalaman ang iyong pangalan,
Si tadhana muli nanaman akong pinaglaruan.

Tunay nga na may mga taong dadaan lang sa buhay mo,
Pero hindi mananatiling nanjan sa piling mo,
At ang ikaw at ako,
Ay pinagtagpo lang,
Ngunit di nagkakilanlan.

Mga Tula Para Sa Pusong WasakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon